*Hanggang Kailan*

19 12 2
                                    

Itong kwentong ito ay kagagawan ng napag tugma tugma kung ideya at karaniwang  nangyayari sa tunay na buhay .Inaasahan niyo din po na mayroon po akong mga bahagyang  pagkakamali  at ikinagagalak ko  po at binabasa niyo ito .Maraming salamat po !

-@miyokeh

*************

Hanggang kailan nga ba ?
Sa paglipas ng panahon na hindi kita na kita,sa mga oras na hinahanap kita asan ka ?Nawala ka na lang ng bigla ?Isinantabi kita naglaan ako ng espasyo sa mumunti kung puso na kailan man alam kung hindi mawawala ito .Hindi mo man nasabi pero importante ka at ramdam ko .Hindi mo sinabi para di ako masaktan ng buo alam kung  dimo sinasadyang makilala ako ,ako rin eh diko din sinasadyang mahalin ka .

PART 1

Unang pasok palang namin sa paaralang ito ay hitik na ng tingin ng isang lalaki saakin, hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha o naaalibadbaran siya sa suot ko, nakapantalon lang kasi ako at naka T-shirt ng white V-neck, unang araw sa school pero hindi lang naman ako ang nakaganun. Nasatapat siya ng isang silid kung saan nakahawak ng isang tablet at kung susumain mo ay naglalaro ngunit sa tuwing titignan ako siya ay nahuhuli kung nakatingin siya sa akin, kahit anong galaw ko ay mamarapatin niyang tignan at alamin ito. Sa kabilang banda marami ng studyante ang nakakuha ng kani-kanilang schedule at diko inaakalang mag-kakasabay kami ng lalaking sinasabi ko,mas nauna lang ako ng kaunti na makakuha ng schedule ko at narinig ko ang pagtawag ng pangalan niya upang sumunod sa akin. Sir Paul Sanjoe Kurt De Laza ito na po ang iyong schedule. Salamat sagot niya na lamang niya. Bakit tinatawag siyang Sir? Tanong ko sa aking sarili parihas lang naman kaming studyante at teacher ang kausap niya kanina,hindi mawawalang tanong sa utak ko. Mabait,tahimik,walang masyadong barkada at walang bisyo kung titignan mo siya, at syempre gwapo at astig ang dating hindi ko lang alam kung bakit ganyan siya,wala man lang kayabang-yabang, wala kang maririnig na kahit na anong salita mula sa kanya. Mag-aalas-otso na kaya kailangan ko nang pumasok sa una kung subject, pagpasok ko ay nakita kung marami nang istudyante sa loob ng room at andun narin ang aming instructor, akalain mo unang araw sa school unang pasok sa subject late ako..Natatawang pabulong ko sa aking sarili. Alam naman natin kung ano ang ginagawa pag unang pasok diba.? Syempre magpapakilala ang guro atkasunod noon ay ang mga estudyante. Nang matapos ng magpakilala ang aminginstructor ay sunod sunod na kami sandali pa ngay ako na ang mag papakilala. Akosi Zaira Jacquilen Heminez Orminia at ako ay nanggaling sa aming probinsiya na kung tawagin namin ayparaiso ang Agno Pangasinan. Natawa nalang ako ng bahagya probinsyana ako atIlocana kaya ang dating at kilos ko ay lalaki na pagkakamalan mung may sira sa ulodahil mapantrip ako at palatawa ngunit pala kaibigan at magaling makisama.Hindinaman ako kagandahan pero malakas angdating,morena,may maliit na ngipin,sakto ang tangkad,medyo mahaba ang buhok ngunit palaging naka pusod.Dahil sa marami kami ay natapos ang pagpapakilala sa isang oras kaya nangmatapos iyon ay nag uunahan na kaming lumabas.

Pagkalabas ko ng room .....

 Wala man lang akong kakilala sa paaralang ito kaya pumunta ako sa gym at nakita kung may naglalaro nangbasketball at sa di inaasahan ay natamaan ako ng bola.Syempre natumba ako at medyo nahilo, hindi agad ako nakatayo ng may lumapit saakin at inabot ang kamay niya at nanganga hulugang tutulungan niya ako ng tingilainko ang taong iyon na nagkusang tulungan ako ay nakita kong si Paul Sanjoe CurtDe Laza ang lalaking may matulungin na puso.(At hindi ko talaga nakalimutan angpangalan niya).Tumayo ako sa pagkakatumba habang hawak niya ang kamay ko,ngunit bigla kung tinabig ang kamay niya. Bigla kung naalala ang mga lalakingnaglalaro ng basketball at ang mga taong nagkasala kung bakit ako natumba. Sinugod ko ang mga naglalaro ng basketball na parang walang nangyari sakin,pero bago pa ako makalapitsa mga lalaking iyon ay agad akong hinawakan ni Curt ang braso ko upang pigilan ako.  Natahimik akong bigla at parang may ibang nararamdaman ang puso ko, parang nanginig ako na ano. Ano banaman tong nangyayari sa akin.?(tanong ko sa aking sarili pagkatapos)..Pabayaanmo nalang sila ang sabi ni Curt, ano bang pakialam mo at pinagsasabihan mo ako ng ganyan sagot kung   pagsungit sa kanya. Iniwan ko siya sapagkakatayo at padabog na umalis, hindi ko nakuhang lingunin si Curt dahil sana inis ako at may pagkahalong pagkahiya dahil sa ginawa ko.
 

HANGGANG KAILANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon