The hospital (chapter-2)

260 5 0
                                    

Dinala ng dalawang halimaw si cora at josh sa room 30 sa fourth floor parin ng hospital. Doon naka bulagta ang limang ka taong putol putol na ang katawan, ang limang katao nayon ay nawawalang tourism student.

Binitin ng dalawang halimaw si cora habang wala pa itong malay at si josh naman at patay na at inilagay sa isang nilalangaw na lamesa. Basag ang bungo ni josh at tumutulo ang dugo nya sa lamesa na may kasamang utak.
Nang nagising si cora nagulat sya sa mga nakita nya, umiyak sya dahil patay na si josh. Pero nakita nya ang tour guid na kasama ang mga halimaw. Gusto na sana nyang tumakas pero
Masakit parin yung saksak nya kaya hindi sya masyadong nakakagalaw.

Nakita ni cora kung paano putulin yung katawan ni josh hiniwa-hiwa yung mga kamay nya inilagay isang malaking kawa para lutuin.

Sigaw ng sigaw si cora pero imposibleng may makakarinig sakanya dahil napakalaki ng hospital.

Gabing gabi na noon at tumulog nalang muna ang grupo ng hunters akala nila nagiimbistiga parin sina josh at cora sa ikaapat na palapag pero hindi pala.

Kinaumagahan, wala parin sa tabi nila sina cora at josh kaya pinuntahan ni paolo at ella sila sa taas at ang naiwan nalang ay sina jude at elain. Inikot nila yung buong kwarto at nang pagbukas nilang dalawa sa room 30. Nakila nila yung mga putol putol na katawa, ulo ni josh at ang nakabitin na si cora.

Umiyak si paolo at ella sa mga nakita nila parang gusto nilang sumigaw pero hindi pwede kasi sa kabilang kwarto lang ang mga halimaw.
Sinubukan nilang dalawa na itakas si cora. Maingay yung mga galaw nila kaya doble ingat dapat. May dala si paolo na kutsilyo kaya yun yung ginamit nya para putulin yung lubid na nakagapos sa mga paa ni cora.

Naputol nila yung gapos, hindi masyadong makalakad si cora dahil sa natamo nyang saksak samay tiyan.
Sa harapan sila ng pintuan ng room 22 ng biglang may halimaw na lumabas sa room 29. Pumasok sila bigla sa room 22 para magtago.

Niyakap ni ella si cora sa may tabi dahil nanginginig pa ito sa sobrang takot, habang si paolo naman doon sa may pintuan nag aabang sa halimaw na papasok.

Inamoy amoy ng halimaw ang paligid. Matalas ang pang amoy nila sa tao.

Papunta na sya sa room 22 at nang nabuksan na nya yung pinto, bigla ni paolo sinaksak ang halimaw sa ulo ng tatlong beses at tumakbo papuntang 2nd
floor.

Nagulat si elain at jude sa nakita nilang saksak kay cora. Napansin ni ella na kulang ang grupo.

"Asan si josh?"-ella

Tumingin si paolo cora at elain sa sahig at umiyak. Nag-iyakan sila lahat, at kinuwento ni cora ang mga nangyari sa kanila nung gabing iyon.

Palaisipan kay cora kung bakit doon yung tour guid kasama ang mga halimaw. Pero ito talaga ang tunay na storya.

****

Sa totoo lang hindi sya tour guid. Isa lang syang taga bantay. Marahil palaisipan parin sainyo kung bakit nandoon ang tour guid kasama ang mga halimaw.

Ang pangalan nya ay si Reynaldo Baltazar Estrada . Anak sya ng pinaka huling pasyente sa hospital nayon. Nung nasagasaan ang tatay nya lahat ng hospital nalibot na nila, walang hospital na tumatanggap dahil malala na ang pasyente tanging reseta lang binigay sa kanila hanggang inadmit yung tatay nya sa hospital nayon. Saktong pagpasok nila sa hospital naglalabasan na ang mga tao sa loob dahil mag sasara na ang hospital. Iyak ng iyak si reynaldo dahil walang umaasikaso sa tatay nya habang yung nanay nya humahanap pa ng pera para sa gamot. Hindi nagtagal namatay na yung tatay nya at sa sobrang kalungkutan ng nanay ni reynaldo ay inatake ito sa puso at sunod na namatay. Dahil sa mga nangyari sa pamilya ni reynaldo nasiraan na sya ng bait.

At dahil sa wala nang tao sa hospital mismong si reynaldo nlang ang gumawa ng gamot para mabuhay ang nanay at tatay nya. Nag eksperemento sya ng mga gamot na galing sa hospital at itinurok ito sa tatay at nanay nya. At pagkatapos ng tatlong araw nabuhay ang nanay at tatay nya pero marami silang pinag bago at isa na don ang pagkain ng kapwa tao.

****

Ano kaya ang mangyayari sa grupo ng hunters. May pag-asa paba na makukumpleto nila ang task? Abangan ang next chapter ng 11 open doors .

****
Thanks for reading guix don't forget to hit vote para lang sa effort.
Salamat guix.

11 Open DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon