Sa apartment ........Pumunta ulit si ate Haize sa apartment ko at kasama na si kua Lester ng pina upo ako kaagad upang kausapin kinakabahn ako sa mga oras na yun kasi parang may sasabihin silang hindi kaaya aya dahil sa itsura ng mukha nila at nagsimula na ngang magsalita si ate Haize . Jacq,si Curt inilipat sa Mental Hospital upang isagawa ang pagpapagaling sa kanya dahil sa pa ulit ulit na niyang sinasambit ang pangalan mo at pangalan ni daddy sabi saamin umiiyak daw siya habang sinasabi ang mga pangalan ninyo ,nagagawa na din niyang manakit at siguro dahil na din ito sa depresyon . Naluha ako ng bahagya ng narinig ko ni hindi ko mawari kung ano ba tong nararamdaman ko parang gusto kung sumigaw ng dahil sa sakit ng nararamdaman ko .Curt bakit hindi mo sinabi kaagad hindi sana umabot sa ganito na lamang ang nasambit ko .Habang nag iiyakan na kami ni ate Haize .Pinuntahan ko kaagad si Curt sa Mental kung saan isinasagwa ang pagpapagaling niya. Palagi ko siyang dinadalaw mga isang taon din bago tuluyang bumalik siya sa tamang pag iisip kaya naman sa pagkakataong ito magsisimula kami ng maayos .
Ito yong araw na ilalabas na siya at gusto ko ako mismo ang susundo sakanya ako ang unang nilapitan niya at sinambit ang mga katagang Zaira Jacquilen Heminez salamat sa iyo napaka swerte ko sayo mula sa simula hindi mo ako iniwan,Salamat din sa walang sawang pagbisita saakin araw araw. Patawad din sa lahat ng nagawa ko mula pa noong simula .Matapang ka at kailan man ikaw parin yung naghintay at patuloy na binantayan ako sa aking mga problema at pagpapagaling .Maraming salamat sayo Ms.Heminez pangako sa pagkakataong ito hindi na kita iiwan .Totoo nga na ang mga probinsyana ay tapat,marunong mag alaga at seryosong magmahal ng isa .
Ang paghihintay at pagtitiis sa mga tatahakin mong mga pangarap at sa mga magdadaang problema na haharapin masasabi mo na ang buhay ay huwag madaliin dahil lahat ng iyan ay kusang dadating basta't handa ka itong antayin at muli ako si Zaira Jacquilen Heminez isa ng pulis at kasalukuyang humaharap pa din sa mga problema na kasama si Mr.De Laza.
*WAKAS*
2269%22RF�?B��
![](https://img.wattpad.com/cover/102535955-288-k0ca5cf.jpg)