Nandito ako ngayon sa bago kung nilipatan na school, halos tatlong buwan na din ang tinagal ko dito pero mukhang wala naman akong nakikita na kakaiba o nakaka excite na pangyayari. Kaya failed na naman ako sa pagpili ng school. Third year na ako ngayon at hinde parin ako makahanap ng school na masasabi kong makabuluhan at hindi ko makakalimutan kahit kailan.
Kaya nagdisesyon na ako na mag-dropout sa school na to, pareho lang kasi ito ng mga na una kong mga pinasukan. Kauumpisa palang naman ng pasukan kaya hindi ako mahihirapan na lumipat o makahanap ng bago kong school na papasukan.
Madali na lang sakin ang magpalipat-lipat ng school, ay dahil yan sa katayuan namin sa buhay. Nasa Canada ang parents ko dahil nandun ang business namin, tuwing bagong taon lang sila na uwi sa pilipinas dahil sa sobrang busy nila sa dami ng negosyo na meron kami, sobrang rich ko ba? pero hindi ko naman pina-ngangalandakan kong anumang meron ako. At alam ko naman para rin to sa ikakabuti ko at kaya malaya akong nagagawa ang gusto ko, alam rin nila na nagpalipat-lipat ako ng eskwelahan. Wala naman problema sa parents ko yun at ang sabi pa ni mama kung saan daw ako magiging masaya ay okay lang sa kanila ni papa.
Nakatira ako sa isang subdivision, sa hindi naman kalakihan na bahay dito sa Valley Subd. Mas pinili kong maging independent kahit high school palang ako. Hindi naman ako nahirapan kahit ako lang magisa dahil sanay na ko dun. Remember nasa ibang bansa nga ang parents ko kaya hindi na ko nahirapan mag-adjust, hindi naman ako nalulungkot kahit wala sila sa tabi ko, dahil tumatawag at nagtetxt naman sila para kumustahin ako.