love.sideTrack(rei, elvie)

9 0 0
                                    

Tinignan ni Rei ang wrist watch. Mag-aalas kwatro na ng hapon. Mamayang alas-sais ay magsisimula na ang competition nina Elvie. Naghanap siya ng paraan para makaalis sa subdivision. Nang Makita ang pagkakataon, agad siyang umalis sa subdivision na iyon at tinakasan ang kaniyang ka-date sanang si Ji Yeon. Wala na siyang magagawa. Hindi siya party-man pero definitely he is not also a church-event lover. May sarili kasi siyang paniniwala, and greatly, para sa kaniya ay dapat na respetuhin at alalahanin sa isang relationship. Purely he never felt that. Makasarili na kung makasarili, all he wanted was Ji Yeon's attention at all. Inisip na lang niya na kaya niya nakilala si Ji Yeon ay dahil tila inirereto siya ni Professor Max sa kaniya.


Inabutan niya ang competition. Hindi pa ito nagsisimula kaya agad na nakahabol si Rei.


"Elvie...!" tawag niya sa kaibigan at kinawayan ito mula sa back door. Agad namang lumapit sa kaniya si Elvie hawak ang kaniiyang violin. Matamis ang ngiti nito. Ngayon lang napansin ni Rei na napakaganda ng kaniyang kaibigan. Bumagay din kasi sa kaniya ang red gown niya. Bawat isa ay may solo piece na ipapatugtog para sa paligsahan. And she just chose the best.


"Magsisimula na mamaya ang contest. Thanks at nakarating ka. Pero teka, parang pagod na pagod ka yata ah...saan ka ba galing?"


"Ah...mayroon lang akong pinuntahan. It's so sad I was expecting the wrong way..."


"Wrong way...?"


"Wala yun. So ano, okay ba ang suot ko for your escort thing?" biro ni Rei sa kaniya para mawala sa isipan ang sinabi niya.


"You look so great Rei."


"Thanks."


Sabay silang pumunta sa side seat, kung saan naroon ang escorts at ang mga contestants. May isang babaeng pumunta sa stage platform. Magsisimula na ang paligsahan at mauunang gaganapin ang introduction music ng mga violin teachers sa isang kilalang music company.


Matapos ito ay tinawag na ang unang contestant. Magpapatugtog siya ng isang classical song, modern song at individual song na gusto niyang tugtugin sa stage. Pang-apat si Elvie, kaya't hinintay nila ang tatlong nauna. Magaganda ang kanilang pinatugtog, kitang kita na nagensayo sila ng mabuti para sa paligsahan. Si Elvie naman ay kabado sapagkat hindi siya masyadong nakapag-ensayo ngunit ginagawa niya ang lahat para mapabuti ang kaniyang mga musical pieces. Ang tanging nagpapalakas sa kaniya ay ang pag-ngiti at cheer ni Rei sa kaniya.


Natapos ang tatlong contestants. Tumayo si Elvie at sinamahan siya ni Rei, gaya ng ginawa ng tatlo. Pagkatayo ni Elvie sa stage ay agad na nadama niya ang kaba. Sinenyasan siya ng judges na simulan ang kaniyang musical pieces. Sa classical at modern ay ginawa niya ang kaniyang makakaya. The music of the violin was so vivid and really touching. Nasa individual song na siya nang biglang naputol ang string ng kaniyang violin. Nabigla siya sa nangyaring iyon. Napatingin siya sa mga judges nang Makita nilang tumigil siya sa paglalaro dahil naputol ang string ng violin niya. Nakita niya ang mga disappointed na mukha ng mga judges habang umiiling sa nakitang kapalpakan niya. Dahil sa pagkapahiya ay nagmadali siyang umalis sa stage. Agad naman siyang sinundan ni Rei hanggang sa makalabas sila ng grand hall.


"Elvie! Sandali lang! Wait for me!" tawag sa kaniya ni Rei habang hinabol si Elvie sa daan. Umupo si Elvie sa may park bench. Doon sa grand hall, may isang park kung saan maaari kang mag-relax dahil sa mga magagandang bulaklak na naroon sa small garden nito.


"Rei...I messed up this time again!" wika niya dito at sinimulang umiyak sa harap niya. Dinukot ni Rei ang kaliwang bulsa at iniabot kay Elvie ang kaniyang panyo. Kinuha ito ni Elvie ngunit hindi pa rin ito tumahan sa pag-iyak. Dinamayan siya ni Rei sa oras na iyon, alam kasi nitong mahirap ang kaniyang sitwasyon, lalo na at isa itong malaking bagay na hindi dapat mapalampas ng katulad niya.


Hindi alam ni Rei kung ano ang nagtulak sa kaniyang isipan at niyakap si Elvie mula sa bench. Ayaw kasi niyang makitang nahihirapan ang kaibigan. Biglang tumahimik si Elvie nang maramdamang nakayakap sa kaniya si Rei. Tila nahimasmasan naman si Rei sa ginawa at itinulak ng bahagya si Elvie.


"S-sorry...ah...gusto lang kasi kitang damayan..." wika ni Rei. Hindi na sumagot si Elvie at siya na ang yumakap sa binata.


"No...please let me stay this way with you..." sagot niya at niyakap na mahigpit ang kaibigan.

Forget me NotWhere stories live. Discover now