Side 1: The Savior

102 5 5
                                    

Eurieko at the right *0*

Side 1: The Savior

"Ayoko na! please! Pakawalan mo na ako."

"NO!!" tinulak nya ako ng malakas sa pader tsaka nya ako ikinulong sa pagitan ng mga braso nya.

"Akin ka Eurie! Akin ka lang!" kitang-kita ko ang galit sa mga mata nya at hindi ko gusto ang nangyayari ngayon. Natatakot na ako sakanya pero kailangan kong lumaban. Gusto ko ng lumaya. Pagod na ako sakanya.

"Hindi mo 'ko pag mamay-ari Zandrix. Kahit kailan hindi ako naging sa'yo!"

"Bakit Eurie? Kahit kailan ba hindi mo ko minahal? Biro lang ba talaga sa'yo to?! Alam mo naman na lahat ng pinakita ko ay totoo ah. Kahit G*go ako, mahal na mahal kita! Nawawalan man ako ng oras sayo, Kahit kailan naman hindi kita nagawang lokohin. Lahat binigay ko sayo!"

Napalitan ng lungkot ang galit nyang mga mata kanina. Nararamdaman ko na totoo ang lahat ng sinabi nya at nasasaktan ko sya ngayon. Tama sya binigay nya ang lahat sa'kin pati ang totoong pagmamahal. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko magawang mahalin sya tulad ng pagmamahal nya sa'kin. Kahit anong gawin nya... isang bagay ang hindi nya maibibigay sa'kin.

"Alam ko Zandrix..." hinawakan ko ang pisngi nya habang unti-unting tumutulo ang mga luha nya. "Pero... kahit kailan hindi mo nagawang ibigay ang kasiyahan na hinahanap ko."

Ang saya na iisang tao lang ang nakapagbigay sakin.

Umalis na ako sa harapan ni Zandrix the moment na ibinaba nya na yung dalawa nyang braso na nakaharang sa magkabilang gilid ko. Bago pa man ako makalayo, hinila ako ni Zandrix palapit sakanya at mahigpit na hinawakan ang braso ko.

"Alam mo ang mga kaya kong gawin Eurie." Seryoso nya akong tinitigan sa mata na may kahalong pagbabanta. Nagsisimula nanaman sya.

"Sa oras na hiwalayan mo ako... lahat ng lalaking lalapit sa'yo, hindi makakatakas sa patalim ko. Lahat sila papatayin ko. Hanggang sa ma-realize mo na ako lang talaga ang para sa'yo."

Bigla akong pinanindigan ng balahibo sa katawan at lahat ng takot bumalik sa katawan ko.

"Akin ka lang. Tandaan mo yan"

"T-tama na..."

"Hindi ka na makakalaya sa'kin!"

"TAMA NA!!!" tinulak ko sya palayo sa akin at nagsimula ng tumakbo palayo sa sobrang takot.

Kung alam ko lang... kung alam ko lang sana na wala ring kwenta yung desisyon ko, eh di sana... sana Malaya ako ngayon. Hindi sana ako pumayag sa gusto ni Zandrix.

[ Flashback ]

"Nahihirapan na ako Abs. hindi ko na alam ang gagawin ko!" umiyak nalang ako sa may chest nya habang yakap-yakap nya ako. Nandito kami ngayon sa isang party ng ka-batch mate namin, sa loob ng isang kwarto kung saan hindi nakakabingi yung music sa labas. Party nga ito pero eto ako, umiyak.

"Sshh... ikaw naman kasi Chix eh. Bakit ba kasi hindi mo pa sya hiwalayan dati pa? Pinagtya-tyagaan mo yung G*gong yun!" ramdam ko yung galit sa boses ni Lohann. Siguro dahil sa iniisip nya na sinaktan ako ni Zandrix pero ang totoo nyan, wala naman ginagawa si Zandrix sa'kin eh. Ako nga ang nananakit sakanya ngayon eh. Bakit?

Kasi alam nyang hindi ko sya mahal, pang-Past Time ko lang sya habang sya mahal na mahal ako. Yung Gangster na yon sineryoso ako! Sh*t. Hindi ko ini-expect yun kasi nung una talagang naglalandian lang kami. Argggghhhh! Kung sino pa yung nilandi ko na least expected kong mahuhuli sa kalandian ko yun pa yung tinamaan ng todo-todo sakin!

Mahal nya ako at ngayon hindi ko na magawang makawala sakanya. Ayaw nyang makipag-break sa'kin which is the reason why I'm crying right now. It frustrates me. Kasi... kasi...

Two Sides Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon