Part III - Meeting

1 0 0
                                    


Unti-unting lumapit sa Bridget saakin.. Este sa harapan pala. Ano ba tong utak ko nasobrahan na yata sa pagmamahal sa kanya hehehe.

Lumingon siya saaming lahat at nilabas ang pinakaganda niyang ngiti na nagpahulog saakin sa kanya araw-araw. Hay, ang ganda talaga ng BridgetMYLOVE ko.

"Good afternoon everyone. I'm glad that you're all here." Ngiti niya sabay linga-linga at huminto ang kanyang mga mata saakin. "Especially you, Mr. Gonzales." Ngiti niya nang pagkatamis-tamis.

Hindi ko alam kung ilang segundo na akong nakatulala sa kanya, anong nangyayari? Nasa langit naba ako? Bakit parang anghel si Bridget sa mga mata ko na gusto na akong kunin papuntang langit? Nakatulala pa rin ako nang sikuhin ako ni Louie.

"Pare, ano? Tutulala ka lang diyan?" Siko niya saakin.

"Ummm. G-ood A-afternoon too." Sabi ko nang nauutal. Ano ba to! Ilang oras akong nag pagwapo sa loob ng cr para sa kanya tapos heto ako at nauutal sa harap niya! Minus points to sa kapogian ko!

"Maybe you are wondering why you're here Mr. Gonzales." Ngiti niya pa din saakin. "Today, we will plan the upcoming Intramurals in our university. Rachel?" Tawag niya sa Secretary ng SC. Umupo naman siya sa harap habang nagsasalita na si Rachel.

Kahit na nagsasalita na si Rachel, nasa kanya parin ang mga mata ko. Ang ganda ganda niya talaga. Napaka simple. Simple pero may dating. Walang kolorete at napaka natural ng mukha niya. Ang gaganda siguro nang magiging anak namin ni BridgetMYLOVE kung ikakasal na kami hehehe. Ilan kayang gusto niyang maging supling? 10? 12? O 15? Kahit ilang basta siya lang ang magiging ina ng mga anak ko hehehe. Hindi ko maiwasang mapatingin sa napakaamo niyang mukha. Mula sa kilay, mata, ilong hanggang sa lab--

"Ano kaba pare?! Gusto mo bang ma weirdohan si Bridget sayo? Kanina ka pa nakatitig sa kanya!" Sita saakin ng pabulong ni Louie.

Nataranta naman ako sa sinabi niya. "Halata ba masyado?"

"Halatang halata! Sige ka, baka matunogan niyang may gusto ka sa kanya!" Pananakot ni Louie saakin.

Kahit na hirap, iniiwasan kong tumingin nang madalas sa kanya. Gaya ng sabi ni Louie, baka mahalata niyang gusto ko siya. Ano ba naman to, gusto kong magtapat pero ayaw kong malaman niya. Ewan ko ba!

Naiilang ako kasi alam kong sa gilid ng mga mata ko na tumitingin saakin ang iilang babae dito. May mga tinging malagkit, nang-aakit at parang gusto akong makama! Ano ba naman to! Iniisip ko palang kung ganito ba ang nararamdaman ni Bridget kanina nung tinitigan ko din siya? Para akong manyak!

Ibinigay ko nalang ang atensiyon ko kay Rachel at nakinig nalang ako sa sinasabi niya. Ang dami-daming sinasabi ni Rachel na tungkol sa trabaho nilang mga officer ng Student Council lalong lalo na ang paparating na Intramurals ng university. Hindi ko pa rin ma gets bakit ako nandito eh hindi naman ako SC. Nakikinig naman ang lahat sa kanya lalong-lalo na ang napakaganda nilang Presidente na si BridgetMYLOVE. "Our Intramurals will be 2 weeks from now. It will have different games and activities for the whole week. And Mr. Gonzales, since you are the president of Photo Club,  you and your team will be assigned for the whole documentation." Rachel said while looking at me.

Bored na bored na akong nakikinig sa kanya pero nagulat ako nang sabihin niya ang apelyido ko at unti-unting rumehistro ang sinabi niya. Naguguluhan parin ako sa sinabi niya pero lumiwanag rin ang mukha ko. Isa itong malaking opportunity saamin ng club mates ko! This is one of the biggest program in the university! I am happy but bakit kami? We have professional photographers here in the university, sila lang ang humahawak sa gantong kalaking program sa university. Kaming nasa Photo Club ay sa mga programs lang at competitions sa labas ng university.

"I am happy to help you and join this event, and I'm sure my club mates will be. But may I ask, bakit kami? I mean don't get me wrong, I would love to hold this project but mayroon naman tayong legit photographers sa university? Sila lang dapat ang humahawak ng ganitong kalaking programs diba?" Tanong ko kay Rachel.

Pero imbis na siya ang sumagot, tumayo si Bridget sa kanyang kinauupuan at tinignan ako nang may ngiti.

"I am glad you asked about that Mr. Gonzales." And again, she smiled sweetly to me. "Actually, you are right. We have the legit photographers in the university, they are the only assigned people who'll get the chance to capture this annual event. But to answer your question, sila mismo ang nagsabi na ibigay sainyo ang task na ito. They know what you and your club mates can do. Alam kong hindi nila ibibigay ang ganitong project kung wala silang tiwala sa club niyo." Mahabang sabi ni Bridget.

Actually, habang nagsasalita siya para nalang akong nag mo-mouth read. Hindi kayang mag sink in sa isip ko na kinakausap niya ako ng ganito kahaba. Magtanong kaya ako ulit para humaba ang usapan namin?

"Please don't hesitate to do this Mr. Gonzales. I know some of your works and I know you can do this without a sweat." Pahabol niyang sabi nang makita akong parang naguguluhan. Bakit parang kinabahan ako nang sabihin niyang "I know some of your works"?Alam niya bang ang laman ng mga "works" ko ay siya? "Wag kang mag-alala, the University President wants your club to do this too."

Kinabahan ako sa huling pangungusap na sinabi niya. Teka. University President? Ibig sabihin si Mr. Fernandez?! Tatay ng mapapangasawa kong si BridgetMYLOVE?! Este ni Bridget? Parang nawala agad ako sa katinuan. Kanina masaya akong kami ang hahawak nito pero ang malaman na ang tatay niya ay gustong kami ang gumawa nito ay nakakatakot. Nakakatakot kasi baka mag fail kami dito at ako pa ang tumatayong presidente ng club namin! Paano kung hindi siya matuwa sa mga kuha namin? Paano ko na hihingin ang kamay ni Bridget sa kanya kung ganitong impression ang makukuha ko?! Napakalaki ng problema ko!!

Nakaramdam naman ako ng siko sa gilid ko. "Pare! Ano?! Tutulala ka nalang diyan?! Hinihintay ni Bridget ang sagot mo!" Bulong saakin ni Louie.

Madali akong napakurap at napagtantong nakatingin na ang lahat saakin at lalong lalo na ang pares ng mata ng babaeng mahal ko na hinihintay ang sagot ko.

"Ummm. S-sige." Sabi ko. "Just send the details in our office."

Ngumiti siya ng pagkaganda-ganda. Ewan ko ba, bakit parang mas nahuhulog ako sa kanya sa tuwing ngumingiti siya. Parang siyang anghel na nahulog sa lupa.

"Okay. Rachel send the details before this week ends."Sabi ni Bridget. "And also don't worry Mr. Gonzales, I will be with you the whole duration of the event since I am the President, I need to check all of you from time to time. So everyone, let's call this a day! Thank you for coming. Especially to you Mr. Gonzales."

Chasing Bridget FernandezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon