Welcome to Crescendo High School"Hindi naman ako nanaginip, diba?" tanong ko agad habang nakasilip sa labas ng taxi. May naramdaman naman akong mahapdi sa pisngi ko at lintek, sinampal ako ni Luhan. "Masakit?"
"Oo, malamang. Bruhilda ka talaga—"
"Edi hindi ka nananaginip, congrats." sabi nya at inabot yung bayad sa taxi driver bago sya maunang lumabas. Ang sarap nya sana ingudngod sa semento pero sya nagbayad ng pamasahe, kaya 'wag na lang. Pass na muna.
Lumabas na rin ako at kinuha yung maleta ko. Tumitig nanaman ako sa malaking banner na nasa taas ng main gate ng school. Takte, totoo nga. Hindi talaga ako nanaginip o nagha-hallucinate, nakapasok ako sa dream school ko. Bes paparty na me.
"Kailangan ko ng bagong housemate, ayoko mag-solo ng rent. Ayos na sa'kin si Lee Minho o si Lee Jongsuk, pwede na sila ng pagtiisan." at tumawa sya ng malandi. Sinamaan ko sya ng tingin kase mukha syang tigang na pusa sa ginagawa nya. Nakakahiya, ang daming tao e. "Ang daya kase, bakit ikaw lang pumasok? Nag-take din naman ako ng exam dyan ah? Anyare? Why the world is unfair—"
"Try to take an exam and answer the questions. Don't leave it blank." sinabi ko 'yon with Kris Aquino voice at may feelings pa. Leche sya. "Ah, ganun ba 'yon? Palibhasa matalino ka. Ang judgemental mo, friend. Friendship over na tayo." hindi ko pinansin yung pagda-drama nya at hinila ko yung maleta ko.
Tama, matalino ako. Hindi naman sa nag-aangat ako ng sariling upuan ko, pero anong gagawin ko? Ito na lang yun meron ako— well, ofcourse bukod sa kagandahan ko. Ito na lang yung meron ako para maabot ko yung pangarap ko. Dr. Byun Baekhyun in the making.
Kapag sinabi mo kasing sa Crescendo High School ka nag-graduate, bongga ka. Senior high graduate ka pa lang, pag-aagawan ka na ng companies at universities. Kulang ang word na "prestigious" para i-describe ito. Mahirap makapasok and ofcourse, ginto ang tuition.
Scholar ako. Dahil nga medyo brainy naman me, kinuha ko lahat ng scholarship na kaya kong kunin. Pero syempre, hindi pa rin yun sapat. Nagtatrabaho ako sa gabi. Hindi ako si Magdalena, kumalma kayo. Part-time jobs, lalo na nung bakasyon.
"Hoy, Baek. Pakihanap yung hottie na tumawag sa'yo nung bakasyon, ano ulit pangalan non?"
"Park Chanyeol? Sino 'to? San mo nakuha yung number ko?" sinamaan ko ng tingin si Luhan na nagmamadaling tumakbo sa tabi ko. Baka pinamigay ng kutong lupa na 'to yung number ko. Bwiset.
Inilapit ni Luhan yung tenga nya sa phone at naghintay ng sasabihin ng nasa kabilang linya.
"I am the Crescendo High School student president. And I got your phone number because you wrote it in your registration form. Are you dumb?"
Sinipa ko si Luhan at tumawa naman sya. Masamang alaala, makakalimutan rin kita. "Assuming ka kasi friend, nakakahiya ka. Kaibigan ba talaga kita?" at tumawa pa rin sya ng malakas don. To the point na tinakpan ko ng backpack ko yung buong mukha nya para lang matigil sya. Aba, malay ko ba na kaya lang pala sya tumawag para i-inform ako na nakapasa ako sa Crescendo High? "Sabihin mo sa'kin kapag nagtagpo kayo dyan ha. Papaalala ko sa kanya 'yon incase na nakalimutan nya."
"Wala akong pakialam kung magtagpo kami dito. Hindi gulo pinunta ko dito 'no, mag-aaral ako." inirapan ko sya bago ko hilahin ulit yung maleta ko at nagpaalam sa kanya. Papanindigan ko yung sinabi ko. Mag-aaral ako. Mag-aaral ako. Mag-aaral ako—
"Ayos ka lang?"
Kung matitisod ka sa sarili mong maleta, siguro hindi.
Lumingon ako kay Luhan na nakatingin sa'kin sa medyo malayo at kingina, humahalakhak sya. Mabulunan ka sana.
"Ayos ka lang?" nagtanong ulit sya sa'kin bago ilahad yung kamay nya. Tumingin muna ako sa kanya at napatingin sa id nya.
Oh Sehun
"Ayos lang ako." tumayo ako sa sarili ko at ngumiti naman sya. Ang cute nito pero tatandaan ko, mag-aaral ako—
"Sehun! May trabaho pa tayo!" may isang nilalang na lumalapit sa'min. Hindi sya maitim, tan sya. At bagay sa kanya yung kulay nya. "Nagta-trabaho ako, Jongin." sagot nung Sehun at tinuro ako. Ha? Hindi ako employer.
"Wala akong mabibigay sayo." umiling iling ako sa kanya at hinila nanaman yung maleta ko palayo. Jusko, pagkakakitaan lang pala ako?
"Wait, ano sinasabi mo? Iba ata iniisip mo e." tanong nung Jongin kaya napahinto ako at lumingon sa kanilang dalawa. Tumatawa sila. Tinatawanan nila ako. "Kami yung tutulong sa mga transferees na iinform sila sa mga bagay bagay. Yun yung trabaho namin. Not called Tour Guide but let's call it like that." nakangiti sya at inilahad yung palad nya.
"I'm Oh Sehun, I will help you. And you are?" napatitig naman ako sa kanya. Ganung trabaho ba? Hindi tulad nung nasa isip ko? Teka— UTANG NA LOOB NAKAKAHIYA.
Tumawa na lang ako. Sana isipin nila na nag-jo-joke lang ako kanina. Oo, nagjo-joke lang talaga ako. Nakipag-shake hands naman ako at sinabing, "I'm Byun Baekhyun."
"Great. Nice meeting you, Byun Baekhyun. Sya si Kim Jongin, tropa ko." tinuro nya si Jongin na nasa gilid nya. Inilahad ko naman yung kamay ko para makipag-shakehands sa kanya pero ibinaba yun ni Sehun. "..and he's flirty, stay away from him." natawa ako sa sinabi nya at lalong lalo na sa reaksyon ni Jongin.
"Hoy, leche kang Sehun ka! 'Wag gumawa ng kwento sa mga transferees! Hahasain ko 'yang baba mo e—"
"Jongin, magtrabaho ka." tinuro ni Sehun yung mga papasok ng gate kaya sinuntok sya ni Jongin sa braso. Ngumiti naman sya bago sya umalis. Nuks, mukha nga syang malandi.
"So, tara na?" tanong ni Sehun at kinuha nya yung maleta ko at sya yung humila.
"Your name is Byun Baekhyun kaya dun ka sa room— oh shit, you're unlucky." napahinto sya habang may binabasa sa tablet nya. Informations siguro. Pero ang cute talaga nitong ni Sehun. Tandaan mo Baek, mag-aaral ka—
"Your roommate is the mighty Park Chanyeol."
BINABASA MO ANG
Rivals in Disguise (Chanbaek)
FanficChanyeol VS. Baekhyun; until the word "versus" in between becomes "loves"