11 Open Doors - The Password (chapter-1)

131 0 0
                                    

Ako si marie, may kaibigan akong si jona. Si jona ay isang napakagandang babae at isa syang modelo ng paaralan namin.

Ang pangalan ng school namin ay Aesthetic Fourth de Tomas University na kung saan mayayaman lang yung mga nakakapasok sa school nato.

Nagkakilala kami ni Jona nung nag enroll ako sa school nato. Di sya marunong kasi bago panga sya dito. Scholar sya ng University dahil sa kanyan talino. Dadagdag pa sa kanyang talento ay ang pagsali nya sa mga beauty pagent. Mahihiya nga ako pag kasama kaming dalawa kasi parang napagkakaman na akong yaya nya. Pero sa totoo lang mahirap lang si Jona, galing sya sa isang bundok. Ang sabi nyapa sakin, maswerte nadaw sila doon pag nakakain ng dalawang beses sa isang araw. Di daw gaya dito libre lahat kase nagamit nya yung talento nya.

May mga barkada ako. 10 kami sa grupo at lahat kami magaganda, charot. Pinakilala ko si jona sa grupo ko, masaya naman sila na madadagdagan na naman yung grupo namin ng isang dyosa.

Cool kid ako sa school namin. Pants, polo with white shirt tacked in, at converse na shoes ok na ako. Maraming nanliligaw sakin pero, pweeh muna i want to enjoy my life. 11 na kami sa grupo may tatlong lalaki at walong girls sa grupo namin.

Lahat kami ay gustong maging isang abogado kaya mag-aaral talaga kami ng mabuti. Pero may independent sa grupo namin, sa bagong miyembro namin na si jona. Gusto nyang kurso ay Maging isang programmer. Kaya minsan hindi kami sama sama sa mga activities.

2year college na kami. At habang naglalakad kaming grupo sa corridor may sumipol na isang lalaki sa gilid namin.

wet wiw!? akin yung nakapula.

Huminto kaming grupo, at napatingin sa mga damit namin. Pero si mark na ka grupo namin pinuntahan nya yung lalaki at sinabing.

"Rumespeto ka naman kahit konte"

"yan? kayo rerespetuhin nagpapatawa ba kayo? hindi kayo banal para respetuhin"

"ah ganon,"

pinagtangkaan ni mark na suntukin yung lalaki kaso sumigaw si jona.

wag!! -jona

Nakapula pala si jona, at siya pala ang sinisipulan ng lalaki kaya pinuntahan nya ito at linapit ang kanyang mukha sa lalaki.

Bakit? ano po yung problema nyo?  -jona

napalunok yung lalaki.

ah ehhh.. wala bakit ikaw may problema kaba sakin? -lalaki

sabay kagat ng bibig ng lalaki.


Sabihin mo lang kung ano yung gusto mo para ibigay ko. -jona

habang magkalapit parin ang face nila, pero ang hindi inaasahan ng lahat. Hinalikan ni jona sa labi ang lalaki sabay lumakad papalayo sa kanila.

Nakatulala lang yung lalaki at kami natatawa nalang sa nakita namin. Lumabas na kami ng campus para pumunta sa mall.

Habang nasa mall kami mapag isipan naming bumili ng pagkain para cool naman kaming tignan palakadlakad, pero si jona nagpaalam na umalis dahil naiihi daw pero amg totoo tinitipid nya yung pera nya.

Habang papalabas sya ng mall may isang lalaki syang mabundol ng di sinasadya. Nagulat sya ng nabundol nya yung gwapo nyang professor si sir Miggy. Si sir miggy na yata ang pinaka gwapong teacher na nakilala ko, but wait!! correction pinakagwapong lalaki na nakita ko. Para lang syang estudyante, pag di panga sya naka uniporme pagkakamalan syang batch mate namin. So balik tayo kina sir at jona.

Nagulat si jona sa nakita nya, crush na crush ni jona si sir miggy kaya ganon nalang yung pagka shock nya.

saan ka pupunta? -sir

ahh.lalabas po muna ako sir. -jona

bakit ka lalabas eh parang wala kanamang binili ah?. -sir

wala po kase akong p-p-pera sir. -jona

Halika sumama ka sakin ililibre kita kung ano yung gusto mo. -sir

talaga sir? -jona

labis ang saya ni jona sa mga oras nayon. Kaya dinala ni sir si jona sa mamahaling restaurant, pagkatapos nilang kumain binilhan ni sir miggy si jona ng damit at bagong cellphone. Labis ang pasasalamat ni jona kay sir miggy, pero lahat pala ng ito ay may kapalit.

Huminge ng numero si sir miggy kay jona at dahil don mas napalapit yon ugnayan nilang dalawa.
Kahit sa klase halatang halata mo na paborito sya ni sir. Wala na kaming magagawa kasi mukhang masaya naman si Jona sa pogi naming professor.

****
May namumuo nabang relasyon kay jona at sa professor nyang si sir miggy? Abangan yan sa next chapter ng. 11Open Doors-The password

****
Thanks for reading guix. sorry marami tong typus at mga errors hehe. sorry natagalan sa pag update. Abangan nyo po ang next chapter salamat

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

11 Open DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon