YURIKO’s POV
Nakita namin siya sa mall. Nagulat nga ako kasi kasama niya si kuya Jaeden ay este si Kuya Kyouhei. Nagkaroon kasi ng car accident 2 years ago, magkasama kami ni kuya Kyouhei nun. Kuya was drunk that time, ayaw niya ako pagdrivin nakakainis. The reason why kuya is like that kasi 10 years ago he was in love with someone, her name is Keiko, I thought it was ate Phoebe pero hindi, mas pinili niya si Keiko na sobrang arte naman! Kahit na magkakababata kaming lahat ayoko pa rin sa kanya. >____< 3 years naging girlfriend ni kuya si Keiko tapos iniwan niya si kuya 5 days after ng anniversary nila na wala man lang pasabi. Gagong yun. Sabi ko na eh hindi mapagkakatiwalaan yung babaeng yun kahit pa 14 years namin siya nakasama sa Japan, mas matagal namin nakasama si Keiko kaysa kay ate Phoebe. Si ate Phoebe kasi ilang years lang, nung nag7 na siya umalis na siya ng Japan pero nagpaalam siya sa aming tatlo.
Labis na nangulila si kuya sa pagmamahal niya kay Keiko. Naiinis lang ako, kasi siya ang dahilan kung bakit nagka amnesia si kuya Kyou at nadamay pa ako. Wala naman akong amnesia kagaya ng kay kuya eh. Sa totoo lang sinagip pa ako ni kuya nung araw ng aksidente
*FLASHBACK 2 YEARS AGO*
Kuya you’re drunk uwi na tayo. Sabi ko sa kanya
Hindi pa ako lasing Dyn. Kita mo bang nag-eenjoy pa tayo diba? Sabi niya
Leche naman!! Ako na nga ang magdrive, i-stop mo ang kotse!! Sabi ko
Pero nagmatigas siya. Ayaw niya. Tinignan ko siya may tumutulong luha sa mga mata niya
Kuya Jaeden, hanggang ngayon, iniisip mo pa rin yung btch na yun?? Wag mo na nga siya iniisip naiinis ako! Sabi ko
Stop it Dyn, mahal ko siya pero bakit niya ako iniwan? Saan ako nagkulang sa pagmamahal ko sa kanya?? Sabi ni kuya habang pilit na pinipigilan ang luha niya
Naiinis ako kasalanan ng btch na yun kung bakit nagkaganito si kuya. Urgh!! Makita ko lang siya kung saan mang lupalop ng mundong to!! Hindi ako magdadalawang isip na tirisin ang babaeng yun!! Kung hindi niya na mahal ang kuya ko eh di sana hindi niya na pinatagal ang relasyon niya with kuya!! Tangish!! Pinaasa niya ang kuya ko. Hindi man lang nagtetext. 3 months nang nagkakaganito ang kuya ko. Maski hello man lang wala, sorry wala. Sana mamatay na siya. Ayokong makitang nagkakaganito ang kuya ko. Leche!! Araw araw na lang siyang umiinom tapos umiiyak. Lagi ko na lang siya pinagtatakpan sa parents namin. Kahit alam nila ang pangungulila nito sa btch na Keiko na yun. Sana lang wag kami umabot sa aksidente, kung mangyari man yun. Sana amnesia na lang para makalimutan niya yung btch na yun. Kaya niya naman yatang kalimutan eh. Pero hindi pa sa ngayon, eh!!! Ayoko siyang nakikitang nahihirapan
Kuya!!!!! Sigaw ko
……
…..
Sa isang iglap lang, nagising na lang akong may kaharap na puting kisame. Nasa langit na ba ako?
Napatayo ako at napansin ko ang kaibigan kong si Manami at Catherine.
Hey wag ka muna tumayo, baka mabinat ka. Sabi ni Cath
s-si kuya? Tanong ko
hindi nila ako kinibo, nakayuko lang sila. Hindi ko maiwasang maluha iba kasi agad ang naramdaman ko. Ang alam ko niyakap niya ako nung nabangga kami nung truck na yun.
Sht!! Kapag namatay lang ang kuya ko!! Hahanapin ko talaga yung Keiko na yun! Papatayin ko yung btch na yun.
Nami, Cath na saan ang kuya ko??? Nataasan ko ang boses ko.
BINABASA MO ANG
LOVE TRIANGLE ~Editing 2ND HALF~
Teen Fiction2nd half (hindi pwedeng basahin kung hindi nabasa ang first half) :D ©