Umiiling si Rei at tinawanan lamang si Rhia. Tila hindi kasi kapani-paniwala ang mga sinasabi nito. Kung baga ay isa itong pamahiin na narinig niya mula sa mga matatanda.
"Why don't you just give it a try?" suhestyon parin ni Rhia.
Para matahimik ang kaibigan ay humarap ulit siya sa vending machine. Kung sabagay ay walang mawawala sa kaniya kung susubukan niya ito. Pinikit niya ang kaniyang mga mata at binulong niya sa vending machine ang kaniyang nararamdaman kay Ji Yeon.
"Mahal na mahal kita, Ji Yeon. At first I thought it was just my professor's challenge to know you, pero sa huli I fell in love with you, the challenge made me to," bulong niya. Nang masabi na ang kaniyang nararamdaman ay lumayo siya sa vending machine. Kung maaabutan niya si Ji Yeon n asana ay bumili roon...malalaman niya ang sagot.
Parang pinaglalaruan si Rei nang kung sinomang diwata o engkanto. Nagkasabay kasi sina Elvie at Ji Yeon na humarap sa vending machine. Nagtaka si Rhia Beth dahil tila maaaring isa sa kanila ang kukuha ng strawberry drink. Naunang bumili si Elvie. Kinuha niya ang order at binigyan si Ji Yeon ng daan para bumili ng kaniyang order. Hindi makapaniwala si Rei sa binili ni Ji Yeon. Apple Drink!
"Ikaw si Elvie. Hindi ba?" tanong ni Ji Yeon nang mapansin ito sa machine.
"Oo, ako nga. Favorite mo ang apple drink?" patanong na sagot ni Elvie.
"Yeah, since nung bata pa ako. Para na ngang ito na ang vaccine ko eh, kasi tuwing hindi maganda ang pakiramdam ko, this is my go to drink," paliwanag ng dalaga.
"Hmm, I see. Ako naman strawberry, like now, ito ang iniinom ko."
Tango lang ang isinagot ni Ji Yeon sa kaniya at ngiti. Naalala tuloy ni Ji Yeon ang nasabi ni Gary tungkol kay Elvie na naputol ang string ng violin niya sa contest, nang nasa park sila kasama si Rei. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kaya't minabuti na lamang nitong tumahimik.
"By the way, pwede bang pakisabi mo kay Rei na...sorry dun sa nangyari kahapon?"
"A-anong nangyari kahapon?" tanong ni Elvie. Nag-iba ang tono ng kaniyang boses. Ang akala kasi nito ay baka nasabi na ni Rei ang damdamin niya ditto at sinaktan lang siya ni Ji Yeon.
"Basta pakisabi sorry,"sagot niya at iniwan si Elvie mula sa vending machine. Nag-iwan ng masamang tingin si Elvie dahil sa pag-aakalang tungkol ito kay Rei. Ayaw kasi niyang nasasaktan ang binata, lalo na't kung tungkol sa Ji Yeon na iyon ang paksa.
"Paano yan, si Elvie ang nakakuha ng strawberry? Could it mean siya talaga ang para sa iyo Rei?" tanong ni Rhia Beth sa kaniya, habang pinagmamasdan nila ang dalawang dalaga na malapit sa isang vending machine. Hindi siya makapaniwalang si Elvie ang kumuha ng strawberry at si Ji Yeon naman ang apple.
"Well, okay lang iyon, pamahiin mo lang yan eh. I don't believe it, I'll do my best para magustuhan din ako ni Ji Yeon," pinagtanggol ni Rei ang sarili at si Ji Yeon mula sa paniniwalang ang apple drink na iyon ay simbolo ng pag-ibig na magbibigay kalungkutan.
Ayaw niyang isiping totoo ang pamahiin ni Rhia Beth pero tila bumabalik parin sa isip niya ang tungkol dito. Paano ba naman kasi ay si Elvie ang nakakuha ng strawberry drink. Nagiisip tuloy siya kung totoo nga kayang mapanganib na pag-ibig ang mararamdaman niya sa piling ni Ji Yeon?
YOU ARE READING
Forget me Not
RomanceRei is a graduating student and aspires to be a programmer. With his lifestyle, he never had a girlfriend. But a day of change happens to him when his professor at that time introduces him to the school's number one model, Ji Yeon. Intrigued with th...