Mga Prinsipe

1 0 0
                                    

Lumipas ang mga araw at lalo lamang na nangungulila si Prinsesa Arby kay Maia. Dumadalaw naman si Maia sa palasyo ngunit nagdadala lamang siya ng mga bulaklak para sa prinsesa kagaya ng nakagawian niya at di naman siya nagtatagal sa palasyo't agad namang umuuwi.

Wala ding pinagbago ang nakagawian ni prinsesa Arby. Umaga pa lang ay abala na siya sa pageensayo. Kung wala siya sa silid na iyon ay andun naman siya sa silid aklatan at nagbabasa ng kasaysayan ng Umilea. Naglukulong siya sa silid na ito at ayaw magpaistorbo.

Kinagabihan, may pagdiriwang sa palasyo dahil sa pagdating ng tatlong kinapipitagang prinsipe ng malalayong kaharian. Nakapagayos naman na si prinsesa Arby at inaantay na lang niya na ipatawag siya sa labas para harapin ang bisita nila. Minabuti niyang hindi muna magisip ng kung anu ano para mapakitunguhan niya ng maayos ang mga bisita nila. Nakasuot siya ng kulay kahel na gown at may kumikinang na mga dyamante sa damit niya at sa kanyang mga palamuti. Kahit na sino yata ay mapapalingon sa angking kagandahan ni Prinsesa Arby. Ngunit mas maganda pa din sa paningin niya ang kanyang iniirog. Ilang minuto pa ay may mumunting katok mula sa pintuan ang kanyang narinig. Pinapasok niya ang mga katiwala at sinamahan na siya sa pagdiriwang. Dahan-dahan at paunti-unti niya ng naririnig ang saliw ng musika sa labas. Hanggang sa bumulaga sa kanya ang maraming bisita ng kanilang kaharian. Yung iba ay galing pa sa malalayong lugar at nais lamang magbigay pugay sa imbitasyong ipinadala ng hari.

Hindi pa siya tuluyang lumalabas. Sinisilip niya pa lamang ang mga panauhin at tila may nais siyang makita ngunit ganun na lamang ang kanyang pagkadismaya ng hindi mahanap ang iniirog. Dahil don ay mas nawalan siya ng gana sa naturang pagdiriwang.

Naging tahimik na ang paligid at napansin ni Prinsesa Arby na nasa may gitna na ang kanyang ama. Tinatawag na nito ang tatlong binatilyong galing sa ibat ibang kaharian.

Ipinakilala niya ang mga ito sa mga dumalo.

Prinsipe Rantis ng Zelus. Matangkad. Matipuno ang katawan. Matapang at tahimik.
Prinsipe Kiel ng Quinia. Matalino. Medyo matangkad din. Katamtaman lamang ang katawan. Magiliw sa ibang tao. Malambing kung magsalita.

Prinsipe Sirion (Kisiros) ng Navascus. Mabait. Medyo matangkad lamang ng kaunti kay prinsesa Arby. Matipuno. Sanay sa pakikipaglaban.

Habang pinapakilala ng hari ang tatlong prinsipe ay nakamasid naman si Prinsesa Arby sa mga ikinikilos nito. Maya maya pa ay tinawag na siya ng kanyang ama.

Mahahalata mo ang gulat sa mga mata ng prinsipe. Hindi nila akalain na ganun na lamang kaganda ang prinsesa. Wala kasi silang alam dito dahil ayaw naman ng hari na ipangalandakan na may anak siyang napakaganda baka dumugin sila ng mga prinsipe na siyang iniiwasan ng hari.

Mabagal na lumapit si Prinsesa Arby sa mga ito. Nakatulala naman yung tatlong prinsipe sa pagkamangha. Naging magiliw naman si Prinsesa Arby sa mga ito. Nakipagkamay pa nga siya at ipinakilala ang kanyang sarili.

Parang nahimasmasan naman ang mga binata at tinanggap ang pakikipagkamay. Makikita mo ang mga ngiti ng mga ito na animoy  nanalo sa giyera o nakakuha ng isang napakamamahaling perlas.

Tipid na ngiti ang iginawad ni Prinsesa Arby sa mga ito. Iniwan naman sila ng hari upang makipagusap sa mga iba pang bisita. Medyo nailang naman na nakipagkwentuhan si Arby sa tatlong binata. Hinahanap niya pa din si Maia sa kumpol ng mga bisita ngunit hindi niya talaga ito makita.

May kanya kanya naman silang pagkakatulad. Kagaya ni Kiel na mahilig magbasa, si Sirion at Rantis naman ay mahilig sa pakikipaglaban.

Nagpaalam na si prinsesa Arby sa mga binata at sinabing magpakasaya sila sa naturang pagdiriwang.

Lumabas si Prinsesa Arby at tinanggal ang kasuotan. Naiwan ang damit nitong kagaya ng lagi niyang isinusuot at lumangoy sa paligid ng kaharian. Hinanap niya si Maia ngunit lubos na lang ang kalungkutan niya ng hindi niya mahagilap ang dalaga. Nawawalan na siya ng pagasa dahil kahit yata ang dalaga ay iniiwasan na din siya. May nakita siyang lumulutang na bulaklak. Kulay pula ito at may nakita ulit siya. Sinundan niya ang maliliit na bulaklak kung san ito galing at ganun na lamang ang galak niya ng makita ang iniirog sa di kalayuan na nagsasaboy ng maliliit na pulang bulaklak sa paligid ng kaharian. Nagningning ang mata niya pagkakita sa minamahal at dali daling nulapitan ito at niyakap. Lubos ang pagkagulat ni Maia sa ginawa ng prinsesa at hindi niya mawari kung itutulak ito o hahayaan na lamang sa pagyakap nito sa kanya. Bumitaw din agad si Prinsesa Arby at tuwang tuwa itong pinagmasdan si Maia sa ginagawa nito.

Nagkwentuhan sila tungkol sa tatlong prinsipe at kung ano ang napagmasdan ni Prinsesa Arby sa mga ito. Di naman naglihim si Prinsisa Arby at detalyadong isinalaysay ang nangyari sa kaharian at ang mga kilos ng mga panauhin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Different Kind of LoveWhere stories live. Discover now