The hospital (chapter-5)

133 3 0
                                    


Kinuha ni paolo ang hawak na palakol sa halikaw at natapon ito sa isang sulok kinuha kaagad ito ni paolo para ihampas sa halimaw at nang kukunin na nya ito sa sahig biglang may paang umapak sa palakol, nagulat si paolo nang nakita nyang may malay na si reynaldo. Kinuha ni reynaldo ang palakol para hampasin kay paolo. Nakailag si paolo, sinuntok ni paolo si reynaldo sa mukha at tumakbo na si paolo papunta kay cora. Tumayo si reynaldo at lumapit na si reynaldo kina paolo at cora at tatangkain nya itong hampasin ng palakol si paolo.

Nasalikod ni paolo si cora at may nahawakan si paolo na matalim na bagay sa likuran niya. Nang ihahampas na ni reynaldo ang palakol kay paolo, biglang sinaksak ni paolo si reynaldo sa tiyan gamit yung hawak-hawak nyang matalim na bagay.

Tumagas ang dugo sa tyan ni raynaldo. Habang ang halimaw ay nasa pintuan, naamoy nya ang dugong tumagas sa tyan ni reynaldo at hinanap nya ang amoy nito. Tumakbo si paolo at cora papalayo sa halimaw para hindi sila maamoy ng halimaw dahil punong puno ng dugo ang damit ni paolo.

Habang tumatakbo sina paolo at cora nadulas si cora sa pagkakatakbo nya at sumigaw sya dahil nagalaw yung saksak nya. Sinundan silang dalawa ng halimaw mahinang tumakbo ang halimaw kaya nakalayo layo. Inikot nila ang first floor at nung nakabalik na sila sa main door binuksan na nila ito para makalabas. Parang hindi kumakasya yung susi at paparating na ang halimaw sa kanila. Natataranta na si paolo dahil ayaw parin bumukas ng pintuan.

Ng papalapit na ang halimaw sa kanila biglang kinuha ni cora ang palakol katabi ng bangkay ni reynaldo at hinampas nya ito sa gitna ng ulo dahilan ng pagkakahati ng katawan ng halimaw. Umiyak si cora habang nanginginig, niyakap sya ni paolo at sinabing ligtas na tayo wag kang mag alala.

Binuksan na ni paolo ang pintuan at kumasya na ito. Paglabas nila niyakap nila ang isa't isa dahil ligtas silang nakalabas ng hospital.

Sinarado na nila ang pintuan ng hospital at sinulatan nila gamit ang spray ang maindoor ng DON'T OPEN THIS DOOR, THERE HAVE NO OPEN DOORS.

umalis na sila ng hospital nayon at iniwan nalang nila ang bangkay nina josh at ella para hayaan nalang nilang ang mga pulis ang mag imbestiga sa crimen.

Umalis na ang grupong hunters ng hospital.

Pagkatapos ang apat na araw, may mga pulis na nag responde sa hospital nayon. Tatlo silang pulis na pumunta at binasa nila ang naka spray sa pintuan ng hospital.

DON'T OPEN THE DOOR
THERE HAVE NO OPEN DOORS.

Pero di na nila ito pinansin dahil isa lang daw yung kalokohan at  binuksan talaga nila ang pinto at pumasok sa loob ng hospital. Nang nakapasok na sila sa loob, at nagulat sila ng biglang sumarado ang pinto.

Maya-maya lang sumigaw silang tatlo sa loob ng abandonadong hospital. 


THE END


****

Thanks sa mga readers na nagtyagang nagbasa ng first season ng 11 OPEN DOORS pasensya na dahil natagalan ako sa pag update exam kasi namin this week kaya super busy ako.

****

Abangan nyo ang next season ng 11 OPEN DOORS-The password.
Salamat ulit sa mga nagbasa.👌💋

11 Open DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon