CHAPTER 55

62 5 0
                                    

KENJI's POV

nasa hospital ako hanggang ngayon hindi pa nagigising ang kambal ko ano ba kasi ang nangyari sa lalaking to at bigla na lang binaril? malaman ko lang kung sino yung siraulong nagtatangkang patayin ang kapatid ko ay talagang magkikita kami sa empeyrno ng gag*ng yun. 

Kenji kumain ka muna. sabi ni Zoe ang babaeng pakakasalan ko ang ganda niya talaga mas lalo siyang naging maalaga sa akin. 

sige baby kayo na lang ni Ashlee ang kumain. sabi ko 

tinignan ko si Ashlee hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak, hawak niya lang ang kamay ni Hans habang pilit na pinipigilan ang luha. naawa ako sa kanya ako ang nasasaktan kapag nakikita kong ganito ang mga nagmamahal sa mga malalapit sa akin.

Ashlee? baka gusto mo munang kumain? si Kenji na lang ang magbabantay muna kay Hans. sabi ni Zoe pero hindi ito sumagot. 

nilapitan ko si Ashlee. 

Ashlee,sumama ka muna kay Zoe kumain muna kayo, nangangayayat ka na oh. sabi ko

bakit hindi pa siya gumising para makakain na ako? sabi niya at tuloy pa rin ang pag-agos ng luha niya.

Ash... please? sa tingin mo gugustuhin ni Hans na hindi ka kumakain? saad ni Zoe

tumingin siya kay Zoe at niyakap siya.

b-bakit kasi....bakit kasi hindi pa gumigising ang Calvin ko? sabi niya

gigising din siya, sister-in-law... kumain muna kayo ni Zoe ok? ako na lang ang bahala dito. sabi ko

tumango na lang siya at lumabas sila ni Zoe..

naawa talaga ako sa kanya, kasi hindi talaga siya kumakain tapos lagi niya na lang hawak ang kamay ni Hans tapos umiiyak. puyat na nga siya eh, hindi na siya mapisngi katulad nung dati. 

hays bro! kailan ka ba kasi gigising? madaming naghihintay sa iyo lalo na ang girlfriend mo, sabi mo pupunta ka pa sa kasal ko. sabi mo pakakasalan mo si Ashlee after 1 year. bakit hindi ka lumaban? sabi ko kay Hans

tinitignan ko lang siya, pinipigilan ko ring pumatak ang mga luha ko dahil sigurado ko aasarin niya ako pag nalaman niyang umiyak ako. 

...

napansin kong gumalaw ang kamay niya at unti-unting binubuksan ni Hans ang mga mata niya. tumawag ako agad ng doktor para i-check siya. 

sa wakas! gumising ka na rin!

----------------------------------------------------

ASHLEE's POV

simula nung nabaril si Calvin hindi na ako umalis sa tabi niya, ayokong umalis sa tabi niya. gusto ko paggising niya ako agad ang makikita niya. 

hindi ko mapigilang maiyak kapag nakikita ko siyang nakahiga lang dun tapos tulog lang. hindi ako sanay kapag hindi niya ako kinakausap o kahit man lang kinekwentuhan ng kung ano ano. 

namimiss ko na ang siraulo kong boyfriend, kahit siraulo yan mahal ko yan. kahit na madami siyang naging babae noon, tanggap ko siya. kahit minsan never ko siya pinaghinalaan ng masama. mahal ko si Calvin yun lang. 

....

Ashlee go eat your food. sabi ni Zoe. 

nandito kami sa bagong bukas na kainan, hindi naman malayo sa hospital ito eh, nilakad lang namin ni Zoe to. 

nawawalan talaga ako ng gana Zoe. sabi ko

gusto ko kasi kapag kakain ako kasama ko siya. namimiss ko na talaga ang Calvin ko. honey please gumising ka na!!! T____T sabi mo bubuo pa tayo ng pamilya. pumayag naman ako sa gusto mong magkaroon ng isang soccer team na anak, pero paano mangyayari yun kung natutulog lang siya doon. ish!! hindi talaga siya maalis sa isip ko. 

LOVE TRIANGLE ~Editing 2ND HALF~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon