Hating gabi, nauna sa sikretong lugar si Maia. Ilang minuto din siyang nagantay. Lumipas ang kalahating oras ay wala pa din si prinsesa Arby. Nagantay pa din si Maia. Isang oras ang nakalipas ng sumulpot na ang pinsesa. Napansin niya ang kalungkutan sa mata ni Maia dahil sa akala nito ay hindi na siya darating. Hindi napansin ni Maia na nasa likod niya na ang prinsesa. Nakatingin lang siya sa kawalan at hindi niya namalayang na may luha na palang umaagos mula sa mga mata niya. Dahil sa nakita ng prinsesa ay niyakap at hinalikan niya si Maia sa pisngi. Pinunasan niya na rin ang mga luha nito. Nagkatitigan sila at mabilis na hinalikan ni prinsesa Arby si Maia sa labi. Lumaki ang mata ni Maia dahil sa gulat. Namula si prinsesa Arby sa ginawa niya. Unang beses niya pa lang kasing nahalikan sa labi si Maia.
Nagkailangan sila ngunit hinawakan ni prinsesa Arby ang kamay ni Maia at niyakap itong muli. Nagpunta sila sa may tagong baybayin at may inilabas na perlas si prinsesa Arby. Isinabit niya ito sa leeg ni Maia at hinaplos ang perlas. Ganun din ginawa niya sa perlas na nasa leeg niya. Yung buntot nila ay naging mga paa. May nakatagong damit sila doon at isinuot na ang mga iyon. May bahay sa lupa si prinsesa Arby at dun sila pumupunta ni Maia pag gusto talaga nilang makapagsarili.
Dahil di pa naman gaanong sanay sa paa si Maia ay muntikan na siyang matumba mabuti na lamang at mabilis si prinsesa Arby at nasalo niya si Maia. Nagkatitigan sila at unti unti na namang namula si Maia kaya inayos na nito ang tayo. Inalalayan siya ni prinsesa Arby sa paglalakad. Hinawakan siya nito sa tagiliran at iginaya sa bahay niya. Tumuloy sila sa kwarto at naupo sa kama. Niyakap ni prinsesa Arby si Maia na parang wala ng bukas. Nasa likod ni Maia ang prinsesa at nakayakap sa kanya. Ipinatong ni Maia ang kamay niya sa kamay ni Prinsesa Arby at pinakiramdaman ang tibok ng puso nito. Nilingon niya na si prinsesa Arby dahil pilit nitong sinisiksik ang mukha sa leeg niya. Naramdaman niya ang kuryente sa leeg niya mula sa hininga ni prinsesa Arby. Maya maya ay dinilaan ng prinsesa ang leeg ni Maia at kinagat ito ng malumanay. Nagitla si Maia sa inaasal ng prinsesa. Ngunit hindi naman siya makaalis sa mahigpit na yakap nito. Pagkatapos sa leeg ay umakyat ang mumunting halik nito sa tainga niya. Kagaya ng ginawa niya sa leeg ni Maia ay dinilaan niya muna ang tainga nito bago ito kinagat. Napalunok si Maia sa ginagawa ng prinsesa.

YOU ARE READING
A Different Kind of Love
عاطفيةMasayang pamunuan ang kaharian ngunit mas masayang magmahal at maging malaya sa kung ano ka at ano magpapasaya sayo.