Chapter 8

2.1K 50 2
                                    

Kanina pa hindi mapakali si Alexa habang nakaupo sa desk nya,nakatingin nga sya sa guro nilang nagleleksyon sa gitna ngunit wala naman doon ang atensyon nya,bakit ba lagi nalang syang distracted nitong mga nakaraang araw?.

"What should we have for our lunch later?"

Napaigtad sya sa boses nang lalaking nagsalita sa tabi nya,marahas  siyang napabuntong hininga saka napalingon  sa  lalaking  katabi nandito lang pala ang  sagot  sa  katanungan nya ang sagot o  mas  tamang  sabihing ang distraction sa buhay nya.

"Tumigil ka nga,hindi tayo kakain nang sabay"

kontra  niya  sa  sinabi  nito at pasim pasimpleng bahagyang lumayo dito,hindi lang dahil sa mga babaeng kaklasi nila na tila kakainin na sya nang buo habang nakatitig sa kanya,kailangan nyang dumistansya sa lalaki dahil baka biglang nalang syang matumba doon dahil sa heart attack kanina pa kasi tinatambol nang  matinding  kaba ang puso nya.

"Bumalik ka nga doon sa upuan mo"

Utos niya dito,habang pilit itong pinapaalis sa kinauupuan nito sa tabi nya.

"Why? You're distracted? Dahil sa'kin?"

"Yes!"

Natigilan sya nang marealize nyang  naisaboses  niya  ang  bagay  na  dapat  ay  sa  utak  lang  niya  nananatili bw*sit  talaga.

Napatingin sya sa lalaking ngayo'y nakangiting nakatingin sa kanya,mukhang  nasisiyahan  pa  ito  sa nangyayari  samantalang  ito siya  hirap  na  hirap  na  muli  siyang bumuntong hininga  bakit  nga  ba  siya  nahihirapan?

"You are?"

Tila nasasabik namang tanong nang  lalaki  sa  tabi  niya,titirisin  na  talaga  niya  ang  mokong  na'to e,nakaguhit ang matamis na ngiti sa mga labi nito,this is torture,bakit ba kasi ang gwapo nito ngumiti?.

"What?! No,i mean a! whatever"

Naiinis  at  sumusuko  na  niyang  sambit saka inalis ang mga mata niya  dito,bahala na  ito  sa  buhay  nito  may  bagay  siyang dapat  intindihin  ngayon  ang  pagdating nang taong  pinakapaborito  niya  sa  lahat her  brother.







Nakatingin si Van kay Alexa habang naglalakad ito palabas nang University,sinubukan nya itong pilitin na sumabay nalang sa kanya,pero tumanggi ito dahil may kikitain daw itong importanteng tao kaya imbes na pilitin nya ito ay susundan nalang nya ang babae.

Mula sa University ay isang Restaurant ang naging destinasyon nito,pumasok ito doon at ganoon din naman sya suot ang itim na hoodie at itim na sumbrero ay umupo sya ilang table mula sa kinauupuan nito hindi  naman  kaya  siya  mapagkamalang  snatcher  sa  ayos  niya?

May  kasamang isang lalaki  ang  babae  ngayon sa  table  nito  at  sa  palagay nya'y ilang taong mas matanda ang  lalaki  dito,humalik ito sa lalaki at  kaagad  namang  nagtagis  ang  bagang  niya  dahilan upang masipa nya ang upuang nasa harapan nya,gumawa iyon nang ingay  sa  loob  nang  lugar  na  iyon,napatingin ang iilang mga taong nandoon sa kanya,kaagad naman syang umayos nang pagkakaupo at pasimpleng yumuko,what the hell is he doing? He needs to calm down kung ayaw nyang mabuking sya nang  babaeng  ilang  hakbang  lang  naman ang  layo  sa  kaniya.

Patuloy na nag-uusap si Alexa at ang lalaking kasama nito nang magawi ang tingin nito sa kanya,kaagad syang bumawi nang tingin at pasimpleng tumingin sa Cellphone nya at kunwari'y may kinakausap doon,ngunit  hindi  paman  siya  nakakahuma  sa  muntik  nang  pagkakabuko  ay  isang  babae  nanaman  ang  lumapit sa  kaniya.

"Van,what are you doing here?"

napaangat ang nakayukong ulo nya na kahit hindi pa nya gawin ay kilalang kilala na nya kung sino ang nagmamay-ari nang boses na narinig  niya.

THE HEARTBREAKER TEAM book 3 Mr.ARTISTbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon