Chapter 9

2.1K 50 1
                                    

A/N:R/18 medyo spg kasi.....ang mga scenes buy the way enjoy....😀😀😀😀😀

"You shouldn't be with him you bitch!!!!"

Paulit ulit na umeecho sa utak ni Alexa ang nakapaloob sa mensaheng natanggap nya kanina galing sa isang unregistered number,hindi nya alam kung bakit ba tila apektado syang masyado sa mensaheng iyon na baka naman na wrong send lang.

"Hey"

Napaigtad sya sa boses nang lalaking nasa tabi nya pinindot pindot pa nito ang pisngi nya,upang makuha ang atensyon nya.

"Ano?"

Tanong nya dito na tila nagtataka naman habang nakatingin sa kanya.

"You've been spacing out,what's wrong?"

"Wala,wala"

Aniya dito,na mukhang hindi sang-ayon sa sagot nya.

Nasa botanical garden silang dalawa ni Van sa tuwing parehong vacant sila ay doon na  ang nagiging tambayan nila at nagpapalipas nang oras magkasama,It's been about about three weeks nang maging sila at kahit ngayo'y pakiwari nya'y nanaginip parin sya it feels like she was living in a dream at mahirap padin sa kanyang maniwala na  totoo lahat nang mga ito.

Ngunit kasabay din naman nang katotohanang sila na nang lalaking itinitibok nang puso niya  ay  ang pagdami  narin nang may mga gustong ilibing nang buhay sa loob at  labas nang  Heartfield University ang mga fans  nitong hindi padin matanggap na  sila na nang lalaki,kung hindi kasi matatalim na mga mata ang laging nakatingin sa kanya ay mga message nang iba't ibang numero ang natatanggap nya at nagbabantang may mangyayari daw na masama sa kanya kapag hindi nya hiniwalayan si Van.

"Sya nga pala pagkatapos nang practice namin mamaya may pupuntahan tayo,pinukaw nanaman  nito ang naglalayag  niyang isipan.

"Saan?"

wala sa sarili niyang tanong habang nakatingin sa iginuguhit nitong dalawang kuneho,ngayon lang niya iyon nabigyan nang atensyon.

"Mga Rabbit koba'yan?"

Tanong nya dito,ngunit hindi naman ito sumagot at nagpatuloy lang sa ginagawa nito.

"Hoy! Saan tayo pupunta mamaya? at mga rabbit koba 'yan? mga anong oras mopa'ko balak na sagutin?

"You'll see"

simpleng sagot nito.

"Van,saan nga?"

Pamimilit nya dito,na wala namang ibang tugon kundi ang mga pagngiti nito,tatabasin na niya maya maya ang bibig nito e.

"Van hindi ako sasama sa'yo mamaya kapag hindi mo sinabi"

"Hihilahin kita"

Sagot nito,may plano nanaman itong gawin syang aso,saan naman kaya sya nito dadalhin?,bumuntong hininga nalang siya saka muling binalingan ang dinodrawing nito she wanted to watch him doing his painting's ngunit ayaw naman niyang pilitin ang lalaki sa gusto niya kaya sa mga drawing's nalang muna siya nito magpapantansya dahil lahat naman iyon ay magaganda din.










Nasa labas na nang school si Alexa at hinihintay ang paglabas ni Van mula sa Locker room nito,tapos na ito sa practice at ngayo'y pupunta na sila sa sinasabi nitong pupuntahan nila.

"Excuse me Miss you are Alexa?"

Isang babae ang lumapit sa kanya,basi sa suot nitong uniporme ay hindi ito sa Heartfield nag-aaral,mahaba  ang  buhok nito at mukhang hindi approachable ang ekspresyon nang mukha alam mo'yun yung alam mo kung malalapitan ba siya o mabait siya sa unang impression palang? she has this kind of aura na hindi niya gusto para kasing napipilitan lang ito kausapin siya.

THE HEARTBREAKER TEAM book 3 Mr.ARTISTbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon