Chapter 5

5 0 0
                                    

Maaga akong nagising, napa sarap tulog ko kagabi kakaisip kay Zandra. I'm excited to see her kaya binilisan ko ang pagbihis at lumarga na.

Pagdating ko sa skwelahan, nakita ko mga ka team mates ko sa di kalayuan kaya lumapit agad ako. Lahat sila pati na rin si coach tumingin sakin na parang di makapaniwala.

"Oh? Bakit ganyan kayo makatingin sakin? Di nyo sinasabi na halos lahat pala sa inyo naglalaway sa kagwapuhan ko at ikaw coach. Kala ko may asawa't pamilya ka na, di mo sinasabing maharot ka pa rin pala but sorry coach di tayo talo." natatawang sabi ko sa kanila

Binatukan ako ni coach sa ulo, kaya napakamot na lang ako.

"Nash, suntukin mo nga ako. Totoo ba tong nakikita ko na andito na si Zeke?" sabi ni Mark

Agad naman siyang sinuntok ni Nash

"Anak ng! Eh gagooo ka pala eh! Anong gusto magsuntukan tayo dito!!!" bulyaw ni Mark kay Nash at kinikwelyuhan niya pa ito

Pinabayaan na namin silang dalawa, sanay na kasi kami sa eksena ng dalawang 'yon. Parang mag-asawa na nag-aaway bati.

I don't do girlfriend thing. NGSB ako, oh di kayo makapaniwala ano? Sa gwapong kong to tsk tsk tsk. Sa totoo nyan marami namang nagkakagusto sakin, yung iba nga sila pa mismo nanligaw. I have a lot of flings but hindi ko pa masabi na may sineryoso talaga ako. Mapili lang talaga siguro ako sa mga babae.

Nagdedaydream pa rin ako habang naglalakad nang nahagip ng mata ko ang nagparamdam sakin ng kakaiba. Nagtama ang mga mata namin and then I gave her my best smile. Pagkatapos inirapan lang nya ko. Woah! Why so freakin' hot? Nakasunod lang yung mga mata ko sa kanya hanggang sa makapasok na sila ng mga kasamahan niya sa gym. Sa sandaling yun, I want her to be mine and I'll do everything just to get her. I smirked at that thought.

"Hey bro, are you listening?." pukaw ni Steve ang captain namin sa atensyon ko.

"Huh? Yeah of course, as you were saying?" palusot ko

"Nakikinig daw, eh yung mata naman halos lumuwa na sa kasusunod sa mga volleyball players." sabat ni John

"Oh nga, mukhang exciting 'to ah. Ngayon lang nagkaganyan yan sa babae. Sino siya dun? Mukhang inlababo na 'tong Maria Clara natin ah." dagdag naman Francis.

Mga loko loko! Nagkibit balikat na lang ako't tumalikod na napapailing sa mga pinagsasabi ng mga kasamahan ko. Nagpatiuna na kong maglakad papunta sa kabilang gym na paglalaruan namin.

Played By F A T EWhere stories live. Discover now