Prologue

3 0 0
                                    

Sa isang malayong kaharian sa ilalim ng dagat, may isang prinsesa na nagngangalang Arby. Isa siya sa 2 anak na babae ng amang hari at inang reyna. Dahil nasa wastong edad na si prinsesa Arby ay napagdesisyunan na ng hari at reyna na ipakasal na ang unang anak nila nguni lingid sa kanilang kaalaman may kinakatagpo na ang prinsesa at isa din itong sirena. Oo babae din ang gusto ng prinsesa at nahihirapan siyang umamin sa kanyang mga magulang ng kanyang totoong pagkatao. Nagdadalawang isip siya kung matatanggap ba siya ng kanyang mga magulang o itatakwil siya nito. Kaya minarapat na lamang niyang ilihim muna ang relasyon nila ng kapwa sirenang nagngangalang Maia.

Lubos na nababahala ang amang hari dahil walang magmamana ng trono niya at ayaw niya naman itong ipasa sa kapatid niya kaya mabusising paghahanap ng nararapat na prinsipe ang ginagawa ng hari para sa kanyang nasasakupan. Si prinsesa Arby naman ay nagsasanay na maging tagapagmana ng kaharian, dumaan siya sa butas ng karayom upang mapatunayan na kahit magisa lang siya ay makakaya niyang mapamunuan ang kaharian. Tutol man ang kalahati sa konseho ay wala silang magagawa dahil siya ang unang anak ng hari at mas makapangyarihan sa kanila. Hindi maiiwasan ang inggit at hinanakit ng pinakanamumuno sa konseho dahil sinanay niya ding maigi ang anak niyang lalaki upang maging hari balang araw.

Palihim na nagkikita si prinsesa Arby at Maia. Minsan ay dumadalaw si Maia sa palasyo at tumutuloy sa kwarto ng prinsesa. Dahil pareho naman silang babae hindi nagtataka ang.mahal na reyna at hari sa kanilang dalawa. Hindi.din naman sila makitaan ng kahit anong koneksyon pag nasa labas sila. Matikas kung kumilos si prinsesa Arby at mahahalata mong hindi ito kagaya ng kanyang kapatid na babaeng babae kung kumilos. Magaling si Prinsesa Arby sa pakikipaglaban at sa buong palasyo siya ang nangunguna sa pinakamagaling sa palaso at espada. Samantalang si Maia ay anak ng isang may kaya din sa buhay na mga sirena at sireno sa kabilang bayan. Namamasyal lamang siya sa kaharian ng Umilea ng hindi sinasadyang magtagpo ang landas nila ng prinsesa. Hindi naman sila agad nagkapalagayan ng loob pero sa pagdaan ng panahon ay nahulog ang loob ng prinsesa sa kanya at nagtapat ito. Hindi naman tinanggihan ni Maia ang pagmamahal ni Prinsesa Arby ngunit natatakot itong mapahamak ang prinsesa dahil sa kanya.

A Different Kind of LoveWhere stories live. Discover now