"panaginip"

1 0 0
                                    

Simula ng makilala kita
Muli mong binuhay ang
Pusong minsan ng niyurakan
At dirunog ng iba.

Nagsimulang muling makaramdam,
Nagsimulang muling huming,
Nagsimulang muling pumintig ng ubod ng bilis,
Nagsimulang kalampagin ang dibdib.

Muling nahulog sa kailaliman ng pagibig
Muling isinugal ang kahuli hulihang baraha ng kalayaan.
Muling naniwala sa panghabangbuhay

Handa na sanang talikudan ang mundong nakasayan.
Handa na sanang isuko ang mga bagay na matagal ng ipinaglaban.
Handa na sanang buwagin ang mga pader ng nakaraan.
Handa na sanang umibig at muling magkipagbuno sa laro ng pagibig.

Handa na sana...

Ngunit isinampal sa akin ng reyalidad ang masaklap na katotohan, ng ako'y magising sa kailalaliman ng magdamag at kusang kumurba ang aking mga labi, sabay sambit sa sariling panaginip lang ang lahat.


By: bogzkiey

the spires and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon