Chapter 5: The Pain!

21 1 0
                                    

                
                     Kievan P.O.V

Maaga pa akong bumangon kanina para gawin ang morning routine ko, everyday akong nagja-jog.

Nilagay ko sa magkabilang tenga ko ang headset at pli-nay ang kanta ng iniidolo ko.

Song playingThis Is What It Takes by Shawn Mendes

Kung tinatanong niyo naman ang kasama ko sa bahay, ayon himbing na himbing ang gaga.

Minsan talagang natatawa na lang ako pag-inaalala ko ang mga away namin araw-araw. Mga batuhan namin ng kung ano-ano.

Para kasing takas sa mental yon, kung makatili yon dahil lang sa kay bik niyang yon. Eh, kung e search ko naman sa fb wala namang lumalabas na bik. Isa pa gwapo daw pero ang baduy ng pangalan.

Nakaka-miss din pala yong dating kami ni Venice. Venice talaga ang tawag ko sa kaniya tapos tawag niya sa akin dati Inigo. Bale ang tawagan namin ay ang second name naming dalawa.

Yong totoo kasi, hindi naman kami ganito na walang araw at oras na hindi nag-aaway, hindi kami ganon dati ni Venice.

Kababata ko ang gaga nayon, nakakatawa ngayon na gaga at gago na ang tawagan namin sa isa't isa at dahil sa mana na inaasam namin kailangan naming magpanggap na mag-asawa.

Nagbago lang naman kasi lahat ng dumating si Weather sa buhay ko. Noon yon, noon. Iba na ngayon, ibang iba.

Kung sana kasi nakinig ako kay Venice, kung sana pinakinggan ko siya sana di ako masasaktan. Sana dapat hanggang ngayon mga unan ang ibanabato namin sa isa't isa habang tumatawa hindi mga baso, plato at frying pan habang nagsisigawan at nagtatalo sa mga walang kwentang bagay.

Sadyang nagmahal lang talaga ako, nagmahal ako sa taong hindi ako ang minahal kundi dahil lang sa apo ako ng mga Billford.

"Keivan Inigo Billford!!." Napatigil ako sa pagtakbo at hinarap ang taong galit na galit na tumatawag sa buo kong pangalan.

Nang tuluyan itong nakalapit sa akin isang batok ang natanggap ko na siyang nag-paikot sa paningin ko.

"Sinabihan na kita, pag-magja-jogging ka isama mo ako! Ano ganon na lang yon, selfish lang ang peg mo?." Naipikit ko na lang ang mata ko. Argh, ki aga-aga bulyaw ng bulyaw ang bunganga ng babaeng ito.

"Bakit kita gigisingin? Alarm clock mo ako, alarm clock?." Sarkastiko kung tanong sa kaniya saka nagtuloy sa pagja-jogging.

Napa-smirk lang ako ng makita sa gilid ng mata ko na sinasabayan na rin niya ako sa pagtakbo habang nakasimangot, ang taas ng nguso eh. Kung alam ko lang na gaganti na naman siya sa akin.

Tsk, kailan ba kami hindi tumigil sa pag-gagantihang dalawa. Ganon na ata ang routine namin sa bahay.

"Kei?." Napatigil ako sa pagtakbo ng marinig ko ang tawag na yon.

Kei?

Naunang lumingon si Venice sa taong tumawag at muling tumingin sa akin.

"Bakit ka huminto, ikaw ba si Kei?." Sarkastika niyang saad sabay irap sa akin pero hindi ko yon nabigyan ng pansin at liningon ang taong yon.

Siya nga.

Ngayon alam niyo na kung bakit sa lahat ng daan, bakit dito ako laging dumadaan habang nagja-jog.

🎶 And if this is what it takes
Then let me be the one to bear the pain
Oh, if this is what it takes
I'll break down these walls
That are in our way
If this is what it takes🎶

Kasi dito kami lagi ni Weather.  Dito kami lagi at sa 2 taong lumipas ngayon ko lang siya uli nakita.

"Keivan Inigo, si Weather to?." Nakangiti pa itong lumapit sa amin ni Venice.

Ang ngiting yon, dahil sa mga ngiti na yon na minsan kong nagawang lumayas at niyaya siyang mag-tanan dahil sa hindi siya tanggap ng lolo't Lola.

Hindi ko alam na ako lang pala ang nagmahal sa aming dalawa.

Wala akong nagawa ng yakapin niya ako at kahit amoy niya hindi nagbabago. Pati pala sakit ng nakaraan hindi parin naglalaho.

"Caeous." Pati si Venice parang tulala din. Niyakap niya si Caeous na para bang naging close niya ito dati.

"Mind if I invite you in coffee?." Tanong niya sa amin ni Venice na siyang pagtinginan namin sa isa't isa.

"Aahm, I'm sorry kayo na lang ni Keivan malapit na kasing mag 7 may lakad ako. Bye------."

"May lakad kami, me and my wife." Matagal bago naalis ni Weather ang paningin niya sa kamay ko na nakahawak sa kamay ni Venice.

Hindi ko alam ang reaksyon niya. Gulat ba siya dahil hindi makapaninawala na kasal na ako o gulat dahil masaya siya para sa akin.

O di kaya nagseselos siya. Nagseselos siya sa amin ni Venice at sasabihin niya sa aking pinagsisisihan niya ang paglaho na parang bula at sasabihin niyang minahal niya ako dahil ako si Keivan Inigo at hindi dahil sa isa ako sa taga pagmana ng nga Billford.

"Hoy, Keivan! Tara na, ang init init na oh." Reklamo ni Venice saka pa uling bumalik ang ulirat ko.

Teka, imagination lang ba yon? Na saan si Weather?

"Sabi mo may lakad tayo, eh nauna pang lumakad si Weather sa atin." So talagang totoo? Nandito na si Weather? Nandito na uli siya?

"Bat mo siya hinayaang umalis? Saan siya nagpunta Caeous?." Bat di man lang siya nagpaalam? Iiwan na naman ba niya ako muli? Maglalaho na naman ba siya?

"Ang labo mo Keivan, nakaka-stress ka na ha. Tsk." Nauna na itong lumakad sa akin at kahit anong lingon ko di ko na matanaw si Weather.

Bakit ganon parin ang sakit? Bakit hindi parin siya naghihilom?

Natanaw ko si Venice na may kalayuan na habang may pinunasan sa mukha. Nakikita ko rin mula sa likuran niya ang pagbuntong hininga.

*********

Always be,

Muslimqueen09

My Idol Is My Husband [KIB FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon