Part II - Hopes

2 0 0
                                    




           

"Bryaaaaan! Pare!" Tumatakbo papunta saakin ni Louie. Ano nanaman ang kailangan ng mukong na 'to? Isa siya sa mga barkada ko dito sa unbersidad. Iilan lang din silang may alam sa lihim kong pagtingin sa aking mumunting Bridget.

"Oh bakit pare?" Takang tanong ko sa kanya ng makalapit na siya saakin. Nandito ako ngayon sa grounds papunta sana akong canteen para kumain.

"Ano kasi.. Haaaa. Teka lang." Hingal na sabi niya.

"Huminga ka nga muna. Para kang unggoy sa mukha mo." Tawa kong sabi sa kanya. Nakabuka pa ang dalawa niyang ilong. Sinapak niya naman ako ng mahina.

"Gago! Pinapahanap ka ng Student Council." Hinihingal niya paring sabi saakin. Ha? Ako? Wala naman akong naaalala na may ginawa akong hindi mabuti. Naguguluhan kong tinignan si Louie.

"Alam ko na 'yang mukha mo Pare." Tila nabasa niya sa ekspresyon ng mukha ko na naguguluhan ako. "Gusto ka daw kausapin ni Bridget." Binigyan niya naman ako ng asong ngiti. 

Ako? Gustong kausapin si Bridget? Nananaginip ba ako? Ano 'to himala?

"Huwag ka ngang magbiro pare." Sabi ko tiyaka tumalikod na ako sa kanya.

"Gago talaga tong gago na 'to. Tingin mo tatakbuhin ko mula office hanggang dito makita ka lang?" Hinabol niya pa ako. Sa hindi niyo naitatanong, officer din tong mokong na 'to. Siya ang "Public Information Officer", tungkulin niya ang mga ganitong bagay.

"Seryoso ka?" Parang nakukumbinsi kong mukha sa kanya.

Binigyan lang ako ng bored-look ng gago. Nagsasabi nga siya ng totoo.

"SERYOSO?! Bakit raw? May nagawa ba akong kasalanan?" Ako naman ang nag ngiting aso. Talagang may himala. Nasasabik na akong magtapat este kausapin si BridgetMYLOVE.

"Ewan ko. 'Yun lang sabi niya. Tawagin ko raw ang Presidente ng Photo Club." Sabi ni Louie. "Mamaya, sa Office namin, alas 5 ng hapon. Mauna na ako pare." Naglakad na siya palayo saakin.

Bakit parang excited ako? Hindi parang! TALAGANG EXCITED AKO!!

"Pare, huwag mong kalimutan mag toothbrush mamaya!" Sigaw ni Louie saakin.

"Gago!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Gago talaga 'yun kahit kalian.

Tinignan ko ang relos ko, may isang oras pa naman ako bago mag alas 5. ISANG ORAS NALANG? Hindi na ako nag aksaya ng oras at pumunta ako sa CR para magpagwapo siyempre ;) Ayaw kong mapahiya sa soon-to-be-wife este kay BridgetMYLOVE.

Nang makarating na ako sa CR, walang tao kaya hindi na ako nag aksaya ng panahon. Matagal rin ako sa loob kasi hindi ako mapakali sa buhok ko. Para akong bakla, nyemas. Nag practice din ng ilang linya para sa paghaharap namin ng pinakamamahal ko. Ang OA ba? Hahaha. Para akong magtatapat sa kanya sa kabang nararamdaman ko.

Tinignan ko ang relo ko at may 5 minutes nalang ako bago mag alas sinco. Kinindatan ko muna ang salamin at sinabing "Ang gwapo mo, Bryan." At umalis na roon.

Habang papunta ako sa office ng SSG, ang raming mga babae ang nakatingin saakin. Minsan naghigikhikan pa. Bakit? May dumi kaya sa mukha ko? Hindi ko nalang pinansin.

Nakasalubong ko pa si Grace sa daanan. 'Yung kaklase ni Bridget na nangungulit na kuhaan ko ng nude pictures.

"Hi Bryan!" Ngiti niya saakin at ikinabit pa ang braso niya sa braso ko. Narinig ko naman nagbubulungan ang mga kababaehan. Nababalisa na ako sa mga ginagawa nila. "Ang gwapo mo naman ata ngayon Bryan. San ka papunta?" Sabi ni Grace saakin ng may halong landi sabay kindat saakin.

"Sa SSG Office lang Grace." Ikli kong sabi sa kanya. Tinignan ko ang relos ko, dalawang minuto nalang. Tinanggal ko ang braso niya sa braso ko. Nakita ko namang sumimangot siya. "Mauna na ako Grace, nagmamadali kasi ako. Mag-iingat ka." Sabi ko sa kanya ng nakangiti. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumakad na ako.

Habang naglalakad, nakatingin parin saakin ang mga babae. Ano bang meron?

Nagmadali nalang akong lumakad at natatanaw ko na rin naman ang SSG Office.

Nang makarating ako sa labas, kumatok ako ng tatlong beses sa pinto. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.

Nagulat ako pagpasok ko. Napahinto ay natulala. Masyado lang pala akong nag assume. Tumingin silang lahat saakin. Meeting pala nang Student Council kaya ako pinatawag. Bakit parang ako lang yung hindi Student Council dito? Nginitian ko silang lahat, pero may bahid parin ng lungkot. Akala ko kami lang ni Bridget mag-uusap eh. Parang kinilig naman ang mga babae sa ngiti ko. Nakanguso akong umupo katabi ni Louie.

"Gago ka talaga Louie." Bulong ko ng nakaupo na ako sa tabi niya.

"Oh? Ano na naman?" Ngiting aso niya saakin.

"Anong 'ano na naman'? Gago ka, isang oras akong nagpapogi sa CR kasi akala ko kaming dalawa lang ni Bridget. Peste ka talaga Louie." Bulong ko parin sa kanya kasi nakakahiya naman pag nilakasan ko pa. Hindi naman ako galit talaga, na disappoint lang. Ikaw ba naman mag assume, tss.

"May sinabi ba akong ganun pare? Diba wala naman? Tsaka kaya ko bang sabihin sayo na meeting ng Student Council kung kitang-kita ko sa mga mata mo ang saya pagkasabi ko na pinatatawag ka ni Bridget? Hindi ako ganun pare."  Bakla-bakla niyang sabi at hinaplos pa talaga ang pisngi ko. Natatawa pa talaga siya.

"Bakla ka ba? Wag mo nga akong hawakan." Inis kong sabi sa kanya, iba na kasi makatingin ang mga ka-eeting namin dahil dito kay Louie. Ang gago nginitian lang ako. "Gago ka talaga, bakit tayo may meeting?" Tanong ko sa kanya.

"Pag-uusapan daw natin ang paparating na yearly Intramurals" Sagot naman ni Louie saakin.

"Eh bakit parang ako lang 'yung hindi kabilang sa Student Council? Sure ka bang kasama ako sa meeting nato?" Sabi ko sa kanya. Nilibot ko naman ang mga mata ko at ako lang talaga ang hindi SC dito.

"Ewan ko ba kay Bridget. Sabi niya lang 'Louie, sabihin mo sa President ng Photo Club may meeting tayo mamaya.' Hindi na rin ako nagtanong kung bakit." Pinilit niya pang gayahin ang tono ni BRIDGETMYLOVE habang sinasabi niya ang linya nito.

Kalalaki kong tao pero kinikilig ako sa sinabi ni Louie saakin.

"HALA HALA! Anong ibig sabihin ng pamumula mo? Ayiiiie." Dinuro duro pa talaga ako ng gago.

Magsasalita na sana ako ng bumukas ang pinto at pumasok ang napakagandang babae sa balat ng lupa, si Bridget. Umayos nalang akong umupo sa tabi ni Louie.

Chasing Bridget FernandezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon