Chapter 4

5 0 0
                                    

Kinabukasan nagising si Zandra sa tunog ng alarm clock nya, inabot nya ito at agad na pinatahimik. Kahit kailan talaga, napakaseloso ng alarm clock na 'to! Kitang sarap na sarap pa ko sa date namen ng kama ko eh reklamo nya.

Nag unat muna siya at tsaka nag warm up tsaka dumeretso na sa banyo para maligo.

Nakabihis na sya't handa ng lumarga nang marinig nyang may bumusina sa labas ng bahay nila. Bumaba agad siya't nagpaalam na sa mga magulang niya at lumabas na. Pagsakay niya sa service nila papuntang school, nakita niyang mga ka team mates niya na mukhang na eexcite na para sa laro nila. Hinanap nya ang mga kaibigan at tumabi sa mga ito at tsaka nakipagkwentuhan.

Pagkatapos ng ilang minuto dumating na sila sa skwelahan at agad na dumeretso sa gym na paglalaruan nila. Habang papunta sila dun, may nakasalubong silang grupo ng mga lalaki at nakuha ng atensyon niya nung lalaki na parang pamilyar sa kanya ang mukha... Kinalkal nya muna sa isip isip niya at nang mapagsino ito ay parang biglang nagsiklab siya sa galit nung naalala na siya pala yung unggoy kahapon. Ngiting ngiti naman si Zeke na tumingin sa kanya, inirapan niya na lamang ito dahil sa nagmamadali na sila.

Kailangan kong mag concentrate ngayon, kailangang maipanalo namin ang game sa isip isip niya. Kahit gustong gusto niya nang lapitan si Zeke at sakalin hanggang mamatay...

"Zands bakit nakabusangot yang mukha mo? Aaah, kaya pala nakita mo c pogi. Ayieee"mapanuksong turan ni Margot sa kanya.

"Duh? Pogi?! Bulag ka ba Marg? Tsaka nag iisip kaya ako kung pano natin maipapanalo yung game" sagot nya rito

Sasagot pa sana ulit si Margot pero tinawag na sila ng kanilang coach sa magsisimula na ang laro nila.

Played By F A T EDonde viven las historias. Descúbrelo ahora