part 4

8 5 0
                                    

Jacq's POV
NAgdaan ang ilang linggo bago mangyari iyon ....

Mula sa mensahe na iyon ay hindi na din pumapasok si Curt .Ilang buwan na lamang ay matatapos na ang school year.  Haharapin na namin ang bakasyon ngunit wala narin kaming kuminikasyon . Hindi ko na siya nakikita dito sa school kahit man lang anino niya. Kahit galit ako kay Curt ay na mimiss ko rin siya. Namimis ko na ang pangaral niya sa akin at palagi nag papaalala kung gaano kahalaga at kasaya ang mabuhay dito sa mundo. Kahit sa mga sandaling iyon ay umiyak ako  dahil nagkakatampuhan kami ng mga magulang ko at dahil na din sakanya . Sa mga  pinagsamahan naming iyon  hindi ko aakalain na siya rin ata ang sisira ng lahat ng pinagbago ko. Nang mga sandaling yon hindi ako masyadong makapag focus sa pag-aaral ko lagi siyang pumapasok sa isip ko at maaalala ang masasayang araw namin. Simula nong araw na sinigawan niya ako bigla na din siyang hindi nagpakita at parang nawala na lang na kahit isang salita wala akong narinig na paalam . Maraming araw ang aking hinintay para puntahan niya ako, ngunit wala, wala na. Wala na ang taong nagpapangiti,kasama at naghahatid saakin .Masaya ako sa naging  samahan namin at natapos ang school year na wala siya  .

WELCOME PROBINSYA ......

Bakasyon na umuwi na ako ng probinsya para makasama ang mga magulang at kapatid ko. Nagpaalam ako kay kuya Lester at hinatid ako sa terminal. Magtext ka sa akin pagkarating mo dun Jacq..ha? opo kua Les.. Sige mag-iingat ka pakamusta nalang kila tyang at tyong pati kila cha-cha at chi-chi. Opo kuya. Habang nasa biyahe ako ay malayo ang tingin ko naaalala ko ang lahat. Iiwan ko ang Maynila ngunit ang ala-ala dala-dala ko. Sana pagbalik ko, bumalik na rin siya .

"Parating na ako cha" text message

Ate pag katingin ko sa bahay namin ay napaluha ako. Nakita ko si Papa habang nagatatanim ng palay kaya agad niya akong sinundo sa may kalsada. Niyakap niya ako tumulo ulit ang luha ko . Welcome back ate!sigaw ng dalawang kapatid ko. Halina na kayo sabi ni Mama kain na kapag nakapag pahinga na ang ate niyo. Kumain kami,kwentuhan at biruan. Naalala ko ulit si Curt. Ang laki talaga ng epekto niya sa akin, bakit ganun susubukan kong kalimutan ang sabi ko sa sarili ko kahit kaibigan ko lang siya . Sinimulan kung libangin at ipasantabi na muna ang tungkol kay  Curt at  ituon sa aking pamilya ang lahat dahil sa minsan ko na nga lang silang makasama. Isa akong matapang at malakas. Si Jacquilen parin ako ! Ang pasigaw na sabi ko habang nasa gitna ng kalsada malapit sa taniman ni papa (napangiti nalang si papa) .Tumutulong din ako sa pagtatanim sa bukid namin dahil bata palang ako alam ko na ito at habang ginagawa ko ito naluluha na lamang ako hindi dahil san hirap kundi sa pagiisip ko na ako ang magpaparamdam sa mga magulang ko ng kasiyahan at  paghihirap nila para saakin .Araw araw na ganun ang sitwasyon sa bukid namin sa tuwing kainan na kasama ko sila nasasabi ko nalang sa sarili ko na maswerte parin ako dahil sa simple,buo kami at kumpleto .

Tapos na naman ang bakasyon,pasukan ulit .Iiwan ko muna saglit ang probinsya namin kasama sila papa at mama . Bumalik na ako ng Maynila sa bahay ni kuya Lester. Tutulong daw kasi siya upang pag aralin ako at mapalad ako dahil  hindi masyadong mahirapan sila papa. Wala naman kasi siyang mga magulang,sa kasawiang palad namatay sila sa isang trahedya .

Unang klase, unang pasok, bagong simula at gragraduate na ako .Grabe ang training ko ngayong year, pero ginagabayan din naman ako ni kuya Lester dahil isa din naman siyang pulis. Hirap at pasakit ang dinanas ko at pagsasakripisyo.

Pinangarap ko to kaya pagsisikapan ko.Gusto kong maipakita sa lahat na kaya ko lalo na sa mga magulang ko. Ang hirap ng buhay sa probensiya kaya kakayanin ko ang hirap lalo na ang mailayo sakanila. Nagawa ko at sa pagkakataong ito makukuha ko na din ang diploma ko .Masasabi kung napakabilis ng panahaon at nagpapasalamat ako sa tatay ko at ng buong pamilya ko kasama si kua Lester sila ang sentro at motibasyon ko sa lahat ng ito .Ito palamang ang simula ng lahat .Naging masaya ang lahat para sa akin,natapos ang araw ko ng masaya. Ilang araw na ng matapos yun ay handa na akong subukan kung pano talaga ang maging pulis. Dec.10,2016 unang araw ko.Hindi ako makuntento sa narrating ko kaya muli nag training ako ng ilang buwan at nagtuloy-tuloy ang tagumpay ko hanggang mailipat ako agad. Nasubukan ko na din ang mapasama sa pag tugis sa mga krimen at halos palagi iyon .

HANGGANG KAILANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon