"Wala na! wala na talaga."
Inirapan ko nalang sya. Pano pang sampung beses nya na atang sinabi yan.
"Pwede ba Xavier, wag ka ngang nagger. Bakla ka ata eh."
"Yeah right. Baklang may six-pack abs?"
Namula naman agad yung cheeks ko sa sinabi nya. Loko to ah.
"Hahaha!--Aray--haha! Nakakatawa yang reaksyon mo."
"Whatever." Psh! Baliw. Nasasaktan na nga kakatawa ginagawa padin. Dagdagan ko yung sugat nya eh. Tss.
Ilang oras na ang nakalipas at nakakulong padin kami dito. Ilang oras na din simula nung ibinuhos ko lahat ng sama ng loob ko sa baklang to.
As usual, balik kami sa asaran. Hindi na ata mababago yun.
"So pano nga tayo makakalabas dito? Kung hindi ba naman kasi abandonadong lab to eh baka kanina pa tayo nakita."
Yeah. Tama sya. Hindi na nga pala ginagamit tong lab na to kaya walang gaanong dumadaan at nakakapansin dito. Nasa dulo pa ng campus kaya mahirap puntahan. Aish! Ang cliché naman ng scenariong to!
Tumingin tingin nalang ako sa paligid. Naglibot libot ako, baka may mapakinabangan ako. Pero wala eh!
Wait!
May nakapa akong something sa bulsa ng palda ko.
"OMG! Sana! Sanaaaaa!"
"Hoy nababaliw ka na ba? Sana ka ng sana jan!"
Hindi ko sya pinansin. Nagger talaga! Kainis! Ba't ba ipinanganak tong taong to? Kung pwede ko lang to ibalik sa matres ng nanay nya ginawa ko na. Pshhh!
Hinalungkat ko yung laman ng bulsa ko. I hope talaga nadala ko at...
"VIOLA!! WAAHHH! Mwahahaha!"
"Baliw na nga..."
"Hoy narinig ko yun!!" Nagpeace sign lang sya sakin. Hmp. Kapal ng mukha!
"Anong gagawin mo dyan?" tumayo na sya at ika-ikang lumapit sakin.
"Watch and learn." I smirk. Ngayon mo makikita ang ninja skills ko. Mwahaha! *evil laughs*
Gamit ang mahiwaga kong pin. Ipinasok ko ito sa may doorknob. Konting kalikot ditoooo... Konting kalikot dooooon.
*Click*
Bumukas ang pinto!
Success Eurie! Hindi ka lang maganda, sexy at matalino! Youre one hell of a sneaky girl pa! Bwahahaha!
"Paano mo natutunan yan? Magna ka no?!" he accused. Aba anak ng patatas to ah! Sa beauty kong to?! Magna agad? Agad agad?!
"I'm not. Stupid! Si Zandrix. Sakanya ko natutunan yan!"
"Ah... so sya yung magnanakaw?-- *PAK* ARAY!"
"IDIOT! Nanakaw ba yang utak mo ha? Oh wait! Wala ka nga palang utak! Tsss! Hindi ba pwedeng once upon a time tinulungan nya ako buksan yung pinto ng bahay KO kasi walang susi?!"
"Tss! BORING! Ang corny. Walang action! *PAK!!!* ARAAAY! Dalawa na yun ah! Bubutasin mo ba bunbunan ko?!"
"Eh kung dagdagan ko kaya yang saksak mo ng makita mo yung action na hinahanap mo?! Ano ha?!"
"Tss. Ewan ko sayo." hinimas himas nya yung parte na masakit sakanya. Serves him right.
Lumabas na ako at woah! madilim na? ganon kami katagal sa loob?
BINABASA MO ANG
Two Sides Of Love
RomanceLet Go. kung mahal mo ang isang tao... magagawa mo syang pakawalan kahit gaano pa man kasakit ito. In order to save someone from pain, one must sacrifice his/her own Happiness for the sake of the other. She was a PLAYGIRL. She loved and still loving...