4

10 0 0
                                    

Sehun's POV

I smirked as I watch a girl running towards him.

"C-Chanyeol ah, here's your coffee." sabi nya at nanginginig na inilahad yung dalawang kamay nyang hawak ang isang velik size na coffee. Hindi manlang lumingon si Yeol at kinuha yung inaabot sa kanya. Natawa ako ng hindi pa umaalis yung babae at nakatingin lang kay Chanyeol na busy sa pagpupunas sa piano nya.

"If you're waiting for him to thank you, you better leave. Aabutin ka ng forever dito." natatawa kong sabi at hinanap yung sunod na kantang gusto kong mapakinggan dito sa playlist ko. "Yeah, hindi nya alam yung word na 'yon." Sigaw ni Kai habang nasa tapat sya ng salamin at di ko alam kung anong ginagawa nya.

Tumingin yung babae samin at halata sa mukha nya na nadismaya sya. Naiba yung aura nya. Umaasa ba sya na papansinin sya ni hyung? E kaming dalawa lang ni Jongin kinakausap nyan. Asa kapa, itropa mo muna.

Nagkatinginan na lang kami ni Jongin ng tumakbo palabas yung girl at ako lang ba o umiiyak ba talaga sya?

"Two down, Yeol. Lakas mo talaga." sabi ni Jongin pagkatapos nyang isara yung pinto, pano ba naman kase, nadala ata ng feelings si ate kaya nakalimutan nyang may pinto syang binuksan na kailangan nya ring isara. At sa sinabi ni Jongin, oo naalala ko. Naalala ko yung mukha ni Baekhyun kanina na hindi ko maintindihan kung anong reaksyon ba ang meron sya sa mga oras na 'yon.

Tinanggal ko yung earphones na nakasalpak sa tenga ko at tumingin ng maigi kay Chanyeol. "Hey, gaano na ba karaming tao ang napaiyak mo?" napatigil si Yeol sa pagpupunas ng piano at napatingin sa'kin. With his usual expression; emotionless. Tumingin sya sa taas na para bang nagbibilang, parang baliw. "But that Baekhyun guy, he didn't even cry. Nainis lang sya sa'yo, kaya ka pa nga nya atang sapakin e. Scary?" napasimangot si Chanyeol sa sinabi ni Kai pagkaupo nya sa tabi ko dito sa sofa. Yes, sya yung pinakaunang tao na hindi manlang napaiyak nitong si Yeol. Humihina na ata lolo nyo e?

"He's annoying as fuck." walang buhay na sabi nya tsaka sya tumayo at lumabas. Ay, nakalimutan kong sabihin. Andito kami sa practice room naming S.K.Y. Stands for Sehun, Kai and Yeol. Ang pinakasikat na banda dito sa Crescendo University. Wala bang palakpakan dyan?

"Baekhyun is interesting. Diba? Napagsalita nya si Yeol bigla? Mapapa-energy gap pa 'yan." sambit ni Kai sa tabi ko at isinandal yung ulo nya sa sofa. "And I enjoy watching them fight. They look like cats and dogs, diba? Hindi yung one-sided lang. Na puro si Yeol yung nanakit, tapos napapaiyak nya yung iba. Si Baekhyun talaga iba e, magsasampa pa ng case. Aba matinde." natatawa si Kai habang sinasabi nya 'yon pero napapaisip din ako.

Ayos lang kaya si Baekhyun?

"Sehun, nakikinig kaba? Ayoko ng pa-Chanyeol effect ka ha, sagot sagot ka din," hinampas nya 'ko sa braso bago ituloy yung sinasabi nya "baka lumaki din tenga mo. Imagine mo mahaba na baba mo, malaki pa tenga mo. Pogi mo ha." sinuntok ko sya bago ako lumabas. Bwiset.

Paglabas ko, syempre, may mga eatudyante sa labas. Siguro inaabangan kami. Not to brag pero may fans na siguro kami. Masaya, pero wala na kaming privacy.

Napatingin na lang ako sa isang maliit na lalaking naka-salamin ang tumatakbo papalapit sa akin. Tumigil sya sa harap ko at naghabol ng hininga. "Sehun, naka-set up na yung stage. Di pa ba kayo susunod?" maayos na pagkakasabi nya at tsaka ko lang naalala na may program nga pala. Ngayong araw nga pala yung opening ceremony, syempre first day ngayon e.

"Okay, pwede pakitawag na lang si Jongin sa loob?"

Napatitig sya sa'kin saglit at halata sa malaki nyang mata na nagulat sya. "Kyungsoo hyung, bakit?" alalang tanong ko at tinapik yung balikat nya. Bilang secretary ni Chanyeol, syempre kilala ko sya.

Ngumiti sya ng matipid bago mag-alangan kung papasok ba sya ng practice room namin o hindi. Bakit parang ilap sya kay Jongin?

Maglalakad na sana sya papasok pero biglang bumukas yung pinto at nagluwa ng isang maitim na nilalang. And I could actually feel the tension between them.

Anong meron?

"Bat bigla kang lumabas? Sabay na tayo, iisa lang naman yung pupuntahan natin e." hindi nya pinansin si Kyungsoo na nasa harap nya at inakbayan ako habang kinakaladkad ako palayo. Buset, tusukin ko ng baba ko 'to e.

Magpperform kami sa opening ceremony. Ganun naman palagi, every start of the school year, mayroong program. At hindi typical na opening ceremony ang meron sa Crescendo, maraming pakulo. At yung mga pakulo na 'yon, kami yung naiistress.

Napadaan kami sa Dean's office at nakita namin na nakabukas ng konti yung pinto. Binitawan ako ni Jongin at dahan dahang lumapit don. Oo, student council president yung tropa namin, pero di pa namin nata-try makapasok sa loob. Kung nakakatakot si Chanyeol, mas lalo naman yung dean. Mag-ama ata sila.

"Jongin, kapag ikaw talaga nahuli." nag-shh sya at idinikit yung tenga nya sa pinto kaya naglakad ako papalapit. Hinawakan ko yung doorknob at isasara na sana pero nagkatinginan lang kami ni Jongin sa narinig namin.

"Sorry but you can't choose nor change roommates, Park Chanyeol."

Rivals in Disguise (Chanbaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon