Kisiros

3 0 0
                                        

Nilisan na nila ang sikretong lugar at nagkasundong babalik dun bago dumating ang 3 prinsipeng napili ng amang hari. Sa kabilang dako ng kaharian, si Kisiros, ang anak ni Talus, pinakapunong namumuno sa konseho ay dinakip ang isa sa mga prinsipe at ikinulong ito sa isang kwebang maraming nakakamatay na halamang nakapaligid dito. Matagumpay na nalinlang ni Kisiros ang prinsipe at hindi man lang ito nagdalawang isip na sumama kay Kisiros. Ngayon, siya na ang magpapanggap na isa sa 3 prinsipe at ninanais niyang manalo upang mapasakanila ang kaharian. Bumalik na si Kisiros sa bahay niya at nadatnan ang ama doon na siyang ikinagulat nito dahil ni hindi nga ito napapadpad sa lugar kung saan lumaki si Kisiros. Ibinalita ni Kisiros ang kanyang nagawa at labis ang galak ni Talus sa unang hakbang ng masamang plano nila.

Walang nakakaalam na may anak si Talus dahil sa kabilang bayan lumaki si Kisiros at ngayong lamang ito bumalik sa Umilea para sa planong matagal na niyang gustong maisakatuparan. Pero hindi dahil sa gusto ni Kisiros ngunit dahil noon pa man ay nahulog na ang loob niya kay prinsesa Arby simula ng unang pagkakita niya pa lang. Mula noon ay palihim niyang sinusundan ang prinsesa sa kung saan ito pumupunta. Hindi man siya nito kilala ay gusto niyang masigurong ligtas ang prinsesa sa kapahamakan anumang oras. Mabait si Kisiros ngunit dahil sa kanyang ama ay nadudungisan ang kanyang kamay. Hindi niya gustong dakpin at ikulong si Sirion, ang prinsipe ng Ithias, ngunit kelangan niya itong gawin dahil ipinagutos ng ama niya.

Kelangan niyang magpanggap na si prinsipe Sirion upang maisakatuparan ang plano nila. 7 araw na lang at makikita niya na ng harapan ang kanyang iniirog. Sabik na si Kisiros ngunit kinakabahan din siya dahil unang pagkikita nila ito at ayaw niya magmukhang katawa tawa sa harap ng babaeng minamahal niya. Bigla siyang kinabahan dahil hindi niya alam kung magugustuhan ba siya ng prinsesa o maiinis ito sa kanya. Nakapagdesisyon na siya na gagamitin niya itong pagkakataon upang siya ang piliin ng prinsesa at hindi ang 2 pang prinsipe.

Kinabukasan, gaya ng nakasanayan umaga pa lamang ay nagsasanay na si prinsesa Arby sa palasyo. Patuloy siyang nagsasanay sa pakikipaglaban at sa paggamit ng palaso at espada. Habang tumatagal ay lalo lamang siyang lumalakas. Ngunit ang tanging nasa isip niya sa oras na yun ay ang napagkasunduang pagkikita nila ni Maia mamayang hating gabi. Bigla na lang siyang napangiti na ikinagulat ng kanyang maestro. Ngunit di naman nagbabago ang mga galaw ni prinsesa Arby habang nakikipaglaban sa maestro niya. Matapos ang dalawang oras na pagsasanay ay nagtungo na sa silid aklatan si prinsesa Arby at pinagpatuloy ang pagbabasa ng mga pamumuno ng nakaraang hari ng Umilea. Isang tagapagsilbi ang pumasok at nagdala ng makakain ng prinsesa. Umalis din ito agad at sinara ang pinto. Habang abala sa pagbabasa ang prinsesa ay nagitla siya sa katok na galing sa pinto ng silid aklatan. Hindi niya mawari kung sino ang nasa labas kasi wala naman siyang inaasahang bisita sa ganitong oras. Unti-unting bumukas ang pinto at iniluwa nito si Maia. May dala siyang kulay rosas na mga bulaklak at dahan dahang lumapit kay Prinsesa Arby. Dahil sa di inaasahang pagdalaw ni Maia, iba ang sumagi sa isipan ni Prinsesa Arby, nanaginip siya ng gising na parang nasa kasalan daw sila, siya ang mapapangasawa ni Maia at dahan dahang lumalapit sa kanya habang dala ang mga bulaklak. Namula si Prinsesa Arby sa mga sumagi sa kanyang isipan. At di niya namalayan na nasa tabi niya na pala si Maia, kung hindi pa ito nagsalita hindi siya makakabalik sa huwisyo niya.

A Different Kind of LoveWhere stories live. Discover now