Unang pagibig

2 0 0
                                    

Sabe nila ang masaya daw ang unang pagibig, masarap sa pakiramdam, napapangiti ka kahit na wala namang nakakatwa, 

yung tipong naisip mo lang bigla si CRUSH eh mapapangiti kana,

yung batiin ka lang ni LIKE buo na ang araw,

Yung itext ka ni SUPER LIKE kahit na HI lang naman ang laman ng messages nya eh akala mo sayo na ang  mundo.

ano nga ba ang pag-ibig?

eto  ba yung nagsisismula sa CRUSH na nauuwi sa LIKE na nagtatapos  sa LOVE 

at ang ending eh yung maiiwan ka sa ere, kasi ikaw lang naman talaga ang nagmahal?

oh eto  yung " love is like is a rosary full of mystery"

or eto ba yung tinatawag nilang "love is undefined"

" love is the force of attraction between two hearts "

or "love  is ab bug of everything"

para sa isang hopeless romantic na katulad ko ang LOVE ay kusang nararamdaman ng isang tao sa hindi mo inaasahang pagkakataon sa hindi mo inaasahang tao.

lahat tayo nagmamahal iba iba ang simula at iba iba din ang pagtatapos. pero alam nyo ba na ang unang pagibig ang pinaka masaya, malungkot at punong puno ng thrill sa lahat ng uri ng pagibig.

sabe nga nila" first love never dies"

eto yung pagibig na unang mong naramdaman nung nasa high school ka, or sa college ka na,  ang pagibig na punong puno ng kainosentihan, unang pagibig na hinding hindi mo makakalimutan, unang pagibig na kung saan marami kang matutunan, pagibig na nagdududlot ng matinding kilig saya, lungkot at sakit.

Sa una puro kilig ang nararamdaman, napapangiti ka hanggang sa hindi mo na namamalayan na hindi na buo ang araw mo kapag hindi mo nasilayan ang mga ngiti nya na nagdudulot sayo ng matiding kaba, 

Hanggang  isa hindi mo inaasahan ng makasalubong ka nya ay binati ka rin nya, sa sobrang kilig mo hindi mgo na alam na nakatulala ka nalang sa harap nya at lumilipat ang diwa mo a sobrang sayang nararamdaman mo,

lumipas pa ang mga araw at naging magibigan kayo, nalaman nyo ang bawat gusto ng isat isat, mga mga bagay na hindi gusto ng bawat isa, at kikiligin ka kasi meron kayong common things na gusto at hindi gusto,

hanggang sa nakilala nyo ang isat-isa, nalaman ang kahinaan ng lakas , hanggang sa hindi inaasahan na bigla nalng napaglaruan ni kupido na ang dating CRUSH lang nauuwi na sa LIKE at hanggang sa hindi na naman namalayan mahal mo na pala.

Minahal angpami bawat isa, maraming mga bagay ang napagkakasunduan,nakilala ang kaibigan at pamilya, na attached sa isat isa,

gumigising sa umaga na ang unang hahagilapin eh ang cell phone para icheck kung may chat or text ba na galing kay MAHAL.

hanggang sa pagakain magkatext at magkachat, bago matulog makausap sa phone na parang wala ng bukas.

bubuo ng maraming alala sa bawat isa, isa hindi mapaghiwalay kapag magkasama, kulang nalang langgamin sa sobrang sweet sa isat-isa.

Hanggang sa dumating ang panahon na hindi na nagkakaintindihan, may isang nanlalamig na ng sa dating punong puno ng saya at pagibig.

ngunit sabi ng nakakarami wala daw forever, nagkatampuhan at nagkahiwalay, nagkaron ng iba ang isa.

sa dami ng mga ala-ala na hindi magawang itapon.  saka mararamdaman ang unang sakit sa unang pagibig, 

Sa sobrang sakit hindi kana makahinga , mga alaala na gusto mo ng kalimutan pero hinahabol ka ng nakaraan,  

mga larawan ng nakalipas na mga araw, mga kwento ng kahapon na pilit kang ibinabalik sa nakaraan, yung tipong magiging ka sa gabi at maiiyak ka nalang dahil namimiss mo sya, namimiss mo ang bawat yakap at halik nya, 

maiiyak ka nalang dahil sinampal kana ng katotohanang ipinagpalit kana sa iba. katotonang gumisgising sayo tuwing umaga na wala na sya na may iba ng nagpapasaya sa kanya. maga bagay na ikaw ang gumagawa ngayon iba na, dating hawak nya ang kamay mo ngayon iba nang kamay ang hawak nya. 

mga ngiti nya na hindi na para sayo, mga tawa nya na hindi na ikaw ang dahilan.  nakamove on na sya samantalang ikaw nasa lusak pa din ng sakit dulot ng nakaraan. 

Hanggang sa makasanayan mo ng magisa, tumatawa at ngumiti kana na iba na din ang dahilan, mga kaibigan na hindi ka iniwan, pamilya na suportado ka sa lahat ng drama mo sa buhay, isang tunay na kaibigan na hindi ka iniwan kahit na kulang nalang ay batukan ka kasi natatangahan na sya sa llahat ng drama mo.

Mgakaibigan mong nagdididwang dahil may time kana naman sa kanila at sila na naman ang kakain ng pagkain mong hindi mo man lang nabawasan dahil sa lungkot mo.

Hanggang sa hindi mo na namamalayan na nakakamove on kana, hanggang sa isang umaga pag gising mo handan kang magmahal ulit. at buo na ang loob mong hindi kana ulit masasaktan, hindi mo na pagdadaan ang lahat ng sakit na napagdaan mo.

Hanggang sa makakilala ka ng iba na handa kang mahalin kung sino at ano ka,handang tanggapin ang lahat ng meron ka, handa ka na ulit magahal at ibigay ang tiwala mo at umaasa kang sa pngalawang pagkakataon hindi kana masasaktan.



                                                                                                                                     

________________________________________________________________________________

: bogs

the spires and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon