love.challenge(rei.deal())

16 3 0
                                    


Nabalitaan na lamang ni Rei na First Runner Up ang nakuha ni Elvie. Kahit hindi man siya nanalo bilang Miss PNCP (Puleun Nabi College of the Philippines), tama na rin na nakuha niya ang first runner up. Kinamayan siya ng ilang mga instructors habang naglalakad sa may corridor. Katatapos lang kasi ng pageant kahapon kaya't mainit pa ang issue.

Ilan sa mga estudyante ay nagpapapicture pa kay Elvie. Si Janet ay gayun din ang ginawa. Kinarir niya na ang pagiging camerawoman ng kaibigan. Natatawang pumasok si Rei sa laboratory ng department nila at hinanap ang kasamang si Fred. Nadatnan niya itong may katext at tila ba nagiisip pa kung ano ang isasagot.

"Fred, pare! Kumusta! Naligaw ka yata? ComSci department ito, hindi criminology," pagtataboy niya.

Natatawang tumango ang kaibigan at itinaas ng konti ang kanang kamay na hawak ang cellphone nito.

"Si pareng Junnie kasi eh, may malaking problema?"

"Problema...? Sinong Junnie? Yung kasama mo sa LEA1?"

"Oo bro."

Umupo si Rei malapit sa kaibigan at inilapag ang dalang folder sa lamesa. Humarap ito sa kaniya at pinakita ang text message ng kaibigan sa kaniya. Binasa ni Rei ito at tumawang ibinalik ito sa kaniya nang mabasa ang buong mensahe.

"Pare, hindi ko lubos maisip, may mga torpe pa pala ngayon?" pang-aasar niya.

"Malaki ang amats niya dun sa Miss Educ eh," pagtatanggol ni Fred.

"Miss Education na naman? Nakakarindi na. Gah, lahat na ata ng lalake dito sa department, siya ang kinukwento. Oo maganda siya, pero she doesn't have that charm," wika ni Rei sa kaniyang isipan. Kumalma na lamang siya dahil hindi ito isang bagay na dapat ikagalit at panggalingan ng sakit ng ulo.

"Ikaw pare, wala ka bang kahit isang girlfriend? Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa iyo pare ah. When we were in high school, you're the man!" pasubaling asar ni Fred.

"Noon yun," sagot niya at kinuha ang folder sa lamesa at nilayasan ang kaibigang nginingitian siya. True, he was the man before, pero nagbago na siya. Inisip niya kasing kung puro babae ang aatupagin niya, hindi niya maipapagamot ang kaniyang ina at mabibigyan ng magandang buhay ang magiging pamilya kung sakali man. He wanted a cherishing life. A precious and be taken care of. Ayaw niya ng pa-banjing-banjing lang.

-----

"Good morning, Rei..." bati ni Max, ang Professor nila sa Literature.

"Good morning din Prof. Balita ko eh okay na daw ang puso niyo," bati niya dito. May katandaan na rin kasi ang professor, siguro ay nanghihina na rin ang katawan nito. Noong isang lingo lang ay kagagaling niya sa operasyon, buti nalang at nakaligtas siya sa kaniyang sakit.

Nasa sitting bench sila ng computer department malapit sa library. Kadalasan ay dito tumatambay ang dalawa kaya ditto nagsimula ang kanilang pagkakasundo.

"Siya nga pala sir, hindi ko na natanong sa mga kaklase ko pero, who won the pageant anyway?"

Tumango si Max at tila masayang inakbayan si Rei. "Si Ji Yeon, yung Miss Educ. Maganda kasi ang pagkakadeliver ng sagot at kaniyang talent, the last reason dahil syempre sa ganda niya. Walang factor yung pagiging half Korean niya sa pageant," sagot niya, sa tonong parang kilalang-kilala niya ang babae.

"Siya ang nanalo? Really? Akala ko talaga Elvie would rock this quick," sagot niya na may sarkastikong tono.

"Ano ka ba Rei, she's a very sweet and nice woman. Her gentle heart and voice would surely melt the hearts of every man," paliwanag ni Max habang tinapik pa ang bandang-puso ni Rei, sa dibdib nito.

"Sir, parang kilalang-kilala niyo ah."

"You know what Rei, you should be friends with her. Baka yang batong puso mo eh, matunaw ng kaniyang malamlam na boses at ngiti," pang-uudyok ni Max. Tawa lang ang isinagot ni Rei dito dahil alam niyang isa itong paglalarawan lang. Nature ng isang literature professor.

"Don't worry, kung makita ko siya, I'll tell you about her. For the meantime, why not approach her? Deal?" hamon ni Max.

Hindi alam ni Rei kung dapat niya bang seryosohin ang hamon ng professor niya. Kilala niya ang matanda. Seryoso ito tungkol sa mga hamon at siguradong hindi isang biro lang. nakikita niyang determinado ang professor na makilala niya si Ji Yeon.

"Malakas ka talaga sa akin, sir. Sige, deal! Kapag nagkakilala kami, ililibre mo ako sa Starbucks," sagot ni Rei. Hindi na siya magbaback-out sa hamong ito. Handa niyang harapin ang challenge.

"Call!" masayang kumpirma ni Max. Para kay Max, hindi ito basta isang laro lang. He wanted them to meet and know each other. Tila kasi nakikita niya na maganda ang pairing ng dalawa. Para siyang isang matchmaker from heaven, na naghahanap ng mga taong para sa isa't-isa.

----

Tumingin siya sa oras. Break time parin hanggang ngayon. Tila ba napakatagal ng oras nang mga panahong iyon. Napakatagal ng bawat kilos na tila nag-aanyaya sa kaniyang hanapin si Miss Education. Naglakad lakad siya sa balcony ng paaralan at nakita niya ang inaasahang tao, si Ji Yeon.

"I'm the man, pero bakit tila hindi ako makalapit sa babaeng ito?" reklamo niya sa sarili. Tila nakapako ang kaniyang paa. Naririnig niya ang bawat pagkabog ng puso niya, sa nerbiyos at hiya. Huminga siya ng malalim at kinabog ang dibdib niya. Kailangan niyang maging matatag at alisin ang panghihina. This is his chance to get to know this woman. Hindi siya pwedeng matalo sa deal nila ng professor niya.

"Go Rei go! Walang mahina sa lahi niyo!" wika niya sa sarili at nilapitan si Ji Yeon na nakaupo sa isang couch ng balcony. Tumikhim muna siya para mapansin siya nito.

"I'm sorry, are you Ji Yeon" tanong niya sa babae. Lumingon sa kaniya ang dalaga at agad siyang nginitian. Nang makita niya ang ngiti nito, tila tumigil ang kaniyang mundo. Hindi alam ni Rei kung bakit tila may mahika ang ngiting iyon ng dalaga.

"Yes, I'm Ji Yeon. Pero, pwede mo naman akong kausapin sa Filipino. Don't worry hindi naman ako katulad ng ibang mga nandito na English palang ang alam nilang language. Matagal na ako dito sa Pinas. By the way, you are...?" sagot ni Ji Yeon sa kaniya.

"Damn...what is this feeling!? Para akong batang nakakita ng maraming candy!" sigaw ni Rei sa kaniyang isipan.

"I'm Rei Perez, from ComSci department. Actually I reached up to you kasi nakuwento ka sa akin ni Prof Max," mahinang dahilan niya dito.

Tumawa ng maiksi si Ji Yeon.

"Really? Anong sinabi niya tungkol sa akin?"

"Sabi niya, you're a sweet and kind girl. Maganda, charming and you look like a goddess," sagot ni Rei.

"What the hell am I telling her? Walang sinabi sa akin si Sir Max na ganito! What I told her was my impression of her!" reklamo niya sa sarili.

"Talaga? Well it's Professor Max, alam mo naman yun, nasa dugo na niya ang magbiro at gumawa ng poetic praises. Pero tell him, thanks."

"Nice to meet you nga pala. Never knew na totoo pala ang mga diosa," pabirongsagot niya at iniabot ang kamay para makipagshake hands. Agad na iniabot naman ni Ji Yeon ang kamay sa kaniya. Her hands were so soft and the sensation of holding it almost electrocuted Rei.

"Oh my golly, para akong matandang ngayon lang naging teenager. I feel like I am in heaven sa nangyayari," muling pagsasaya niya sa isipan.

Ang pagngiti na iyon ni Ji Yeon ay tila isang init na tumunaw sa bakal niyang puso. He felt the feeling like that of a river flowing. He thought sa nobela lang nangyayari ang ganitong eksena, but today, kailangan niyang isulat sa kanyang isipan na ang mga nobela niya ay nangyayari na sa kaniya!

Forget me NotWhere stories live. Discover now