Chapter 7

2 0 0
                                    

Andito kami ngayon sa isang restaurant, na sa tingin ko ay mamahalin. Matapos niyang tinawag ang waiter, umorder na siya ng kanya at bumaling sakin

"Ikaw, anong gusto mo?" tanong nya

"Ah, eh. Katulad ng lang ng sa'yo." sagot ko

"Hahaha, you heard her. Yun lang thank you." aba't tinawanan ako? malay ko ba sa mga pagkain dito

Nang makaalis na ang waiter, nararamdaman ko namang tumitingin sya sa'kin

"Gusto mo bang tusukin ko yang mga mata mo at spiken ko ulit yang pagmumukha mo?!" Sabay irap ko sa kanya

"Woah woah! Easy easy. Napaka amazona mo talaga, pero bagay naman sa'yo. Pwede kang mag-apply bilang bodyguard." Sabi niya na patawa tawa pa

"Anong sabi mo?!" Pinanlakihan ko siya nang mata

"Hahaha! Ang sarap mo talagang asarin. Binabawi ko na ang sinabi ko, masyadong napakaganda mo para maging bodyguard lang." sabi nya na patawa ulit

Ano ba naman 'tong lalaking to mukha na ngang unggoy, SIRAULO pa! Tsk tsk

Kung di lang ako gutom, iiwanan ko na 'to.

Ang tagal naman ng pagkain, ito na kaya yung kainin kong unggoy na to. Ang daldal

"I know right. Matagal ko nang alam yan." sabi ko na lang

Bigla namang dumating ang waiter at inilapag ang order namin, ah mali inorder niya pala.

"Let's eat, lam kong kanina ka pa gut--" Pagkakita ko pa lang sa mga pagkain, kumalam agad tyan ko at nagningning ang mga mata ko. Sinunggaban ko agad ito at di na nakinig sa pinagsasabi ng lalaking nasa harap ko.

"Woah! Hahaha, hinay hinay lang okay? Baka mabilaukan ka. Di ko alam PG ka pala." sabi nya

Pinandilatan ko lang siya at pinagpapatuloy ang pagkain ko. Kumain na rin siya, busy kami sa pagkain ng sabay kaming napahawak sa isang natitirang piraso ng fried chicken.

"Ako ang nauna! Kaya bitaw!" sabi ko

"Ako ang umorder, kaya magpaubaya ka." sabat niya

"Ah gusto mong spiken ko ulit yang mukha mo?!" babala ko at pinanlakihan sya ng mata

Agad naman nyang binitiwan ang manok at nag pout na parang bata. Akala nya cute, mas nagmumukha pa syang uranggutan sa ginawa nya!

Yeheeey! AKO ANG NANALO!!! Hahahha :D

"Oo na, palagi na lang ikaw yung panalo. Palagi na lang ako yung option lang, okay lang kahit masakit. Total sanay na naman akong nasasaktan..." umaakto pa siyang na parang lumuluha

Napatawa ako sa ginawa niya, para kasi siyang ewan!

Napatigil naman ako ng nakitang kong titig na titig sya sakin.

"What?!" takang tanong ko

"You look prettier when you laugh, mas bagay sa'yo" sabi niya

"Che! Ang daldal mo." sagot ko na lang para pagtakpan ang pamumula ko

Matapos pa ang ilang minuto ay tapos na kami. Tumingin ako sa oras, mag aalas 9 na pala. Kaya napatayo na lang ako bigla at lalabas na sana ng pigilan niya ko.

"Ihahatid na kita, mahirap na ano pang mangyari sa'yo."

Pagkasabi nya nun, agad ko syang hinila sa sasakyan nya.

"Mahilig ka talaga manghila nu?" sabi nya pero d ko sya pinansin at dere deretsong pumasok sa kotse nya. Agad naman siyang sumunod.

"Anong address ng bahay nyo?" tanong nya

Tinuro ko naman kung saan ako nakatira, after 20 minutes nakarating na din kami. Nang nasa harap na kami ng bahay agad ko siyang hinarap.

"Salamat kanina at sa paghatid." nakangiti kong sabi sa kanya

"You're welcome, next time ulit?." sabi nya

"Basta ba libre mo... ulit?" nakangiti kong sagot sa kanya

"Oo ba, see you again" sagot nya

"Yeheeey! Sige sige! Papasok na ko, thank you ulit." sabi ko at lumabas na ng sasakyan niya

Nagbabye na ko at hinintay na makalayo na ang kotse bago pumasok sa bahay. Sigurado mapapagalitan naman ako nito. Parang naguilty naman ako sa nagawa ko kay Zeke, ang bait naman pala nya. Bukas na bukas, makagawa nga ng cookies pang peace offering.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Played By F A T EWhere stories live. Discover now