CHAPTER 59

28 2 0
                                    

AN:

Scene of Vincent & Gaiyle before Geoffrey's confession to Phoebe

-------------

Vince's POV

pumunta kami sa family house namin kasi may emergency daw, kaya pumunta kami ni Gaiyle dun agad. Alam kong hindi ako mahal ni Gaiyle, si Geoffrey kasi ang gusto niya wala ng iba kundi siya lang. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw niya sa akin eh, kasi isa itong fix marriage wala ng iba.

....

Pauwi na kami sa bahay baka kasi nandun na si Phoebe, pero..

"Vin, pwede bang magpahangin muna tayo?" Saad niya.

Namumugto pa rin ang mga mata niya. Pumunta kami sa park malapit sa village. Bumaba na siya ng kotse at pumunta siya sa isang swing doon.

Nilipitan ko siya at tinabihan na rin.

"Alam mo kung ayaw mo akong pakasalan ok lang naman eh." Sabi ko sa kanya

"Pero yun ang gusto ng parents natin Vin, lalo na si lolo" sagot niya naman

"Pwede ko namang sabihin na, engage na ako sa iba bago pa tayo nagkakilala." Saad ko

"Eh di namatay naman si lolo?" Sagot niya

" kilala ko naman kung sino yang gusto mo eh, alam na alam ko kung paano mo siya gustong makuha sa kapatid ko. Pinagpaplanuhan mo ng masama ang kapatid ko para maagaw mo si Geoffrey. Tama ba ako Gaiyle?" Tanong ko

Nagulat siya sa sinabi ko

"P-pero paano Vin?" Sabii niya

"Obvious naman eh, hindi pa rin nagbabago ang feelings mo para kay Geoffrey eh. Ginagamit mo pa si Kenneth para makuha mo ang gusto mo. Gaiyle hindi naman lahat ng gusto natin kailangan makuha natin. Dapat matuto rin tayong magparaya ng mga bagay bagay."

" pero mahal ko siya! You don't understand me." umiiyak na sagot niya sa akin

"Pero iniwan mo siya noon."

"I left him with a reason!!"

" what reason?"

"For my career in Macau"

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Pero hindi ka bumalik after 2 years." Sabi ko, napatingin siya sa akin

"Hinintay ka ni Geoffrey after 2 years, twice a week siyang pumupunta ng Airport para makita kung nakabalik ka na, kung hindi naman sa Airport.. Sa harap ng bahay niyo naghihintay siya. Hindi siya tumigil sa paghihintay sa iyo Gaiyle, pero... Dumating na yung panahon na tumigil na siya sa paghihintay sa iyo kaya, kung ano anong pagsubok ang pinasok niya. Lagi na lang siyang napapaaway, umuuwi siya sa bahay nila halos madaling araw na. Kaya napagpasiyahan ni Charm na kunin si Geoffrey sa America. After that umuwi siya ulit dito at ibang iba siya sa dating Geoffrey na nakasanayan namin. Naging malakas siya, mas lalong naging cold." Kwento ko

" so tell me now Gaiyle, ano pa ang rason kung bakit ka pa niya ulit babalikan at mamahalin? Matapos mo siyang paghintayin ng higit sa dalawang taon? Nangako ka sa kanya na babalik ka pero anong nangyari? Hindi mo tinupad ang pangako mo sa kanya." Patuloy ko.

Umiyak lang siya ng umiyak..... At muli siyang nagsalita.

" honestly, hindi ko naman talaga siya mahal noon, mahal ko siya bilang isang kapatid. Pero hindi ko aakalain na ganun niya pala talaga ako kamahal. Ang sakit sakit lang dahil hindi ko man lang siya binigyan ng chance na makasama siya, tapos ako naman ngayon nagsisisi dahil sa iba na siya masaya, gusto ko sa akin lang siya masaya at wala ng iba." Sagot niya

LOVE TRIANGLE ~Editing 2ND HALF~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon