Hanggang kailan ako maghihintay

2 0 0
                                    

"Hanggang kailan ako maghihintay"

Nuong iniwan mo ako gumuho ang mundong meron ako, dinurog ang pusong walang ibang alam gawin kundi ang mahalin ka.

Makalipas ang ilang taon, nagbalik kang may kasama ng iba. Baon ang pagsisising sana ay ako nalang pala.

Nagsimula kang ikumpara ang ako sa kanya, nakilala mo sya at napagtantong nagkamali ka. Subalit sa kabila ng lahat ay nagpatuloy kang makasama sya sa kabila ng lahat ng yun ay ninais mong makabalik sa piling ko.

Ginawa mo ang lahat ng kaya mo makuha mo lang ulit ang tiwala ko. Dumating ka sa puntong pati ang iwan sya ay ipinangako mo. Ako namang si tanga ay naniwala sayo,

Muling naniwala na ako at ikaw ay posibleng maging tayong muli.

Muling umasa sa matatamis mong pangako. Sa awa ng diyos ay naging masaya tayo kahit alam nating meron ka pang iba. Muli kong tiniis ang sakit na malayo ka  habang kapiling sya.

Ang tanging pinanghahawakan lang ay ang pangako mong ako naman ang pipiliin mo sa pagkakataong ito.

Muling lumipas ang ilang taon.ang isa ay naging dalawa, pikit mata kong tinanggap ang paulit ulit na sampal sa akin ng katotohanan na ako at ikaw ay wala ng pag asa.

Muli ay nagpatuloy ka at ako sa pagmamahalang alam kong mundo ang kalaban ko. Tama sila at ako ang mali. Makailang beses kong sinubukang makawala sa tanikalang ikaw ang may gawa.

Pero ayaw mo. Gusto mong andito lang ako,naghihintay na bumaliktad ang mundo, na ang mali ay maging tama at tama ay maging mali.

Makalipas ang isang taon ang dalawa ay naging tatlo, nakaramdam ako ng takot, takot na sa pagkakataong ito maulit ang dati. Ang dati na pinili mo sya at piniling iwan ako.

Sinimulan kong kausapin ka para muling makawala sa tanikalang ikaw ang may gawa. Pero ang sabe mo magtiwala ka dahil ikaw naman ang pipiliin ko. Mahintay ka lang at magkakasama din tayo.

Hanggang kailan ako maghihintay na ako naman ang piliin mo, hanggang kailan ako maghihintay sayo.

Ilang taon na ba ang nakalipas, pero ang ako at ikaw at hindi na nagbago. Hanggang kailan ako maghihintay na makasama kang muli..

Darating pa ba ang pagkakataong ikaw at ako ay maging isang muli. Darating pa ba ang panahon na  makakapiling kita at sasabihin sa sarili kong sa tagal ng paghihintay ko "nakasama din kita"

the spires and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon