Hindi maalis sa isipan ni Rei ang nangyaring iyon. Hindi niya kasi inaasahang yayakapin siya ng mahigpit ng kaniyang kaibigan. He thought it was kind of weird, ngunit alam niyang maaaring dala ito ng kaniyang nararamdamang lungkot ng mga oras na iyon.
Natatandaan pa niya ang mga nangyari nang oras na iyon. Hindi mapigilan ni Elvie ang pag-iyak dahil sa pagkabigo ng isa sa kaniyang mga pangarap. Ang tanging nagawa niya na lamang ay ang damayan ang kaibigan.
"Huwag kang mawalan ng pag-asa, just hold on. Kaya mo iyan, " wika niya.
Agad namang tumahan si Elvie na nakayakap pa rin sa kaniya. Tila lakas iyon na nagbigay muli ng buhay sa kaniya upang mangarap na matupad ang kaniyang mga pangarap. Simula nung bata pa si Elvie, nais na nitong maging isang successful musician.
"Kung matutupad ko na ang aking pangarap, pwede mo ba akong hintayin...?" tanong niya.
Nginitian ni Rei ang kaibigan at tumango ito. "I will always be here..." sagot niya. Ngiti naman ang isinukli ni Elvie at napatingin sa langit. Siguro nga ay ganoon ang isang pangarap, hindi mo minsan ito maaabot ng basta-basta at kailangan mong maranasan ang kabiguan para malaman ang kahalagahan ng isang matagumpay na pangarap. Maging siya man ay maraming mga pangarap na gustong abutin.
Kasalukuyang naglalakad siya sa kalye papunta sa isang kilalang park ng siyudad. Isa ito sa ginagawa niya kung nag-iisa siya. Tuwing sabdao, nakahiligan na niyang magpunta sa parkeng iyon at panoorin ang mga nagbabangka, ang mga bulaklak sa paligid na tila nakikipag-usap sa iyong damdamin at ang mga masayang mukha ng mga taong nagagawi sa lugar na iyon.
Nasa may park benches si Rei nang mamataan niya ang isang taong kilala niya. Napaka-swerte naman niya at naroon din ito, walang iba kundi si Ji Yeon! Lalapitan na niya sana ito nang makitang may isang lalake na linapitan siya at inabot ang isang strawberry ice cream. Napawi ang ngiti ni Rei at hindi na itinuloy ang paglapit dito kundi sinundan na lamang niya sila ng tingin. Namumukhaan niya ang lalakeng iyon ngunit hindi nga lang niya maalala kung saan niya ito nakita.
"He looks so familiar. Parang nakita ko na siya dati somewhere," wika niya.
Muntikan na siyang mapansin ni Ji Yeon, mabuti nalang ay nakapagtago siya sa malapad na poste sa may malapit. Nakahinga siya ng maluwag ng ibinaling ni Ji Yeon ang tingin sa mga bulaklak sa paligid kasama ang lalakeng iyon.
"Ah, Rei! nandito ka pala?" tanong ng kilala niyang boses. Tinignan niya kung sino ito. Si Janet, ang kaibigan ni Elvie. Kasama rin nito si Rhia Beth. Malakas ang pagkasabi ni Janet kaya narinig ni Ji Yeon ang pagtawag sa pangalan ni Rei. Tumingin siya dito para kumpirmahin kung ito rin ang Rei na kakilala niya.
"R-Rei...?" tawag naman ni Ji Yeon sa may malapit.
Nagkatinginan sina Rhia Beth at Janet nang makita si Ji Yeon doon. Napansin kasi nilang may kasama siyang lalake, kaya't ipinagtaka nila kung bakit tila andun lang si Rei sa may poste.
---
"Andito ka rin pala, Ji Yeon...he-he..." sagot ni Rei na may tonong kagagaling lang sa lugar na iyon at hindi nila napansin.
"Oo, malapit lang kasi dito ang isa sa mga church namin. Aattend ako mamaya ng fellowship!"
Lumapit naman ang lalakeng kasama niya at tinanong kung sino si Rei.
"Siya nga pala, this is Gary. And Gary...Rei, the one I told you about...?" pakilala niya. Nagkamay naman ang dalawa.
"Teka, namumukhaan kita. Hindi ba ikaw yung kasama ng isang violin player na contestant sa may Grand Hall...?" tanong ni Gary kay Rei.
"H-ha? Oo...sinamahan ko siya doon..."
Tumawa ng bahagya si Gary at tinapik ang kanang balikat ni Rei.
"Rei, next time, sabihin mo sa kaniya to prepare...para hindi maputol ang string ng violin niya. Make sure, lahat ng strings ay bago tuwing isang competition, as what I noticed, mukhang luma na rin maging ang violin niya..."
Iba naman ang tinapon na tingin nina Rhia Beth at Janet kay Gary. Alam kasi nitong hindi isang advice ang sinasabi nito kundi pagkutya sa abilidad ng isang tao. In other words, Gary was bad mouthing their friend. Kinuyom ni Rei ang kaniyang mga palad ngunit tahimik na tumango lang sa sinabi ni Gary.
"Oh sige, Rei. Punta na kami sa fellowship..." sabat ni Ji Yeon at hinintay ang sasabihin ng kaibigan.
"Rhia Beth, Janet, tara na. Umalis na tayo dito..." sagot ni Rei at tumingin sa mga kaibigan. Agad naman silang sumunod.
"And by the way Ji Yeon, make sure magdadala ang Gary na yan ng tubig, baka kasi masunog sa fellowship..." wika ni Rei habang naglalakad palayo sa kanila kasama ang dalawang kaibigan.
"Anong sabi mo?" sunod ni Gary sa kanila.
"Stop it! Let's go!" saway ni Ji Yeon at tinulak si Gary papalayo sa parke. Ayaw niyang dito pa magsimula ang gulo.
YOU ARE READING
Forget me Not
RomanceRei is a graduating student and aspires to be a programmer. With his lifestyle, he never had a girlfriend. But a day of change happens to him when his professor at that time introduces him to the school's number one model, Ji Yeon. Intrigued with th...