Property of ShaLenIme. All rights Reserved. Copyright © February 2014
Side 2:
"Ms. Finiarel ano ba?! Bilisan mo nga ang kilos. Marami ka pang kailangang ayusin!"
"Y-Yes, Sir." Lalong kumunot ang noo nya nang banggitin ko yung salitang "Sir". Grabe! Mapapatay nya ata ako sa tingin nya. Ano bang gusto nyang itawag ko sakanya Ma'am?!! Mga bakla talaga oh!
Dali-dali kong kinuha yung last set ng lumang libro na kailangan kong ayusin sa library at tsaka ako lumabas ng faculty room. Dahil sa gulong nangyari kahapon, napilitan akong maging utus-utusan ng mga teachers. Specifically, Mr. Viceralle... or should I say MISS Viceralle? Inggit ata to sa ganda ko kaya ang sungit sungit sakin.
Lunch break ngayon. Syempre madaming estudyante sa hallway. May nagdadaldalan, nagtatawanan, nagsesenti at nanti-trip. Dahil dito lalo akong nahirapan papunta sa library. Kasi naman paharang-harang sila tapos ang bigat bigat pa ng mga dala ko! Kung dati lang siguro to, nung hindi pa nagiging kami ni Zandrix, ang dami na sigurong tumulong sa'kin.
"Ay!"
Nahulog ang karamihan sa mga librong hawak ko nang may dumanggil ng malakas sa balikat ko. Halatang nananadya ito kaya naman nainis ako.
"Hoy!! ANO BANG--"
"What?" napatigil ako nang makita kong si Zandrix pala yung bumungo sakin. He wears this very cold stare. Aaminin ko, hindi ako sanay na ganyan sya sakin. Sobrang nakakapanibago. Sobra ko syang sinaktan. Pero ganon din naman sya sakin eh. Binigay nya ang lahat ng luho ko pero nawala rin ang kalayaan ko at ang mga bagay na pinapahalagahan ko. For 2 years, naging sunud-sunuran ako. Nawala sakin ang taong mahal ko. Nawala si Lohann sakin.
Hindi na ako nagsalita pa at tumalikod na ako sakanya. Ayoko ng makausap pa sya.
"I hope, maging handa ka sa mga pwedeng mangyari. If you're not strong enough, matutulad ka sa mga librong yan... Babagsak. Walang suporta. Ipagsasawalang bahala."
Tinalikuran na nya ako at naglakad palayo. Napansin ko ang hawak-hawak nyang pocket knife sa kanyang kanang kamay kaya naman nakaramdam bigla ako ng kaba. Dali-dali kong chi-neck kung may sugat ba ako sa braso. Nakahinga ako ng malalim nang masigurado kong wala.
"Hayy... matatapos din to Eurie. Huwag ka magpa-apekto sakanya." Bulong ko sa sarili ko. Pinulot ko na yung mga libro at naglakad ng muli. Nagsimula agad ako sa trabaho ko nang makarating ako sa library. Ilalagay ko lang naman yung book sa tamang shelf nito after nun, pwede na akong mag-break.
Ipinatong ko yung mga libro sa isang table na malapit sa bookshelf ng paglalagyan ko. I was half way done and I'm currently up on a ladder to put the book I'm holding on the uppermost part of the shelf, yun bang hagdan na nakakabit sa shelf tapos pwede mo itong ma-slide papunta sa ibang part ng bookshelf. Pero napatigil ako sa ginagawa ko nang may sumipol.
"Wiiiwit!"
Pagtingin ko sa baba, bumungad sakin ang dalawang lalaki na nakaupo sa may paanan ng hagdaan kung saan pagtingala mo ay paniguradong makikita mo na ang kaluluwa ko.
"What the F*ck?!" agad kong inipit ang palda ko sa pagitan ng mga binti ko. Maiksi pa man din ang palda ng uniform namin.
"oh bakit mo tinigil yung ginagawa mo miss?? Ok lang kami dito. Wag mo kaming intindihin." Ngumisi sila pareho. Ngising manyak. Pinaninindigan ako ng balahibo sa kanila!
"Oo nga naman miss. Hehe. Ituloy mo na yan para makita na ulit namin ang langit."
"Mga manyak!! Ano tingin nyo sakin?! Pagkain na pwedeng pag-fiestahan?!"
BINABASA MO ANG
Two Sides Of Love
RomanceLet Go. kung mahal mo ang isang tao... magagawa mo syang pakawalan kahit gaano pa man kasakit ito. In order to save someone from pain, one must sacrifice his/her own Happiness for the sake of the other. She was a PLAYGIRL. She loved and still loving...