Ang dilim, ang lamig. Hindi ko maigalaw yung katawan ko.
Pinipilit kong dumilat, pero ang hapdi sa mata.
"Baek!"
Narinig ko yung boses ng mama ko, alam kong boses nya 'yon. Bakit nya 'ko tinatawag? May ginawa nanaman ba akong kalokohan?
Ilang beses ko pang narinig yung pangalan ko, mula sa boses ng iba't ibang tao. Ano bang problema nyo?
Sinubukan ko ulit idilat yung mga mata ko, hapdi at silaw ang nararamdaman nito.
Anong nangyayari?
Bakit hindi ako makagalaw? Bakit ang lamig lamig? Bakit hindi ako makahinga?
Isang anino ang humarang sa liwanag na naging dahilan ng hindi ko na pagkasilaw.
Hindi ko man magalaw ang katawan ko, pero alam kong hinawakan nya yung kamay ko.
"Baekhyun!"
"Baekhyun!" at naramdaman ko na lang na may nahalikan akong lasang paa. Nakaramdam din ng lamig yung sexy body ko. At medyo masakit sya. Ang random naman ng panaginip na 'to. "Hoy, Baek. Kapag hindi ka pa bumangon dyan, bubunutan kita ng buhok sa kili-kili. Lakas ng loob mo mag-sando ha." napadilat na 'ko don at agad na tinakpan yung magkabila kong kili-kili. Nakakahiya heh.
"Bastos, nakalimutan ko lang mag-shave." umupo ako mula sa pagkakahiga ko sa sahig. Parang nung natulog ako nasa higaan ako? Nahulog ako? Sahig yung sumalo sa'kin? At tsinelas ang first kiss ko? Hindi naman ata fair 'yon!
"Nanaginip ka ba? Mukha kang bangungot e." nagcross arms sya pagkasabi nya 'yon. "Tama naman yung sentence ko diba?" sinimangutan ko lang sya bago ako tumayo at nag-isip.
Napaginipan ko nanaman 'yon?
"Luhan," tawag ko sa kanya habang nakatulala pa rin ako. Wala kayong pake, maganda pa rin ako. "napaginipan ko nanaman 'yon." sabi ko at naglakad papunta sa CR. Isasara ko na sana yung pinto ng banyo pero bigla syang pumasok. Manyak talaga 'to.
"Ang alin? Yung silhouette? Omg." naloka ako sa reaksyon nya. "anong omg—"
"Bes, may pimples ako sa ilong! Eto oh, nakagitna pa. Eksena!" sigaw nya habang nakatingin sya sa salamin dito sa cr. Binuksan ko naman yung gripo at binasa sya. Walangya talaga. "I mean, omg kase omg, lamuna." umakbay sya sa'kin at naglakad kami palabas ng CR. Ang pangit nga pala ng setting namin, buti nakakapag-isip din 'to.
"Tantanan mo lang ako ha, ayokong umasa." umirap ako at binalibag yung braso nya. Masakit naman kase talaga umasa. Meseket. "Anong umasa? Diba ilang beses mo na rin namang naranasan 'yon?" at ibinalik nya yung braso nya sa pagkaka-akbay sa'kin. Hindi ba sya nakakaramdam na nababahuan ako sa kili-kili nya. Charot.
"Coincidence."
Naglakad ako palabas ng kwarto ko at naramdaman ko naman na may nilalang na sumunod sa'kin. "Nanalo ka ng set ng eyeliner. Nakakuha ka ng coupon ng free starbucks. Nadagdagan yung allowance mo. Dumami followers mo. Natuto ka mag-ski. Nabili mo yung limited edition na album. Nabigyan ka ng free ticket sa concert ng ekso. Nakapulot ka ng picture ko. Paano naging coincidence 'yon kung nangyari lahat ng kaswertehan na 'yon nung napaginipan mo 'yan? Bes, don't me. Iba na lang."
Papunta ako ng kusina at huminto ako saglit, "Minalas ako nung napulot ko yung picture mo. Nawalan ng internet connection habang pinapanuod ko si Bokjoo." at naglakad ako ulit.
"Leche! Pinag-aagawan 'yon! Nung nahulog ko nga yun sa daan nagka-traffic e. Pinagkaguluhan nila."
"Akala kasi nila may naaksidente. Mukha ka daw kasing patay."
Binuksan ko yung ref at kumuha ng dalawang itlog don. Kainis naman kase, sya 'tong unang nagising, di manlang naisipang magluto. Hinulog pa 'ko sa kama ko. Sarap ng buhay ko dito.
"Besty, seryoso. Ano naman kayang ka-swertehan makukuha mo ngayon?" at sumandal sya sa lababo habang binuksan ko yung kalan at nilagay yung kawali don. "Kung gaganda siguro ako lalo, maniniwala na 'ko sa pinagsasasabi mo." nilagyan ko ng mantika yung kawali at may naramdaman akong may nagttap sa balikat ko.
"Coincidence." inulit nya yung sinabi ko kanina at pati yung pagkakasabi ko. Ang pinagkaiba lang pangit sya, maganda ako. "Gusto mo iprito ko 'yang pimple mo?" hinawakan ko yung batok nya at isusubsob sana sya sa kawali pero sumigaw sya. Akala mo naman ginagahasa. Walang magtatangka.
"Tama na bes, pampaswerte ko 'to. Makikita ko poreber ko dahil dito. Nappredict ko na." tinignan nya yung sarili nyang palad at ngumiti na akala mo naman may sense yung sinabi nya. "Magpaganda ka muna, mas maganda pa ingrown ko sa'yo." sabi ko lang at nilagay na yung itlog dun sa kawali. Syempre binasag ko muna. Di naman ako kasing tanga ni Luhan na prinito yung itlog ng nasa shell pa.
Kumain na lang muna kami at nilait lait ko sya. Bakit ang pangit nya?
Bakasyon ngayon. Pero hindi bakasyon sa'kin. Mamaya lang 9 am, iiwan ko na mag-isa si Luhan dito. Mamamayapa na 'ko charot. May part-time job pa ako sa isang fast food chain. Kailangan ko ng pera para sa Senior High ko sa school year na 'to. At sana, makapasok ako sa dream school ko. Sa Crescendo High.
Naupo lang ako sa couch at sumandal. Napapaisip ako kung totoo ba yung sinasabi ni Luhan. Na may "swerte" na dadating sa'kin. Swerte? Nagkataon nga lang laha—
"Bes, sasagutin mo yung phone mo o dudurugin ko? It's your choice." sigaw ni Luhan mula sa kusina. Pinaghugas ko ng plato, ng may pakinabang naman sya sa mundo huehue. Dun lang ako natauhan na nagri-ring nga yung phone ko na inilapag ko sa coffee table. Agad akong umayos ng upo at tinignan yung caller ID. Telephone number 'to diba? Nuks naman.
Sinagot ko yung tawag
"Hello? Baekhyun speakin'. Sino 'to?" tanong ko agad.
What do you mean by luck?
"This is Park Chanyeol", said by the guy on the other line.
BINABASA MO ANG
Rivals in Disguise (Chanbaek)
FanfictionChanyeol VS. Baekhyun; until the word "versus" in between becomes "loves"