Chapter 3

2.4K 66 0
                                    

Walang ekspresyon ang mukha ni Alexa habang nakatayo sa labas nang krypton Lounge nakikipagtalo sa sarili nya kung papasok ba sya sa lugar na'yon o hindi,pilit nyang inaalala kung bakit nga ba nandoon sya sa lugar na'yon naabuntong hininga sya nang maalala ang dahilan.

"Mag-uusap kayo di'ba?,dahil  tinakasan  mo  siya  noong  isang  araw  ay  dito ka  niya  pinapunta  sa krypton  lounge"

Sabat nang isang bahagi nang utak nya,hindi kasi natuloy ang sana'y pag-uusap nila noong nakaraan paano ba naman kasi bigla  nalang  silang  sinugod  nang mga  fans  nito  na  pakiwari  nya'y  sa  giyera  ang  punta  akala  niya  nga hindi,na  makakalabas  nang buhay  ang  lalaki sa  mga  babaeng iyon  luckily  buhay  panaman  ito the  next day  nang  makita  niya  ito  sa  school at  doon  na  nga  siya  sinabihang magkita  daw  sila  sa  Krypton  lounge  kung saan  gaganapin  ang  victory  party  nang  team  nito  mula  sa  pagkakapanalo  nang  mga  ito  sa  laro  kahapon.

Gusto nya nang normal na buhay habang nasa Pilipinas,pero mukhang hindi na'yon magiging madali dahil sa ginawa nitong pagbalandra nang pagmumukha nya sa maraming babae sa University habang hawak hawak nito ang kamay nya.

Bumuntong hininga sya,bago naglakad paatras wala naman syang dapat ipagpaliwanag sa lalaki kung tungkol sa pagpunta nya sa Botanical Garden palagi,oo stalker sya nito pero hindi naman sya isa sa mga babaeng naghahabol dito dahil gusto nila ito sa ibang paraan,sya gusto niya ang mga Paitings nito kaya gusto narin nya ito,naguluhan sya sa konklusyon pumasok sa isipan nya ano ba talaga ang tamang itawag nya sa nararamdaman nya dito? Paghanga? Hindi ba't halos lahat nang babaeng gusto nito ay yun din ang nararamdaman?.

"Ah,bahala na wala na akong pakialam"

Untag nya,ginugulo nang lalaki ang utak nya,nagpasya  nalang  siyang  umuwi  at  matulog  mabuti  pa  sa  unit  niya  makakapagpahinga  pa  siya.




"Where are you going?"

Napaigtad sya sa boses nang  lalaking nagsalita sa likuran nya,kasalukuyan na syang nakatayo sa gilid nang daan malayo layo na sa krypton Lounge na pinanggalingan nya kanina,nagbabantay na sya nang taxi pauwi.

"Van"

"I said what are you going?""

Nakapinta nanaman sa mukha nito ang lagi nitong ekspresyon walang  sigla madilim,ilang ampalaya kaya ang inumagahan at pinagtanghalian nito kanina't ganito nanaman ang pagmumukha nito?

"Uuwi"

"Uuwi? Why is that?"

"Ah kasi,hindi ako sana'y sa mga ganyang lugar at saka may maghihintay sa'kin sa bahay"

Katwiran nya,mabuti nalang at hindi sya natawa sa sinabi nyang may maghihintay sa kanya sa bahay,hindi naman pagsisinungaling ang sinabi nya may naghihinatay naman talaga sa kanya sa Condo nya,kaya lang hindi sino kundi ano hinihintay sya nang dalawang cutie bunnies nya sa bahay na sina Ginger at Boot chook binili nya ang dalawang rabbit sa isang pet shop na nadaan nya nung nakaraang  linggo she always wanted to  have  one ever since she was a  child,pero  ayaw  nang mama  niya  sa  mga  pet's  may  trauma  ito  nang  minsang  kinagat  noon nang  aso  nang  maliit pa ito  kaya  mula  noon  ayaw  na  nito  nang  kahit  na  anong  hayop  na  alaga  sa  bahay.

"Who's  waiting  for you?"

bumalik  ang  paghihinuha  niya  sa  lalaking  kaharap  oo  nga  pala  may  kausap  nga  pala  siya.

"A,basta kailangan konang umuwi kung gusto mo dito monalang sabihin ang gusto mong sabihin"

"No"

THE HEARTBREAKER TEAM book 3 Mr.ARTISTbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon