Chapter 3:

29 0 0
                                    

                      KEIVAN P.O.V

Nandito ako sa bahay ni Jay. Dito lagi tambayan ko mula pa man noon at hanggang ngayon.

Kaka-update ko lang sa kumpare kong watty. Kung saan naibubuhos lahat ng mga oras na dumadaan na wala akong magawa.

Tanging si watty lang kasi ang nakakaintindi sa akin, maliban kay Jay na best buddy ko mula pa elementary days.

Bakla man kong tawagin ang isang lalaki na nagsusulat sa watty pero labas na ako don. Problema na nila kung anong  tingin nila sa akin.

Mahal ko si watty, siya ang kaibigan ko na alam kong hindi ako iiwan.

Sobrang sarap sa feeling habang binabasa ko ang bawat comment ng mga readers ko. Ang saya lang, kahit papano naiibsan nila tong sakit.

Sakit na hindi ko alam kung kelan maglalaho.

"Kuya kib, notice me please!."

"Kib, bat ang gwapo gwapo mo?."

"Kib, panagotan mo tong batang nasa sinapupunan ko!."

"Kuya kib, mahal na kita. Mamanhikan na ako jan, hintayin mo ako."


"Kib baby, my darling notice me!."

Natatawa ako habang binabasa ang bawat comment nila.

Thank you, guys. I really appreciate your effort and your support.

Ini-off ko na ang phone ko at kinuha na ang sandal ng gagang yon. Ihagis ba naman sa sasakyang tumatakbo.



Gaga, talaga!

"Hoy, uwi ka na?." Tanong ni Jay na busy din kaka-text sa jowa niya.

Kelan din kaya ako magiging masaya?

"Uwi na ako, bro. Lagot ako sa gagang yon, hindi ko pa naman nalinisan kwarto namin." Sobrang nakakatawa na iisang kwarto lang ang tinutuluyan namin ni Caeous Venice.

Mas nakakatawa ang pagpayag namin sa gusto ng grandparents namin. Ang hindi nila alam, kontrata lang ang meron kami. Oras na mapasakamay na namin ang mana magwawakas na rin ang pinirmahan naming kontrata.


Siguro, sapat narin ang mana ko.


Siguro, sapat narin ang perang makukuha ko para sa kaniya.

"Hatid na kita, Bro."

"Hindi na Jay, tuloy mo na yan. Magtataxi na lang ako." Mabait ako ngayon, eh.

"Salamat bro." Bakit siya nagpapasalamat? May sakit ba to?

"Akala ko kasi magpapahatid ka pa, salamat talaga." Natatawa niyang saad nasapak ko tuloy. Gago din, eh!

"Geh, alis na ako." Tuluyan na akong lumabas sa bahay nila at pumara ng taxi pauwi.



***********
Sobrang short update😊. Hope you enjoy! Shukran☺.

Always be,

Muslimqueen09

My Idol Is My Husband [KIB FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon