5

18 0 0
                                        


Baekhyun's POV

Inilabas ko yung notebook ko at nagdrawing na lang ng calligraphy habang hinihintay ko yung teacher dito sa subject na 'to. Masyado siguro kase akong maaga kaya ganto, diba, hanga kayo sa'ken.

"Ang pangit." Nakasimangot akong humarap sa taong nagsabi non. Nakatayo sya sa gilid ko at naka-pokerface. Napansin ko rin na mas malaki pa yung mata nya sa salamin nya. Charot. "Bat nagddrawing ka ng uod dyan?"

"Leche, calligraphy 'to. Ayan oh, Baekhyun basa dyan!" Sigaw ko at iniangat yung notebook ko palapit sa mukha nya. Yung tipong napa atras na lang sya sa sobrang lapit. Ngumisi sya at tinignan ko naman yung gawa ko. Medyo hindi ko rin sya maintindihan, pero pake ko sa kanya.

"I'm Do Kyungsoo."

"You do what?"

"Do ang surname ko. Bastos ka."

Sabi nya habang inaayos nya yung gamit nya at umupo sa tabi ko. Napaisip naman ako. Onga, why so tanga, Baekhyun?

"Secretary ako ng Student Council. Just to give you some information." Nagpintig yung tenga ko sa narinig ko. Student Council? "Tapos president nyo yung duwendeng malaki na 'yon?!" Di ko na napigilan yung lakas ng boses ko dahil sa inis ko. Pero hah, nakaganti naman na 'ko—

"Chanyeol, saglit lang!" Narinig namin sa labas yung sigaw na 'yon kaya napatingin kaming lahat sa pinto. Nakasimangot na pumasok si Chanyeol at nakasunod sa kanya si Jongin at Sehun— ay hello Sehun. Inilibot ni Chanyeol yung paningin nya sa paligid at napatigil sya ng napatingin sya sa'kin. Eh? I expect that coming.

Naglakad sya papalapit sa'kin. Ramdam na ramdam ko yung tingin nya. Kung nakakapatay lang siguro yung tingin na ganyan, nasa heaven na 'ko ngayon at kinakantahan kayong lahat.

Nang makalapit na sya sa'kin padabog nyang isinandal yung dalawang kamay nya sa table ko kaya napaatras ako sa upuan ko. As in yung parang gusto ko na lang tanggalin yung sandalan para makaatras ako lalo. Nakakatakot sya e. Pero bakit nga ba ako natatakot? Deserve nya 'yon.

Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. Ramdam ko na nakatingin sa'min lahat. Si Kyungsoo, Jongin at Sehun nag-aabang lang kung anong mangyayare. Pati yung ibang kaklase namin. Kung siguro may teacher din dito, makikinuod muna 'yon.

"Ikaw ba yung nagtapon ng coffee sa damit ko?!" Everyone gasped when Chanyeol screamed. Na para bang ngayon lang nila narinig yung boses ni Chanyeol. Pero baka nga? Heh wala akong pake.

Itinaas ko yung kilay ko at tumango. Nothing to hide, bakit ko pa ipagkakaila kung ako lang naman roommate nya diba? At kung curious ka kung anong nangyare kagabi, wala. Natulog ako ng maaga at gumising din ng maaga, tsaka ko binuhusan ng kape yung plain marroon tshirt nya na nakasampay. Well, payback lang.

"How dare you to do that?!" Sigaw nya sa mukha ko. Wow, bakit galit na galit sya?

"Yah. 'Wag mo 'ko sigawan ha! At wow, may gana kang magalit sakin? Ginawa mo rin naman sakin 'yan diba? Well, ginawa mo sya ng wala naman akong ginagawa sayo, wala akong ginagawang masama sayo. Ipinahiya mo ako sa maraming tao dahil dyan sa trip mo. Ngayon magagalit ka ng may gumaya rin sayo non? No, not exactly sayo. Sa isang tshirt mo lang? Ipagkumpara mo nga yung ginawa mo sa ginawa ko—"

"That's not just a shirt!" Natigilan ako sa sigaw nya at napatingin na lang sa mata nya. Ramdam na ramdam ko yung galit nya. Hindi ko sya maintindihan, ikinagagalit nya ng ganyan yung tshirt nya? Ha?

"KARMA MO NA LANG YA—"

"Everyone please settle down." Napalingon kaming lahat ng may nagsalita sa harap. Siguro masyadong nakatuon yung atensyon nila sa'min kaya hindi na napansin ng mga estudyante dito na may pumasok. Agad agad namang nagsiupuan yung mga estudyante. Tumingin ulit ako kay Chanyeol ng umayos sya ng tayo at huminga ng malalim bago umupo sa isang upuan na katabi ng kila Sehun at Jongin.

Tahimik lahat at nakatuon lang ang atensyon sa isang matandang lalake sa harap. Naka-formal attire sya at mukha talaga syang edukado. Nasa likod nya ang isang babae na siguro nasa 20s pa lang. Teka, bakit ko ba dinedescribe sa inyo? Naiinis pa rin ako kay Chanyeol, yun na 'yon.

"Good morning everyone, for those who don't know me yet," malumanay nyang pagkakasabi at nakikinig lang talaga ako sa kanya. "I'm Mr. Ferrer, School Dean." Bumagsak yung panga ko sa narinig ko. You mean, nakita ng dean yung pag-aaway namin kanina? Yung pagsigaw ko kay Chanyeol? Hindi naman ako nagmura diba? Huhu im kabado.

"And she's Madam Layla, she will be your adviser for the 2 semesters." Itinuro nya yung babaeng nasa likod nya. Ngumiti sya at nagbulungan yung ibang mga tao dito sa loob. Oo, maganda sya, sexy, tapos mukha talaga syang bata. Kung hindi lang dahil siguro sa suot nya ngayon baka mapagkamalan ko pa syang estudyante e.

"May gusto lang akong i-discuss sa inyo. Na ikatutuwa ng iba sa inyo." Hinawakan nya ang pentel pen at tumalikod para magsulat sa white board. Lahat naman tumingin don. Nanlaki yung mata ko ng mabasa ko 'yon.

Best Student

Humarap ulit sya kaya umayos na 'ko ng upo. Discuss mo na, dali!

"Do you know the perks of being that 'Best Student'?" Nagbulungan nanaman yung iba. Naku-curious ako kaya humarap ako sa katabi ko. "Sasabihin din nya 'yan, 'wag kang atat." Mataray na pagkakasabi ni Kyungsoo kaya humarap na lang ako ulit sa Dean.

"If you're the best student after the 2 semesters, local and international universities will line up for you. Hindi na ikaw yung maghahanap ng papasukan mong university sa college or even sa next school year mo. And they will even grant you 100% scholarship. Which means, libre lahat. Wala kang ilalabas mula sa bulsa mo. Great, isn't it?"

Napanganga ako don. So, ibig sabihin, kapag ako yung naging best student, magiging doctor ako ng di ko iniisip kung san ako kukuha ng tuition ko? Ganun ba? Omaygad.

I need to be the Best.

"So ang mahigpit na naglalaban para sa title na 'yon," tumingin sya sa folder na kanina pa pala nya hawak at muling tumingin samin.

"Ay ang transferee na si Byun Baekhyun."

Napatingin silang lahat sa'kin. Omaygad, weh? Talaga ba? Di naman nya siguro ako pinagttripan diba? "He had an excellent performance last school year based on his data. Matataas ang grades nya at sya din ang nag-top sa entrance exam dito." Nagpalakpakan ang lahat ng sinabi nya 'yon, well except kay Chanyeol. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko, sobrang saya ko. Sobra—

"And the another one is ofcourse, our Student Council President, Park Chanyeol."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rivals in Disguise (Chanbaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon