The hospital (chapter-3)

194 4 0
                                    


Lima nalang silang natitira. At habang tumatakbo ang oras, palala ng palala ang sak-sak na tinamo ni cora. Walang tigil ang pagdurogo ng sugat at ang tanging lunas lamang ay isang kulay lila na dahon na kung tawagin ay lampunaya na matatagpuan lamang sa kagubatan. Dahil nasa likod ng hospital ay kagubatan, napag isipan ni paolo at ella na maghanap ng lunas para kay cora. Pag baba nila paolo ang limang pintuan ng hospital ay nakalock. Pero may napansin si ella na may naka ukit sa pintuan.
Dante alcantara hospital, nakita nila ang pangalan ng hospital. Kumuha si ella ng papel sa bag nya at sinulat ang pangalan ng hospital.

May isang bintanang mapurok na kaya winasak nila ito para makalabas. Pumunta na sila sa gubat, hindi nila alam na nakita pala sila ng mga halimaw. Matalas ang pang amoy ng halimaw kaya nasundan sila sa gubat. Habang sa kalagitnaan sila ng gubat nakakita sila ng lunas na lampunaya. Labis ang saya nina paolo at ella, sigaw ng sigaw si ella sa sobrang saya. Habang pabalik sila sa hospital, may kumakaluskos sa likuran ni paolo at ella, lumingon sila sa likod at wala namang tao at pag harap nila bigla nalang tumambad ang halimaw.

Tumakbo si paolo papalayo sa halimaw habang sumisigaw na ella tumakbo kana!!
Nakatulala si ella at sumigaw ng malakas dahil sa takot ng bigla syang hinampas ng palakol sa tyan sabay labas ng mga internal organs nya. Kinapa kapa ng halmaw yung tyan nya at kinain ang lamang loob ni ella. Umiiyak palayo si paolo. Hindi sana mangyayari ron kung hindi sumigaw si ella. Matalas ang pandinig nila at pang amoy pero hindi sila nakakakita.

Bumalik na si paolo sa hospital. Pagpasok ni paolo sa kwarto umiyak sya at sinabing wala na si ella. Umiyak sila lahat pero hindi nila alam na nakasunod pala yung halimaw kay paolo. Binigyan muna nila ng paunang lunas si cora para matigil ang lag durugo. Umupo si paolo sa gilid at biglang pumasok yung halimaw. Sumigaw si cora at elaine dahil sa takot, sila agad yung unang pinuntirya ng halimaw.

"Guix tahimik wag kayong sumigaw ng malakas, ang pandinig nila ang dahilan kung bakit sinusundan nila tayo." Pabulong na sabi ni paolo. Maingat ang mga galaw nila pero matalas ang pang-amoy ng halimaw, inamoy-amoy nya ang paligid hanggang lumapit sya ng dahan-dahan kay cora. Inamoy-amoy nya yung katawan ni cora at nung hahawakan na nya ito, biglang hinampas ni paolo yung halimaw sa likod at tumakbo sa first floor.

Napakalaki ng first floor at maraming pasikot sikot. May nakita silang under ground at doon sila tumago. Sinarado ni reynaldo (ang anak ng halimaw) ang bintana ng hospital kaya hindi sila nakalabas.

Nakita na nila ang pangalan ng hospital, isang doctor at ang huling pasyente. Apat nalang silang natitira si cora, si ellain, si jude at si paolo. Habang nandon sila sa under ground nagulat sila nung nakita nila ang napakaraming bungo ng tao, dati itong isang morgue. Nang inikot nila ang under ground may naapakan si jude na isang litrato. Nakita nya na may dalawang babae at tatlong lalaki sa larawan at nung tinignan na nya ito sa likod may nakasulat.

Dear Vicente,

Sana maalagaan mo ang nga anak natin, pasensya na kung iniwan ko kayo dyan sa pinas. Nag asawa na ako dito, pasensya kana kasi masaya na ako. Wag kang mag alala susuportahan ko parin yung mga anak natin. Hindi na siguro ako uuwi dyan, may anak na ako dito vicente sana mapatawad mo ako.

To: Dr. Vicente guirera

Nakita na nila ang pangalawang doctor. Si Doctor vicente ay doctor sa mata kaya labis ang saya nila nung nakita na nila yung pangalawang doctor.

Lumabas na sila ng under ground dahil hindi na sila nasundan ng halimaw. Nung papalabas sila ng under ground nasilip nila na lumabas ng hospital ang halimaw kasama si reynaldo. Nilock nila yung pinto ng hospital at tumakbo sa ikalawang grado para kunin ang gamit at umalis na sa mismong hospital, hindi na nila gustong tapusin yung hamon dahil nasa mapanganib na sila. Nung don na sila sa kwarto nila napag isip-isip nila na ipagpabukas nalang ang pagtakas dahil gabing gabi na at malakas ang ulan. Sinarado nila ng mabuti ang pinto para hindi makapasok ang mga halimaw. Tumulog na silang lahat.

****
Makakatakas nga ba ang grupong hunters sa hospital nayon? Paano na yung mga tasks na binigay sa kanila?
Abangan ang next chapter ng 11 open doors.

****

Thanks for reading guix. Hanggang 5 chapter lang tong the hospital ibang story naman yung next season with the same characters. Don't forget to hit vote guix para lang sa effort salamat.

11 Open DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon