Kinaumagahan, nagimpake na sila para umuwi. Wala na sa isip nila yung misyon. Papalabas na sila ng pinto ng may nakita silang mapa na nakaukit sa sahig. Mapa iyon ng mga pinto sa hospital, pinag-aralan nila yung mapa para makalabas na sa mapanganib na hospital na yon.
Limang pintuan ang may roon sa 1st floor, dalawa naman sa second floor, dalawa rin sa third floor at tatlo sa fourth floor.
Dalawa lang ang bukas na pintuan sa hospital isa sa first floor at isa rin sa fourth floor.
Dahil sarado na ang pintuan sa unang grado dumiretso sila sa fourth floor, naging mapagmatyag ang pagtakas nila lalo na't doon ang mga halimaw naninirahan. Nasa room 28 ang bukas na pintuan kaya dahan dahan silang pumunta sa room nayon at pag pasok nila nakita nila ang bukas na pinto na may lubid papailalim pero ang kwartong yun ay pinapalibutan ng napakaraming lumang litrato na nakapaskil sa mga pader. Ang mga litratong iyon ay ang mga pasyente at iilan don ang litrato ng mga doctor kaya napagdesisyonan nila na hanapin muna ang mga doctor doon.
sa daan-daang litrato may 5 doctor na kabilang doon. Hinanap nilang apat ang litrato ng mga doctor tatlo nalang ang kulang nila para makumpleto ang task. At nakita na nila ang tatlong doctor na sina alejandro Matias Quezon, Lida Lumawag, at sanchez magtanghal Luna.Dali dali nilang isinulat sa papel ang mga pangalan ng doctor at nagmamadali na silang bumaba mula sa napaka taas na hospital baka maabutan sila ng mga halimaw. Umunang bumaba si elain, dapat ay isa-isa lang bumaba dahil mapurok ang lubid. Nakaabot na si elain doon sa ilalim at ang sumunod na bababa ay si jude para may kasama si elain sa ilalim.
Takot na takot si cora sa matataas kaya umiiyak sya kay paolo at nagpakiusap na wag syang pababayaan lalo na't may tinamo syang sugat. Habang papuntang ilalim si jude nakita ni reynaldo si paolo at cora na nagyayakapan. Tumawa si reynaldo at nagpalakpak.
Saan kayo pupunta?
Tugon ni reynaldoSinuntok ni paolo si reynaldo sa mukha at dahil may edad na si reynaldo hindi sya lumaban kay paolo pero tuloy parin ang halak-hak nya.
Walang hiya ka! Mamamatay tao ka! Pinatay mo ang mga kaibigan ko mag babayad ka sa mga kasalanan mo! Sabi ni paolo.
Sinuntok ulit ni paolo si reynaldo sa mukha ng limang beses hanggang sa nawalan ito ng malay. Nakita nila ang susi sa bewang ni reynaldo susi iyon ng first floor kaya agad nila itong kinuha para doon nalang sila dumaan dahil siguradong mahihirapan si cora bumaba doon sa lubid. At nung papalabas sila ng room 28 sumigaw si cora dahil nakita nya yung mga halimaw.
Tumagbo na si cora at paolo dahil nakasunod na sa kanioa yung mga halimaw. Alam ng mga halimaw ang direksyon ng tao gamit lamang ang kanilang pang amoy kaya habang naghahabulan ang halimaw at sina paolo umiiyak sa sakit ng saksak si cora. At sa ikalawang grado na sila biglang pinana yung paa ni paolo dahilan ng paghina ng takbo nila.
Nalilito si paolo kung saan sa limang pinto ang saktong susi.
Una nyang pinasok ang susi sa ikalawang pinto pero d ito sakto at bubuksan na nya sana ang ikatlong pinto ng bigla syang sinuntok ng halimaw sa noo dahilan ng pagkakatumba nya sa sahig.Bumunot ang halimaw ng isang kutsilyo at balak nya itong isak-sak sa ulo ni paolo at nung isasaksak na nya ito. Biglang bumunot si cora ng kutsilyo sa bulsa ng halimaw at sinaksak nya ito ng sampung beses sa ulo.
Naligo si paolo ng dugo at nanginginig parin sa takot si cora. Pero hindi padoon natatapos biglang dumating ang asawa ng halimaw. Tumakbo si paolo at cora sa under ground dahil hinahabol sila ng halimaw.
Iyak ng iyak si cora, at dahil sa ungol ng pagkakaiyak nya sinundan sila ng halimaw. Pinapatahimik ni paolo si cora.
Wala na silang nakikita dahil napaka dilim ng under ground kaya habang nasa gilid sina paolo nakatayo. Biglang naapakan ng halimaw ang paa ni cora.
Umiyak si cora ng matahimik dahil sa sakit. Pero biglang may sumigaw sa labas ng pintuan.
Paolo cora nandyan paba kayo? Cora?!
Biglang tumakbo ang halimaw papalabas ng under group para sundan ang ingay na galing sa labas.
Sigaw ng sigaw si ellain kaya hinampas ng halimaw gamit ang palakol para buksan ang pinto.
****
Makakalabas pa ng buhay sina cora at paolo? Makakatakas kaya sila sa hospital nayon?
Abangan ang last chapter ng 11 OPEN DOORS-The hospital.****
Thanks for reading guix. !!Chapter-5 Last chapter ng The hospital abangan nyo po ang ending. Next season ay ang 11 OPEN DOORS-The password.
Sana maabangan nyorin yan salamat.!!
BINABASA MO ANG
11 Open Doors
HorrorFILIPINO This story contains horror,crime and sexual activities that may not suitable under 13 years old. Ihanda na ang iyong sarili, Enjoy nyo lang yung story.