Isang araw ay dumalaw muli si Maia sa palasyo at di sinasadyang marinig niya ang usapan ng amang hari at inang reyna. May 3 prinsipe ng nakilatis ang hari at sa susunod na linggo ay pupunta sila sa palasyo at gagawin ang iaatas ng hari para makuha ang puso ng prinsesa at maging kabiyak nito. Nagmamadali na ang hari dahil tumatanda na din siya at ayaw niyang kapag may nangyari sa kanya ay maagaw ang kaharian sa kanila at mapahamak ang kanyang pamilya. Dahil sa gulat at muntik ng mabitawan ni Maia ang dala dala niyang pasalubong para sa prinsesa. Buti na lang at nakita siya ni prinsesa Arby at nasalo nito ang basket na dala ni Maia. Labis na kalungkutan ang naramdaman ni Maia ngunit di niya ito pinahalata sa prinsesa bagkus ay ngumiti siya agad at inaya na ang prinsesa sa kwarto nito para makapagkwentuhan sila. Nahalata ni Prinsesa Arby na malungkot si Maia ngunit hindi niya ito pinilit na sabihin sa kanya ang problema nito dahil alam niya namang kapag may problema ito ay kusa naman itong nagkukwento sa kanya. Natapos ang araw sa kwentuhan at yakapan ng dalawa. Ngumingiti at tumatawa si Maia pero nararamdaman ni Prinsesa Arby na malungkot talaga ito. Hanggang sa magpaalam ito ay hindi niya naitanong kung bakit ganoon na lamang ang lungkot sa mga mata ng kanyang iniirog.
Ng makauwi si Maia ay labis niyang dinamdam ang narinig. Naiyak na lamang siya sa kanyang silid at minarapat na magkulong dito. Hating gabi na ng magising si Maia. Dala ng kalungkutan ay lumangoy ito papunta sa ibabaw ng dagat kung saan sila naglalagi ni prinsesa Arby pagnakakatakas ito sa palasyo. Bilog ang buwan at pinagmasdan ito ni Maia. Lingid sa kanyang kaalaman ay naroon din si prinsesa Arby at pinagmamasdan siya. Napabuntunghininga si Maia at kumanta na lamang. Matapos ang malungkot na kanta ay tsaka pa lamang lumapit si prinsesa Arby at niyakap si Maia. Nagulat man ay di na pumalag si Maia. Hinayaan niyang tumabi sa kanya ang prinsesa at yakapin siya nito. Sa ganoong paraan ay naibsan ang lungkot na nararamdaman niya. Hinawakan niya ang mukha ng prinsesa at niyakap niya na rin ito. Habang yakap niya ang prinsesa ay ikinuwento niya ang narinig sa palasyo. Ang paguusap ng reyna at hari tungkol sa nalalapit na pagaasawa ni prinsesa Arby. Nagunahang bumagsak ang luha ni Maia habang isinasalaysay ang narinig. Gustuhin mang punasan ni prinsesa Arby ang mga luha ni Maia ay hindi siya makagalaw dahil sa higpit ng yakap nito kaya minarapat niya na lang na himasin ang likod nito ngunit lalo lang naiyak si Maia. Nung kumalma na si Maia ay bumitaw na sa yakap ang prinsesa at tinitigan sa mata si Maia. Hindi makatingin sa mata ng prinsesa si Maia ngunit hinawakan ng prinsesa ang baba ni Maia at tinitigan ito sa mata sabay sabi na hindi niya papayagang matuloy ang kagustuhan ng hari at reyna dahil kaya niya namang patunayan na kaya niyang pamunuan ang kaharian at nasasakipan nila kahit magisa lang siya, kahit babae siya. Na hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay niya.

YOU ARE READING
A Different Kind of Love
RomanceMasayang pamunuan ang kaharian ngunit mas masayang magmahal at maging malaya sa kung ano ka at ano magpapasaya sayo.