Chapter 3

5 0 0
                                    

Nung makalayo na sila sa gym, agad namang binitawan ng dalawa nyang kasamahan si Zandra. Nagpupuyos pa rin ang loob nito sa lalaking nasampal nya dahil sa nagawang pagtitig nito sa kanya na animo'y huhubaran na sya.

"Ano ka ba naman Zand, bakit mo sinugod 'yung lalaking yun? Amazona ka pa namang babae ka, baka napano na yun. Tapos sasampahan ka ng kaso at makulong ka." sermon ng bespren nyang si Romee sa kanya

"Oh nga, tsaka ang gwapo kaya niya. Di ako makapaniwala sa'yo sinampal mo ang mala Adonis na pagmumukha ng lalaking 'yon" kinikilig pang dagdag na sabi ni Margot

"Ang OA mo naman Rom(Rowm). Wala kong pakialam kahit na makulong man ako, bastos kaya nung lalaking yun! At tsaka gwapo kamo Marg? Saang banda? Parang unggoy nga yun eh." sagot naman niya sa kanila

Naputol ang pagkwekwentuhan nila ng tinawag sila ng kanilang coach at nalaman na nito ang tungkol sa nangyari kaya napagsabihan siya.

"Hill, anong gulo ang ginawa mo kanina? Kung makikipag away ka, please wag dito. Dinadamay mo pa pangalan ng skwelahan." sermon ng coach nila

"Sorry po coach, feeling ko kase namanyak ako kanina kaya I defended myself." pagpapaliwanag nya

"Sige, pero sa susunod di ko na gustong maulit pa ang pangyayaring 'to. Sige makakauwi na kayo at may laro pa kayo bukas."

Napapalatak na lg si Zandra sa isip nya. Nagpaalam na lang agad sya na uuwi na. Pagdating sa bahay nagbihis na siya't humiga sa kama. Habang nakahiga, iniisip niya yung nangyari kanina at yung mukha nung lalaki. Sarap niya talagang kutusan, sa isip isip nya, di nya namalayang nakatulog na pala sya kakaisip.

Played By F A T Eحيث تعيش القصص. اكتشف الآن