Chapter 4: Die, Keivan Inigo!

36 0 0
                                    


                      Caeous P.O.V

Kahit minalas ako kaninang umaga dahil sa gagong na kasama ko dito sa bahay, swerteng swerte naman ako ngayon araw na to.

Bes, isipin niyo dalawang beses nag update si Kib ngayon araw nato. Heaven talaga.

"Whaaaaaaaaaaaaaaaaa!!." Malakas kong tili ng e-like ni Kib ang comment ko sa kanyang post sa fb.

O my God😱.

"Whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!."

"Tatawag na ba ako ng doktor?" Halatang naiinis ang gago habang sumisilip sa akin.

Sa loob ng kwarto namin may isang mini sala at duon nakalagay ang dalawang PC. Isa sa akin at isa sa kaniya. Magkatalikod ang bawat PC namin at napagkasunduan naming bawal makialam sa bawat PC.

"Kievan Inigo, whaaaaaaaaaa." Sigaw ko habang binaggit ang pangalan niya. Hindi ko kaya to.

"Wag mong isali pangalan ko." Inihagis niya sa akin ang yakap niyang unan pero binalewala ko yon at niyakap din.

For the first time, na notice narin ako ni Kib. Sayang dahil hindi true name ko ang ginagamit ko at ibang mukha ang DP ko. Pero bahala na basta ako parin yon.

Paniguradong mamatay sa inggit ang bespren ko. Whaaaaaaaaaa!!!! Tenkyo lord, thank you talaga.

"Bat ka ba sigaw ng sigaw, anong problema mo?." Halatang umuusok na sa inis ang gago.

"Si Ki-------. Si Bik kasi, fb friends ko ang gwapo." Saad ko. Bik is Kib, binaliktad ko lang. Baka magkagusto din siya kay Kib oras na malaman niya.

Hallelujah, nangyayari na talaga ang mga pangarap ko.

Shi-not- down ko ang PC saka lumabas para mag-dinner. Hai, nakakagana siya lalo, nakakatawa talaga. Inggit na inggit ang karamihan sa akin. Malamang, sa 6,789 na nag comment sa simpleng 'hi' ni Kib sa comment ko lang siya nag-like. Whaaaaaa!!!!!

Heaven. Nakaapak din ako sa heaven. Ang sarap lang sa feeling, sobra para akong nasa cloud 9.

Nakangiti kong binuksan ang rice cooker at biglang nawala ang ngiti ko ng wala ng kanin. The F!

Pumunta ako sa ref kung may ulam bang itinira si Keivan pero wala.

Tangna!

"Keivan Inigo Billford!." Sigaw ko sa nakakadiri niyang pangalan.

Nangiinis ba ang lukong yon? Hindi na nga niya ako tinirhan ng binili niyang meryenda kanina pero okay lang dahil nagbabasa ako non sa update ni Kib mylabs tapos hindib na naman niya ako tinirhan ng dinner.

"Problema mo, Caeous Venice----------------." Hindi niya naituloy isigaw an apilyedo ko ng dumeritso sa noo niya ang frying pan.

"Bwesit ka, gago! Na saan na ang ulam ko? Ang kapal mo rin ano, ako ang nagluto non! Asan na ang ulam ko! Bat wala ng kanin?!." Naiiyak na ata itong nakahawak sa noo niya.

My Idol Is My Husband [KIB FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon