part 2

11 5 0
                                    

Habang nakaupo ako sa isang tabi at nagbabasa ng pocket book ay may lumapit sa akin na isang babae,maputi,malinis ang balat,may manipis na buhok na medyo kulot at may maliit na mukha. Bakit ka nag-iisa? Tanong niya sa akin. Syempre wala akong kasama kaya nag-iisa ako pabirong sabi ko. I mean is wala kabang kaibigan? Ikaw bakit kasi ayaw mo akong samahan,sagot ko ulit sa kanya. Inabot ko ang kamay ko sabay sabing Jacq.nga pala, ikaw?Claire..at nag shake hand kami. Bago ka siguro dito ? Oo,sagot ko kailangan ko kasing lumuwas dito upang magtrabaho para sa mama at papa ko at para narin sa isa kung kapatid,ngunit ng makarating ako dito ay naisipin kung mag working student para maipagpatuloy ang pag-aaral ko sa kolehiyo at napagkasunduan naman naming to nila mama at papa ng maayos. Mabuti na lamang at may pinsan akong taga dito.(pagkukwento ko).Ang sipag mo naman pala ang sabi Claire. Sandali pa,tara Jacq may ipapakilala ako sayo yung mga kaibigan ko sigurado magkaksundo kayo ng mga yun diretso niyang pagkasabi. At bigla niya akong hinila patakbo upang mag tungo sa pangatlong palapag ng paaralan na kung saan naming matatagpuan ang kanyang grupo.Pagod na ako sa pagtakbo dahil pataas ang hagdan pero nakarating na lang muna kami at pinagpatuloy kung basahin ang pocket book na binabasa ko kanina kahit hinihingal pa ako,hindi ko tinitignan ang dinadaan ko at bigla akong nabunggo sa isang studyante na muntik pa kaming maghalikan dahil sa pagka pokus ko sa pagbabasa pero dahil sa nahawakan niya ako hindi ako tuluyang natumbaat sa di nanamang inaasahang pagkakataon ay si Curt nanaman. Bago pa ako makaalis sa pagkakahawak niya sa akin ay nagbitaw pa siya nang salita "buti nalang nasalo kita" nakangiting sabi niya, Bigla akong bumitaw sa lalaking iyon dahil pinagtritripan na kami ng mga studyanting nakapalibot noon. Hindi na ako nakapagsalita at agad akong lumakad palayo sa kanya at hindi ko na naalala ang kasama kong si Claire na noon ay nasa likuran ko. Hoy! Pabuyaw niyang tawag sa akin dahil tulala na daw ako. Jacq! pag-uulit niya ! . Hindi ko narin namalayan na nakarating na kami sa kinaroroonan ng barakada niya. Guy'z si Jacq bago nating kasamahan pagpapakilala ni Claire kay Jacq. Si Kathy,Lely,Elaire at Sophy bago mong makakasama. Okay! Nice meeting you guy'z, masayang sagot ko nalang kay Claire. Oh tara na may pupuntahan tayo ang sabi ni Sophy; saan naman sabi ni Jacq.Basta sumunod ka nalang Jacq. sagot ni Elaine. Nagtungo ang 6 na babae sa computer shop at doon na nag stay, dina namalayan ni Jacq ang oras at dina siya nakapasok sa kanyang subject ng araw na yun. Hinahanap na siya ng kanyang pinsan na si Lester dahil magagabi ay awala pa siya. Nangako kasi ito sa mga magulang ni Jacq na aalagaan at babantayan siya. Saktong ilalabas ni Lester ang kanyang motor ng may pumaradang kotse sa tabi ng kanilang bahay, pag-bukas ng kotse ay lumabas si Jacq sabay sabing "kita nalang tayo bukas sa school," narinig at nakita iyon ni Lester. Kuya andito na ako ang sabi ni Jacq, san ka nanggaling Jacq? nag research ng project kuya kasama ng mga bago kung kakilala kaya medyo ginabi kami, pumasok kana sa loob at kumain para makapagpahinga kana ang sabi ni Lester. 

POV;Third person

Kinabukasan.....

Sabado iyon at walang pasok kaya naman pumasok siya sa kanyang trabaho sa may computer cafe, pagpasok niya sa shop na iyon ay wala pang mga customer kaya't naisipin niyang mag-online muna at ichat ang kanyang kapatid kung kamusta na ba sila sa probensiya. Sumagot naman ang kanyang kapatid na si Cha-cha, gumaan ang loob niya ng mga sandaling iyon kahit malapit ng tumulo ang mga luha sa kanyang mata dahil miss na miss na niya ang kanyang mga magulang at kapatid. Si Jacq yung taong mabait,masunurin,maalalahanin,mapagmahal at malambing lalo na sa mga taong malalapit sa kanya. Dati pag lumulubog na ang araw sa probensiya ay may pumupuntang mga binata sa kanilang tahanan ngunit hindi siya pinapalabas ng kanyang ama.Maganda rin kasi ang kanyang anak na panganay ,maganda ang pangangatawan pero di kaputihan. Bago pa tuluyang umiyak si Jacq ay may dumating na customer sa computer café kaya naputol ang kanyang pagdradrama lalo pat umupo pa ito sa tabi ni Jacq. "Huwag mong hayaan na taluhin ka ng lungkot na nararamdaman mo, mababawasan yan pag inilabas mo" tugon ng costumer na dumating, nang lingunin ko siya ay ang lalaking laging sumasalo pag nahuhulog ako,walang iba kundi si Curt. Bakit ka lagi ka nalang dumarating pag kailangan ko ng taong tutulong sakin? Tanong ko. Siguro nakalaan lang talaga ako para sayo,para bantayan ka,seryusong sagot ni Curt. Lagi kitang babantayan hanggat makakaya ko, pwedeng mo kung masandalan pag kailangan mo. Biglang tumulo ang luha ni Jacq sa harapan ni Curt at tuluyan itong sumandal sa balikan ng binata ang hirap pala talagang malayo sa pamilya sabi ni Jacq, ganyan talaga kapag nasanay kang kasama mo sila pero alam ko na makakaya mo ito sagot ni Curt. Nagtuloy-tuloy ang usapan ng dalaga at binata. Hanggang natanong ni Jacq ang tungkol sa pamliya ni Curt. Siguro ikaw lagi mo nakakasama ang mga magulang at kapatid mo? Oo, pero alam kong makakasama mo rin ang pamliya mo at magiging masaya kana pag nangyari iyon. Napagtanto ng dalaga na sobrang tagal na niyang nakasandal sa balikat ng binata kaya tumayo na ito bigla iniwan ang costumer niyang si Curt. Lumabas lang saglit si Jacq para bumili ng maiinom ngunit pagbalik niya ay wala na si Curt.


HANGGANG KAILANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon