Track 28: Gemini by Spongecola

3.3K 114 181
                                    


JHOANA.

"Picasso, I missed you, too." Mahigpit ang yakap n'ya: 'yung parang hindi na ako makakagalaw—'yung parang iraratay ang katawan ko sa kawalan ng lakas. "It was hell without you."

I told myself to calm down. Walang mangyayari kung mag-ppanic ako.

Everyone has been really being helpful sa recovery ko, I cannot let everyone's efforts go to waste.

Pero as the minutes go by, lalong mas nagiging kampante ang yakap n'ya.

Gusto kong magpumiglas at magmakaawa sa uniberso na pakawalan na n'ya ako. Nakakapagod na'ng sumali sa mga laro ng tadhanang kahit kailan ay 'di ko naman ginustong pasukin. Nakakapagod maging parating taya sa habulan ng pangako at pagkabigo.

Ang maraming araw ng paghilom, sa iilang segundo, ay tila nawalan ng bisa.

Bea naman, kung panibagong laro na naman ito, pakiusap hindi ngayon—

—hindi kailanman.

Tapos na dapat tayo sa kunwari-kunwarian, sa tagu-taguan.

Hindi ka ba napapagod?

Hindi ka pa ba nagsasawang pagurin ako?

"Bitawan mo 'ko." Naramdaman kong nanigas ang kanyang mga braso. Pero hindi n'ya pa rin ako binibitawan.

Hindi pa.

"You're mad at me," Hindi iyon isang tanong ngunit isang salaysay. Even in this uncanny situation, she's still trying to get a hold of the upper hand.

"Bitawan mo na 'ko. Gusto ko na'ng magpahinga." Nararamdaman ko na'ng kumakalma ang sarili kong pulso. I'm finally getting my resolve.

Pero may glitch: sa kabila ng kagustuhan kong kumawala ay ang paghilig ng katawan ko sa yakap n'ya.

Traydor na katawan. Hanggang kailan ba ako ipapahamak ng sistemang 'to?

"You can rest with me. Be with me tonight." Isa... Dalawa... Tatlong beses yata ang ibinilis ng tibok ng puso ko.

'Eto na naman tayo, Jhoana.

"Hindi ako makakapagpahinga hangga't malapit ka sa akin."

"Bakit?" I felt her struggle with the word. Good to know that I'm not the only one having a hard time.

Kahit papaano, I'm making her suffer. Masama ba ako kung aaminin kong there's so much satisfaction in knowing that?

Kasi hindi na naman titigil ang mga makina ng katawan kong pagud na pagod na.

Hindi na naman titigil ang utak ko sa paghanap ng maraming solusyon sa mga bagay na wala sa kondisyon.

Kasi maghihintay na naman ako—na baka sakali sa paggising ko, ako na ang pipiliin mo.

Hirap na hirap na akong isalba ang aking sarili sa pagdating ng umagang niluma ng realidad na hindi ka akin.

Aasa na naman kasi ako na hindi na ako mag-iisa—na sana hindi na puro bitaw ngunit sa wakas, ay pagkapit na lang ang tanging gagawin ng aking mga kamay.

Bea...

Hangga't nand'yan ka, walang tigil ang pagmamalupit ng mundo.

"I can't trust you anymore, Bea."

Panandaliang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. I felt her hold loosen as the silence stretched across our troubled friendship.

"What can I do to save this?"

Player of the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon