Part I - Deeply Inlove

6 0 0
                                    

           


           

*Chapter 1

"Bryaaaaaaaaaaaaaan! Bumaba ka na! Malalate ka na!" Sigaw ni Mama sa labas ng pinto ko.

Hindi nako nagtagal at pumasok na ako sa banyo kasi ayoko talagang malate. Kahit labag sa kalooban ko may pasok pa akong hahabulin at baka sirhan na naman ako ng pintuan ni Mr. Salvador. Ang strikto pa naman 'non.

Wala pang 10 minutes lumabas na ako sa banyo at nagbihis na rin. Lumapit sa salamin at nagpapogi ;) Siyempre naman, di tayo pwedeng pumasok ng haggard at baka di nako lingunin ni BridgetMYLOVE. Char joke lang.

Nag-aayos na ako ng gamit ko ng mapansin kong wala ang camera ko. Dali-dali akong bumaba at nakita kong nakaayos na silang lahat sa lamesa. Nilapitan ko muna si papa para mag mano tapos si mama.

"Ma? Nakita mo ba 'yung camera ko? Nawawala sa bag ko." Tanong ko kay mama.

Yes, I take photos. Sumali rin ako sa Photo Club sa aming skwelahan noong Junior High School pa ako. In fact, ako ang tumatayong presidente ng club namin ngayong Senior High School na ako. At regalo ni papa saakin ang camera ko when I graduated my elementary dahil Valedictorian ako. I was so happy dahil suportado siya sa gusto ko, kahit nga 2nd hand lang it gives sentimental value for me.

"Ay oo, nakita kong hawak ni Cassie kanina." Sagot ni mama. Sabay naman kaming tumingin kay Cassie at nakangiti pa siyang nakatingin sa akin habang tinataas niya ang dalawang kilay niya at tinaas sa kanang kamay niya ang camera ko.

Si Cassie ay bunsong kapatid ko. Siya ay nasa Grade 5 na ngayon. 4 kaming magkakapatid at ako ang pinakagwapong panganay. At ako lang ang unico ijo ni papa J

"CASSIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!" Sigaw ko habang patakbo papunta sa kanya.

"Bryan, mamaya na 'yan. Kumain muna tayo. Cassie, umupo ka na." Sita ni papa saamin.

Kahit kailan talaga itong si Cassie pakialamera sa gamit ko. Tss. Umupo na rin kami gaya ng sabi ni papa.

Habang nasa gitna ng kainan, bigla akong tinapik ni Cassie.

"Oyyy. Nakita ko lahat." Ngiting asong sabi niya saakin.

"Ang alin?" Natataranta kong tanong sa kanya.

"Yung mga pictures sa camera mo." Nakangiti parin siya.

"Anong pictures?" Kinakabahan na ako.

"Yung sa baba-----"Sinubuan ko si Cassie ng isang punong kutsara kasi nakatingin si Papa saamin.

"Oh ayan Cassie, kumain ka ng marami para lumaki ka na agad." Ngiti-ngiti ko habang sabi kay Cassie kasi nakatingin parin si Papa.

"Bilisan mo na diyan Bryan, malalate ka na." Sabi ni papa at tumayo na siya. Hinahatid niya kasi ako araw-araw kasi isa siyang tricycle driver.

"Opo papa." Sagot ko ni Papa. "Ikaw kasi, huwag ka nang mangialam sa camera ko Cassie atsaka huwag mong ipagsasabi kung anong nakita mo. Malalagot ka sa akin, makikita mo." Sabi ko kay Cassie.

Nginitian lang ako ni Cassie. Hayyyyy, ito talagang si Cassie pasaway masyado.

Tumayo na ako para pumunta sa lababo at nilagay ang pinagkainan ko at nag toothbrush na rin. Pagkatapos kong mag toothbrush, pumunta na ako kay mama para magpaalam at mag mano.

"Ma, una na po ako." Pagmano ko sa kanya.

"Osige. Oh eto baon mo." Pakita niya sa 50 pesos na papel.

Chasing Bridget FernandezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon