Awitan mo ako ngayong gabe
Upang ang kalungkutang aking nadaramay
Mapawi ng himig mong kay tamis
At ang sugat na inukit ng mapait na nakaraan
Ay maghilom sa sakit ng kahapdian
Awitan mo ako ngayong gabe
Upang ang mga pangamba ko'y maibsan
At mga maskara ng pagdududang paulit ulit
Ay mabura ng katotohanang nagpapalaya.
Ang tinig ng iyong malambing na pagkanta
At ang kislap ng mapupungay mong mga mata
Nagbibigay ng liwanag sa gabe ng karimlan
Tulad ng bahagharing nagkukubli sa mga ulap
Na kumukulay sa kalangitan matapos ang ulan.
Sa bawat taludtod na iying binabanggit
Damdamin ko'y lubos na nagagalak
Awitan mo ako ngayong gabi
At ako'y iyong iduyan sa agos ng kamalayan.
Manry G
BINABASA MO ANG
the spires and me
Poezjame myself and I This story is of myself how to live in this world,,my comedy ,drama romance, gusto ko lang ibahagi ang mga nakakatuwa at malulungkot na karanasan ng buhay ng isang ate bogz,,, Sa pamamagitan ng mga tula na hinubog ng nakaraan,,,