Part IV - Admirer

1 0 0
                                    


Nang lumabas na si BridgetMYLOVE ay nagsitayuan na rin ang lahat maliban nalang saakin at kay Louie.

"Hindi ka paba uuwi? Tara na" Sabi ni Louie sabay tayo at kuha sa kanyang bag.

"Anong ibig sabihin sa sinabi niyang "I will be with you the whole duration of the event?"? Nakatulalang sabi ko kay Louie.

"Ano ka ba Bryan? Nag-usap lang kayo ni Bridget, hindi ka na makaintindi ng English?" Natatawang sabi niya.

Babatukan ko na sana si Louie nang may babaeng lumapit saamin. Medyo familiar siya saakin dahil officer siya ng SC at alam kong nandito siya kanina habang nag me-meeting kami.

"U-hmm. H-hi B-ryan!" Sabi niya.

"Umm, hello?"

"A-ako nga pala si J-jane, ako ang P-peace Officer ng Student Council." Ngiti niya saakin at nakita kong naka brace pala ang mga ngipin niya. Inilahad naman niya ang kanyang kamay saaking harapan.

"Ah, hello Jane. May kailangan ka saakin?" Sabi ko ng marahan para di siya ma offend, inabot ko rin ang kamay niya.

"A-hmm, baka g-gusto mong k-kumain? L-libre ko." Natigilan ako sa sinabi niya, hindi dahil sa narinig ko ang salitang "libre" pero dahil nagulat ako sa sinabi niya. Hindi kasi ako ang tipo ng lalaking gustong magpalibre kahit ninuman at lalong-lalo na sa mga babae. Tsaka hindi naman kami close para yayain niya akong kumain, ngayon ko nga lang nalaman ang pangalan niya.

"U-uhmm." Hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko sa kanya, ayaw ko magpalibre at hindi naman kami close. Ayaw kong ma offend siya saakin.

"K-kahit hindi nalang ngayon. B-aka pwede b-ukas o sa s-susunod na l-linggo kung k-kailan ka p-pwede." Naramdaman niya sigurong hindi ako makahanap nang tamang sasabihin kaya inunahan na niya ako.

"Uhmm, Jane kasi.." Paano ko ba sasabihin sa kanya?

"Pasensya na Jane, pero alam mo namang paparating na ang Intramurals at naka-assign patong si Bryan sa documentation. Magiging busy kasi si Bryan this few weeks para sa preparations." Sagip saakin ni Louie at inakbayan ako na parang sinasabing sumakay nalang ako. Naramdaman niya sigurong naiilang na ako. Kung hindi pa niya ako sinagip hindi ko talaga alam ang sasabihin kay Jane.

"Tama si Louie, Jane. Magiging busy ako sa lilipas na mga araw kaya di ako pwede. Sana okay lang sayo." Sabi ko sa kanya ng may ngiti.

"A-ah, oo nga. N-naiintindihan ko. S-sige B-bryan at Louie. M-mauna na ako." Sabi niya nang parang may bigong damdamin.

"Sige, mag-iingat ka Jane." Sabi ko sa kanya at umalis na rin siya.

"Akalain mo nga naman! May napala ka rin pala sa pag papapogi mo sa cr!" Natatawang sabi ni Louie saakin.

"Tumahimik ka nga, nakikipagkaibigan lang 'yung tao." Sita ko sa kanya.

"Hay naku Bryan, huwag mo nga akong pangaralan. Alam ko ang mga galaw na ganyan kasi habulin ako ng mga babae pare. Ginagawa lang nila yan pag may gusto sila sa'yo!" Sabat naman ni Louie saakin. May karapatan naman talaga siyang magmalaki dahil totoong gwapo siya. Modelo siya at malaki rin ang pangangatawan. Madalas nga kaming mapagkamalang magkapatid dahil pareha raw kaming gwapo at hindi nagkakalayo ang aming mga mukha. Pero sabi ng iba, mas gwapo daw ako kaysa sa kanya. Ewan ko ba.

"Baka naman gusto lang makipag-kaibigan, ano ka ba! Ang dumi-dumi ng utak mo Louie." Sabi ko sa kanya at kinuha na rin ang bag ko para makalabas na.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. I had many experiences about girls and don't tell me kung ano ang mali at hindi." Natatawang sabi niya at inakbayan ako. Sabay na din kaming lumabas sa office nila. "Mabuti pa si Jane, napansin ang pagpapapogi mo, eh yung taong pinapapogian mo napansin ka ba?" Habol niyang kantyaw saakin.

"Tumahimik ka nga nalang Louie, sasapakin na talaga kita." Natatawa kong sabi sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Bridget FernandezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon