Side 6: Used To Be

64 3 0
                                    

Thank you for supporting this story

Sana matulungan kayong maintindihan si Zandrix sa chapter na to. :)

Side 6: Used to be

"Hey babe." hindi na ako nagsalita pa at hinalikan ko nalang sya. Halata namang nagulat sya sa ginawa ko kasi hindi sya agad humalik pabalik.

Tss. Ano ba naman to. Dapat masanay na sya kung gusto nyang makipaglandian pa ako sakanya.

Kinagat ko yung ibabang labi nya para mabalik na sya sa realidad.

"Kiss me back idiot! Hindi naman pwedeng ikaw lang ang nag-eenjoy diba?" I said irritatingly.

"Calm down Tiger. You just caught me off guard." he smirked.

"Whatever. Are you gonna do it? or I might just find someone else to flirt with?" I challenged him as I put my hands on my waist.

Actually badtrip ako ngayon kaya tinawagan ko tong si Zandrix. Kailangan ko ng malalandi para maalis yung inis ko.

Bakit ako badtrip? Hindi ko din alam! Nakita ko lang yung magaling kong bestfriend na nakikipagtawanan sa isang panget na babaeng nerd habang magkahawak ang kamay nila. Psh! Nakakairita! Pero bakit nga ba ako naiirita? Ay ewan! magsama sila. Pareho naman silang Nerd eh. Bwiset!

Hinawakan ako ni Zandrix sa bewang at sa wakas! Nagawa nya na akong halikan. I admit na sya na ang pinaka magaling na kisser sa lahat ng mga naging lalaki ko. Marami rin kaming napagkakasunduan. Tsaka hindi sya predictable. Kaya siguro 2 months narin kaming naglalandian. Na-eenjoy ko ang company nya.

We kissed for... I dont know? matagal tagal din. Kaya nung humiwalay kami sa isa't-isa kitang kita yung panandaliang pamamaga ng mga labi namin.

"Ahahahaha! you know what? that's it for today. Naaawa na ako sa labi mo."

Tinalikuran ko na sya para umalis pero pinigilan nya ako at hinila paharap sakanya.

"Then let's do some other things." alok nya sakin habang nakangiti.

"Ano?" tanong ko naman. Never pa kasi kami gumawa ng kahit ano bukod sa magdate sa mall at maglandian.

"Crazy things." sagot nya sakin na may pilyong ngiti. Napangiti narin ako at tumango bilang pagsang-ayon.

Alam kong isang malaking pasaway tong si Zandrix. He's the typical rich-bad boy type. Marami syang kalokohan na nakwento nya na sakin. Mahilig syang makipag basag ulo para lang i-entertain ang sarili nya. He smokes and drinks alot. Most of all, he's a daredevil.

Maybe I should see this part of him. Mukang mag-eenjoy ako.

After a few hours...

"Sigurado ka dito? pano kung mahuli tayo?!" I asked him worriedly.

"Hmm, base sa libro ni Slim shady na nabasa ko? It's safe. Pwedeng pwedeng gayahin." he grinned at me. Binatukan ko nga.

"Aww babe! para san yon?" Hinimas himas nya yung parte na tinamaan ko.

"That's fiction Zandrix! Totoong buhay to."

"Relax! You're with the expert remember? Ayaw mo bang maka experience ng kakaiba sa buhay mo?"

Tinitigan ko lang sya. And then tinitigan ko yung lighter at kapirasong lubid na parte ng isang bagay na hawak ko.

Gagawin ko ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Two Sides Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon