Chapter 2

5 0 0
                                    


Nahalata siguro ng babae na may tumititig sa kanya kaya inilibot nya ang kanyang paningin at nagtama ang kanilang mga mata. Nagtitigan muna sila bago tumayo ang naturang babae at umapaw naman ang tuwa ni Zeke ng makitang naglakad ito papunta sa kanya.Napaawang ang bibig niya ng makita at masulyapan pa ito sa malapitan.

"Hoy! Ikaw bakit kanina ka pa tingin ng tingin?! Manyak ka no?! Apa ka ba?! Sumagot ka! Aba't talagang! Bastos to ah... (*pak)

Hindi niya napansin na nasa harap na niya pala ito at may sinasabi pero di niya maintindihan dahil titig na titig siya rito pero nabigla siya nung naramdaman niyang may sumampal sa kanya at ayun ang nakapagbalik sa kanya sa wisyo pero di niya namalayang may tumutulong dugo na pala sa kanyang ilong pero patuloy pa rin siya sa pagtitig at nginitian niya pa ito.

Pinipigilan naman ng mga kasamahan nito ang babae na sasampal pa ulit sana sa kanya.

"Ano ba bitiwan niyo ko. Humanda ka sakin, kaw na lalaki ka. Sa susunod na makita kita, di lang yan ang aabutin mo." sabi nung babae habang hila hila siya ng dalawa niyang kasamahan.

Nag ngingiti lang siya sa babae at kumaway pa, wala talaga siya sa sarili sa mga oras na iyon.

Agad namang lumapit ang isang babae sa kanya na napag alaman niyang captain ball ng volleyball sa school na iyon. Humingi ito ng paumanhin at binigyan siya ng tissue. Nagtaka siya sa kung bakit may tissue, pero tinuro ng babae ang ilong niya. At tsaka siya nahimasmasan sa sakit, napaungol na lang siya.

"Okay ka lang ba? Dalhin na kaya kita sa clinic? Pagpasensyahan mo na ulit si Zandra, may pagka amazona lang talaga ang babaeng 'yon. Hindi niya kasi gusto ng atensyon eh." pagpapaliwanag ng babae

"So Zandra pala name niya, o-okay lang yun. Tsaka malayo naman 'to sa bituka. Salamat sa tissue ha. Cge mauna na ko sa'yo." sagot niya na lang sa babae

Habang naglalakad, napapangiti na lang siya dahil naiisip niya si Zandra at ang napakaganda nitong mukha...

Played By F A T EWhere stories live. Discover now